Get Your Premium Membership

Muling Tumibok at Nabigo

Narito na naman ako sa isang tabi Nalilito bawat araw at gabi, Naguguluhan sa kung anong mararamdaman Sa bagong pag-ibig na aking natagpuan. Sinisigaw ng isip na ‘wag nang sumugal Sapagkat ito ay hindi rin magtatagal, Pigilan ang damdamin kung kinakailangan Upang sa huli’y hindi ka masasaktan. Araw-awar na lang ikaw ang laman nitong puso Dati rati naman mundo nati’y di magkasuyo, Paulit-ulit na lang bawat tao ikaw’y nakikita Dati rati naman hindi tayo magkakakilala. Ngunit hiyaw ng puso mo ay mahalin siya ‘pagkat mundo mo’y mabubuo tuwing siya’y kasama, Liliwanag at kikislap ang madilim mong daan Kung pag-ibig niya ang pipiliin mong madama. Kaya hiling ko na lang sana ay makalimutan ka Nang pusong hangal ay hindi na magdurusa, Sapagkat pag-ibig sayo’y wala nang pag-asa Nang malaman na may mahal ka na pa lang iba.

Copyright © | Year Posted 2014




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment
Date: 3/24/2016 6:43:00 PM
Gerlyn, awesome poem. LINDA
Login to Reply