“October 2020”
In 2020 darkest days,
When all I loved had slipped away,
A child was born—a light, a flame,
And life would never be the same.
October winds were sharp and cold,
My soul felt tired, my bones felt old.
But then he came—so small, so new,
And suddenly, the sky turned blue.
He didn’t know the pain I bore,
The battles lost, the slamming doors.
He only knew my steady hand,
My voice, my love, my promised land.
He called me Gabi—pure and true,
And joy returned in shades I knew.
Each giggle, kiss, and bedtime song
Made broken days feel soft and strong.
He held my finger—tiny fist—
And life no longer felt like risk.
We played, we danced, we flew so high,
like pterodactyls crossing the sky.
I lost a world, but gained a soul,
A bond that made the shattered whole.
And though the storm still pounds my door,
He makes me fight, and dream, and more.
October 2020 came—
And with his birth, he changed my name.
From broken, tired, and full of strife,
To Gabi, full of love and life
written by mj/2025
Glenn Hughes sings to women. Here are just a few he’s wooed…
- Sofia
- Arianna
- Medusa
- Roxanne
- Angela
- Blue Jade
- Sista Jane
- Jolayne
- Jackie
- Madeleine
- Gabi
- Allyson
Glenn romances them and sings from the heart!
Oh there is so much love.
Sa kailaliman ng gabi ang diwa ay muling naliligalig
Sa twina'y nabubusog ang kalooban ng mga di maurirat na sapantaha
Mga tinig na nagmumutawing, "wala kang kalakasan, wala kang puwang"
Makulimlim na mga salita na nagpapabalisa
Kakambal wari mula nang ako ay magkahininga
Hindi ko maipagkukubli marupok kong damdamin
Tindig ko man ay hindi kababakasan ng lakas ng loob
Paano ako titingnan ng dako't paroon
Kahit kakampi ko man ang panalangin
Kung kaniig naman mga palad sa mukha
Habang sa isip laging umuukilkil mga imahe ng kapintasan
Dalisay kung pumapatay sa sariling katinuan
Sadyang kay hirap maigupo habang nabubuhay
Kung batid mong sarili man ay kaaway.
Habang nilalakbay itong karagatan,
Iba't ibang kulay ng ilaw ang nasisipat
Kadilima'y alay rin sa mamamayan
Puting walang galaw, iba nama'y pakipat-kipat
Parang pasko sa dalampasigan
Ilaw ng mga motor sa dagat, kumukutikutitap
Ang masilaw na puting ilaw, dinaraanan
Sabi'y halika'yo mga isda at kulisap!
Dasal 'wag lang lumapit ang kidlat
Nang pamilya nami'y huwag mangamba
Hala mga isda pasok at tuloy sa lambat
Oh kadiliman ikaw rin ay pinagpala
Lamig din ang kalaban, ngunit hindi patitinag
Tuloy lang mga bituin sa pagkislap
Ganito ang gabi, kapag nanlalayag
Saksi sa ilaw ng pagsusumikap at pangarap.
Ang pag-ibig na wagas
ay walang pagdududa;
alinlanga’y di bakas
sa gabi ma’t umaga.
Sa gitna ng delubyo
ay totoong matibay;
tapat hanggang sa dulo,
hindi humihiwalay.
Sa lahat ng sandali
ay malinis ang hangad;
hindi mapagkunwari,
at lalong hindi huwad.
Sa lahat ng gawain
ay may basbas ng Diyos;
kahit may suliranin,
pagmamahal ay taos.
Mas higit kaysa ginto
sapagkat walang wakas;
kayamanan ng puso
ang pag-ibig na wagas.
Ang papel ng anak sa pamilya
Ay ang paggalang sa ama't ina;
Ang pagsunod sa kanilang payo
Ay totoong mabuting prinsipyo.
Ang kailangan n'yang magampanan
Ay ang pagtuklas ng karunungan;
Dapat na mag-aral na mabuti
Upang mapaunlad ang sarili.
Sa masama ay huwag tutulad
Dahil sa panganib mapapadpad;
Umiwas sa ugaling baluktot
At magtaglay ng banal na takot
Huwag mag-aakyat ng suliranin
Dahil sa pagbugso ng damdamin;
Karangala'y dalhin sa magulang,
Papuri sa Diyos na lumalang.
Utang na loob ay tinatanaw
Sa nag-aruga gabi at araw;
Di ipinagwawalang bahala
Ang papel ng anak sa pamilya.
BUHAYIN
Ang ngiti mo'y bumabagay
Sa hatid ng iyong mga labi
Ika'y nagsisilbing tala sa hating gabi.
Mga munting mata na marikit
Sa akin ay pinapawi ang lahat ng sakit
Tanging nais lang ay sayo'y lumagi
Chorus:
Abangan na lang natin
Bumalik ang bukas
At iwanan ang darating
Kung lahat man ay kumupas
Sa iyo ay mananatiling buhay
Ang diwa mo'y aking gabay
Huwag sanang malayo sa'king tabi
Pighati kong walang ibang pumapawi
Ang kaluluwa'y nananabik
Madampian lang ng iyong halik
Tanging nais lang ay sayo'y lumagi
Chorus:
Abangan na lang natin
Bumalik ang bukas
At iwanan ang darating
Kung lahat man ay kumupas
Sa iyo ay mananatiling buhay (2x)
Mananatiling buhay sa iyo...
Kathang-isip na mapagkunwari
Ginto'y sa dulo raw ng bahag-hari
Sa huling hininga bumabawi
Nasanay lang sa suwail na gawi.
Araw-araw sumasapit ang gabi
Mga tala'y lumayo sa tabi
Ang hangin lang ang madalas bumati
Tadhana'y sadyang mapaghiganti
Kung maari'y sayo ay lumagi
Giliw huwag na sanang tumanggi
Nawa ating kaluluwa'y mag-sapi
Sa daigdig nating mapang-api
Nagsidigmaan na ang mga lahi
Sa puso kong tinastas ang tahi
Sa'yo o sa leeg ba itatali?
Sakaling maitama ang mali.
- PM, 2018 (Filipino poem written in Tagalog)
Nais ko nang mamatay
Matagal kong hinintay;
Tumabi sa'yo itay.
Putulin na ang buhay
Sa mundong walang saysay
Wala mang kaagapay,
Pantunaw lang ng atay.
Suko na Sa'yong kamay;
Ang walang kwentang bagay....
Puro sakin inilagay.
Bandera'y winagayway
Sa darating kong lamay
Iyak niyong malumanay,
Sa tahanang napilay.
Ngiti na walang kulay
Gabi na walang gabay
Concencia na nahalay...
Walang kamalay-malay...
Hindi na makasabay...
Wala nang pantay-pantay...
Nais ko nang mamatay
He comes again this year
With him my buried relatives
I welcome them with warm feelings
All day everyday for a month or more
Uncertain confusing it will be pretty bemusing
I see it everyday now
Video Game Consoles
Dress ups for parties
Christmas amusement parks
first love
Easily calling today
Nostalgia gnawing
Im choked up in tears
Non stop cold rain
On top of the Christmas weather
My Papa's love
Enveloping me
Santa making it cheery
Lola and lolo visiting
Daddy and Mommy chiming in
Youd think it would be a boy
I thought it could have been him
Cruelly mistaken
Can never shake this feeling
Dead family never lost but painful so it seems
Noche Buena on the 24th
Media Noche on New Year
Parol lit all month
Simbang gabi
All hope and peace
Without these we are lost
We must need these
It comes every year
Dousing it wont work
We must need it because we live through it
But then wait, for sweetness
I hold dear to the living
Only solution to shake gloom away
More resplendent than sleeping it off with kerosene
I know that now, sobered, I see it much better
Mamakailang- ulit nang nangyari 'to?
'di maka- idlip man lang mga mata
Ilang ulit na bang nalihis sa mundo?
Hating-gabi, ikaw'y saksi!Sumagot ka!
Siguro mga sampong beses na yata?
Makisimpatya ka't ngumiti man lang!
Hindi ba? Kung 'di, tayo't ikaw'y magwika!
Hating- gabi, ngayo'y mangusap ka naman!
Ako'y iniwan ng taguri'y pamilya.
Imbi't ipit sa pugad ng umuusig,
Dito sa bangin ng siguro'y sakuna,
Tanong ko'y, 'Muli pang iniwan, o, bakit?'.
Kung babalik- tanawin ko ang nagdaan
Ay hindi ba't mandalas pa sa parati?
Sa gali't alimuom man dinamayan
Kayo! Ngayo'y 'niwang sa takot lugami?
Ganito ba ang aking dapat sapitin
Sa libong kabaitang aking napunla?
Ito ba'ng igaganti ninyo sa akin
Sa tulong kong sa inyo'y sukat nagawa?
O, hating- gabi, hiling ko'y sumagot ka!
Magkusa kang tugunan 'king mga tanong
O kaya'y hugutin yaring mga paa
Sa lusak- takot na niri'y nagbabaon!
Ikaw nalang ngayon ang ako'y mayroon;
Liban sa nasa kamatayan nang buhay.
Wala na mga naturingang katotong
Tunay. Sila'ng mitya na ako'y mama'mtay!
Nagkulong sa ilalim ng kasawian
At nakatulog ng walang kasalanan,
Sa pag-ibig sa iyo ay nanirahan,
Datapwa irog maaga kang lumisan!
Ilang araw kong sarili ay nilitis,
Bawat gabi luha’y kasamang tiniis,
Ikaw sa dibdib kay tagal ‘di naalis,
Bakit buhay ko’y ‘kaw ang siyang ninais?
Payo’y kay rami na sa’kin ‘pinabatid,
Bakit itong utak ay naging makitid?
Hirap talagang masawi sa pag-ibig
Maging aking utak ay ‘di dinirinig.
Isang araw ay namulat akong hubad
Bakit dala ng kasawia’y natamad?
Buhay ma’y mababansagang ‘di mapalad,
Siguro’y‘raming pag-ibig pa’ng lalahad!
Ngayo’y panahon nang kusang pagbabago,
Mulat na ang utak kong kunyari nagtago.
Paalam na sinta kong dagling nang-iwan!
Aywan ko ba’t bakit kidlat kang lumisan.
Narito na naman ako sa isang tabi
Nalilito bawat araw at gabi,
Naguguluhan sa kung anong mararamdaman
Sa bagong pag-ibig na aking natagpuan.
Sinisigaw ng isip na ‘wag nang sumugal
Sapagkat ito ay hindi rin magtatagal,
Pigilan ang damdamin kung kinakailangan
Upang sa huli’y hindi ka masasaktan.
Araw-awar na lang ikaw ang laman nitong puso
Dati rati naman mundo nati’y di magkasuyo,
Paulit-ulit na lang bawat tao ikaw’y nakikita
Dati rati naman hindi tayo magkakakilala.
Ngunit hiyaw ng puso mo ay mahalin siya
‘pagkat mundo mo’y mabubuo tuwing siya’y kasama,
Liliwanag at kikislap ang madilim mong daan
Kung pag-ibig niya ang pipiliin mong madama.
Kaya hiling ko na lang sana ay makalimutan ka
Nang pusong hangal ay hindi na magdurusa,
Sapagkat pag-ibig sayo’y wala nang pag-asa
Nang malaman na may mahal ka na pa lang iba.
Magkasama nating tinupad ang ating mga panaginip...
panaginip na makamtan ang tunay na pag-ibig.
ikaw at ako, magkahawak-kamay, masayang humabi
mga pangarap na sana'y ating pinagsasaluhan sa araw at gabi.
humabi tayo ng panaginip
nakiisa sa masidhi nating pag-ibig
nagpatangay sa daloy ng pagniniig
alon ng pangarap naging totohanang panaginip!
hindi lang miminsan tayo ay namasyal
dinala mo ako sa lugar na kay banal
humarap tayo sa Diyos ng marangal
ipinagpasalamat ang pag-iibigang hangal!
hangal...bakit hindi?
ikaw at ako nasa dulo ng magkabilang mundo,
nagmahalan, harang ay pilit iginupo
panandaliang pagsasama ninamnam ng husto
isinantabi ang mali, nanaig sigaw ng puso!
kung TAYO ay isang magandang panaginip
hiling ko kay Bathala huwag na ako'ng gisingin sa pagkakaidlip
sapagkat kapag ikaw at ako ay magkapiling
sa totohanang panaginip kapwa'y wala nang mahihiling!
ah...lalagi ka'ng panaginip
na kailanma'y di maaalis sa aking isip!
Inner Whispers
Gabi...
Dalaw ng pangungulila.
Pilit na ipininta sa kwadro ng gunita...
...makulay...
libo't saring paro-paro...
lipad...lipad...lipad!
samyo ng bulaklak, awit sa pandinig nito.
hamog ng hanging amihan, butil nito'y sumibol
kumislap, umakit...
...naghihintay sa dampi ng halik!
Umaga...
hamog na umusbong...
sa loob ng salaming di matinag
namukadkad...
ahhhh...pilit kumakawala...
sa kulay ay nagliliyab
pag-isahin nawa... hamog niya ay bigyang laya!
Inner Whispers
Related Poems