Best Gabi Poems
Kathang-isip na mapagkunwari
Ginto'y sa dulo raw ng bahag-hari
Sa huling hininga bumabawi
Nasanay lang sa suwail na gawi.
Araw-araw sumasapit ang gabi
Mga tala'y lumayo sa tabi
Ang hangin lang ang madalas bumati
Tadhana'y sadyang mapaghiganti
Kung maari'y sayo ay lumagi
Giliw huwag na sanang tumanggi
Nawa ating kaluluwa'y mag-sapi
Sa daigdig nating mapang-api
Nagsidigmaan na ang mga lahi
Sa puso kong tinastas ang tahi
Sa'yo o sa leeg ba itatali?
Sakaling maitama ang mali.
- PM, 2018 (Filipino poem written in Tagalog)
Form:
*Paghuli ng Bulalakaw*
Minsan ako'y nakahuli ng isang bulalakaw,
at sa aking mga kamay inilagay
Ako'y lubhang napaso, nasaktan ng lubusan
kaya't aking itong pinakawalan...
Isang gabi, natanaw ko ang isang tala
na nagliyab sa himpapawirin
Akin lamang tinignan, at aking pinagmithian
Wari ko'y ngayon, tama ang aking ginawa.
July 23, 2010
*
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~* *
*
*Catching Falling Stars*
Once I caught a falling star
and cupped it in my hand...
It burned me so, it hurt me so
that I just had to let it go
Then one night, I saw a star
that blazed across the sky...
I looked at it, just wished upon it
and I knew that this time, I did right.
May 28, 2002
***********
Oddly enough I haven't really written any poems in
my native tongue, tsk tsk shame on me!!
(I've only written only ONE, wow)
& it's taking me forever to translate it to English
so, I decided to go about it the other way around
and translate an old poem of mine instead, & here
it is! My Filipino translation though is sort of rusty when
it comes to the flow of the poem (but hmm I guess
only those who know how to speak Tagalog would see that ^_~)
it's fun though so I just might try to write more translations!
Gert sure makes this look sooo easy!! ;)
He comes again this year
With him my buried relatives
I welcome them with warm feelings
All day everyday for a month or more
Uncertain confusing it will be pretty bemusing
I see it everyday now
Video Game Consoles
Dress ups for parties
Christmas amusement parks
first love
Easily calling today
Nostalgia gnawing
Im choked up in tears
Non stop cold rain
On top of the Christmas weather
My Papa's love
Enveloping me
Santa making it cheery
Lola and lolo visiting
Daddy and Mommy chiming in
Youd think it would be a boy
I thought it could have been him
Cruelly mistaken
Can never shake this feeling
Dead family never lost but painful so it seems
Noche Buena on the 24th
Media Noche on New Year
Parol lit all month
Simbang gabi
All hope and peace
Without these we are lost
We must need these
It comes every year
Dousing it wont work
We must need it because we live through it
But then wait, for sweetness
I hold dear to the living
Only solution to shake gloom away
More resplendent than sleeping it off with kerosene
I know that now, sobered, I see it much better
Sa maghapon ikaw ang laman ng isip ko
Sa gabi, sa pagtulog, ikaw pa rin ang laman ng utak ko,
Saan nga ba ako susuling, saan nga ba ako pupunta?
Hindi ko alam bakit nasumpungan kita.
Ang pag-ibig mo na nasa kabilang ibayo
Ang sarap pangarapin, maramdaman ng totoo
Ako ay lasing na sa pag-ibig mo,
Ngunit nais ko pa'ng uminom sa alak ng pagsuyo mo.
Ako ay isang ibon na nasasabik sa pugad mo
Basang-basa na sa ulan ng pagsinta mo
Nais kong sumilong, maramdaman ko ang init mo
Pesteng pag-ibig, bakit mo ako ginanito!?
Ikaw na nakaririnig sa bawat hinaing ko
Isa-isahin mo'ng himayin bawat kataga ng tula ko,
Pagkat hindi lamang sa bawat katha ng bolpen ko
Namnamin mo'ng mabuti bawat himaymay ng puso ko...
Sa panahon nating makita ang isat-isa
Tignan mo'ng mabuti ang aking mga mata,
sa bawat katagang usal ng aking bibig,
Lahat ng salitang namumutawi ay dahil sa iyong pag-ibig.
Nais kong pigilin ang bawat kong tanong
Kaya basahin mo'ng mabuti bawat salita, talata at saknong,
Na ikaw lamang ang bawat bulong
Ng puso kong pumipintig at nagtatanong.
Matikman ko lamang alak ng iyong pagmamahal
Ikukulong ko ang sarili at magpapakabanal,
Na huwag nang tumikim pa sa alak ng iba
At di na malasing sa kandungan nila.
Sa bawat tula na aking nagawa
Laman ng puso ko aking inilathala,
Ako ay maghihintay sa pag-ibig mong dalisay
Dahil nais kong malasing sa pag-ibig mong walang kapantay!
Inner Whispers
Mamakailang- ulit nang nangyari 'to?
'di maka- idlip man lang mga mata
Ilang ulit na bang nalihis sa mundo?
Hating-gabi, ikaw'y saksi!Sumagot ka!
Siguro mga sampong beses na yata?
Makisimpatya ka't ngumiti man lang!
Hindi ba? Kung 'di, tayo't ikaw'y magwika!
Hating- gabi, ngayo'y mangusap ka naman!
Ako'y iniwan ng taguri'y pamilya.
Imbi't ipit sa pugad ng umuusig,
Dito sa bangin ng siguro'y sakuna,
Tanong ko'y, 'Muli pang iniwan, o, bakit?'.
Kung babalik- tanawin ko ang nagdaan
Ay hindi ba't mandalas pa sa parati?
Sa gali't alimuom man dinamayan
Kayo! Ngayo'y 'niwang sa takot lugami?
Ganito ba ang aking dapat sapitin
Sa libong kabaitang aking napunla?
Ito ba'ng igaganti ninyo sa akin
Sa tulong kong sa inyo'y sukat nagawa?
O, hating- gabi, hiling ko'y sumagot ka!
Magkusa kang tugunan 'king mga tanong
O kaya'y hugutin yaring mga paa
Sa lusak- takot na niri'y nagbabaon!
Ikaw nalang ngayon ang ako'y mayroon;
Liban sa nasa kamatayan nang buhay.
Wala na mga naturingang katotong
Tunay. Sila'ng mitya na ako'y mama'mtay!
Gabi...
Dalaw ng pangungulila.
Pilit na ipininta sa kwadro ng gunita...
...makulay...
libo't saring paro-paro...
lipad...lipad...lipad!
samyo ng bulaklak, awit sa pandinig nito.
hamog ng hanging amihan, butil nito'y sumibol
kumislap, umakit...
...naghihintay sa dampi ng halik!
Umaga...
hamog na umusbong...
sa loob ng salaming di matinag
namukadkad...
ahhhh...pilit kumakawala...
sa kulay ay nagliliyab
pag-isahin nawa... hamog niya ay bigyang laya!
Inner Whispers
Narito na naman ako sa isang tabi
Nalilito bawat araw at gabi,
Naguguluhan sa kung anong mararamdaman
Sa bagong pag-ibig na aking natagpuan.
Sinisigaw ng isip na ‘wag nang sumugal
Sapagkat ito ay hindi rin magtatagal,
Pigilan ang damdamin kung kinakailangan
Upang sa huli’y hindi ka masasaktan.
Araw-awar na lang ikaw ang laman nitong puso
Dati rati naman mundo nati’y di magkasuyo,
Paulit-ulit na lang bawat tao ikaw’y nakikita
Dati rati naman hindi tayo magkakakilala.
Ngunit hiyaw ng puso mo ay mahalin siya
‘pagkat mundo mo’y mabubuo tuwing siya’y kasama,
Liliwanag at kikislap ang madilim mong daan
Kung pag-ibig niya ang pipiliin mong madama.
Kaya hiling ko na lang sana ay makalimutan ka
Nang pusong hangal ay hindi na magdurusa,
Sapagkat pag-ibig sayo’y wala nang pag-asa
Nang malaman na may mahal ka na pa lang iba.
Nagkulong sa ilalim ng kasawian
At nakatulog ng walang kasalanan,
Sa pag-ibig sa iyo ay nanirahan,
Datapwa irog maaga kang lumisan!
Ilang araw kong sarili ay nilitis,
Bawat gabi luha’y kasamang tiniis,
Ikaw sa dibdib kay tagal ‘di naalis,
Bakit buhay ko’y ‘kaw ang siyang ninais?
Payo’y kay rami na sa’kin ‘pinabatid,
Bakit itong utak ay naging makitid?
Hirap talagang masawi sa pag-ibig
Maging aking utak ay ‘di dinirinig.
Isang araw ay namulat akong hubad
Bakit dala ng kasawia’y natamad?
Buhay ma’y mababansagang ‘di mapalad,
Siguro’y‘raming pag-ibig pa’ng lalahad!
Ngayo’y panahon nang kusang pagbabago,
Mulat na ang utak kong kunyari nagtago.
Paalam na sinta kong dagling nang-iwan!
Aywan ko ba’t bakit kidlat kang lumisan.
Magkasama nating tinupad ang ating mga panaginip...
panaginip na makamtan ang tunay na pag-ibig.
ikaw at ako, magkahawak-kamay, masayang humabi
mga pangarap na sana'y ating pinagsasaluhan sa araw at gabi.
humabi tayo ng panaginip
nakiisa sa masidhi nating pag-ibig
nagpatangay sa daloy ng pagniniig
alon ng pangarap naging totohanang panaginip!
hindi lang miminsan tayo ay namasyal
dinala mo ako sa lugar na kay banal
humarap tayo sa Diyos ng marangal
ipinagpasalamat ang pag-iibigang hangal!
hangal...bakit hindi?
ikaw at ako nasa dulo ng magkabilang mundo,
nagmahalan, harang ay pilit iginupo
panandaliang pagsasama ninamnam ng husto
isinantabi ang mali, nanaig sigaw ng puso!
kung TAYO ay isang magandang panaginip
hiling ko kay Bathala huwag na ako'ng gisingin sa pagkakaidlip
sapagkat kapag ikaw at ako ay magkapiling
sa totohanang panaginip kapwa'y wala nang mahihiling!
ah...lalagi ka'ng panaginip
na kailanma'y di maaalis sa aking isip!
Inner Whispers
Gabi wakes up with a frown,
Gabi drags her feet around,
Gabi’s room’s a real mess,
Gabi cannot find her dress,
Gabi’s lost most of her toys,
Gabi has a squeaky voice,
Gabi’s homework may look shabby,
I cannot live without Gabi.
Nais ko nang mamatay
Matagal kong hinintay;
Tumabi sa'yo itay.
Putulin na ang buhay
Sa mundong walang saysay
Wala mang kaagapay,
Pantunaw lang ng atay.
Suko na Sa'yong kamay;
Ang walang kwentang bagay....
Puro sakin inilagay.
Bandera'y winagayway
Sa darating kong lamay
Iyak niyong malumanay,
Sa tahanang napilay.
Ngiti na walang kulay
Gabi na walang gabay
Concencia na nahalay...
Walang kamalay-malay...
Hindi na makasabay...
Wala nang pantay-pantay...
Nais ko nang mamatay
Dito sa higaan ko inaalala ang mga ngiti mo
Pilit kong inaalala ang sarap ng mga halakhak mo
Oh anong sarap ng maramdaman ng akap mong kay init
Sa bawat hininga mong puno ng pag asa’t pag lalambing.
Ang bawat oras ay napakabilis
Utak ko’y tuliro sa pagpapaalam
Kung pwede lamang na ika’y itago
Mahirap ang ikaw wala kahit isang dipa
Pero ang bawat araw na ikaw ay nasisislayan parang bagong mundo ang binibiyayaan
Ang pagsinta ng pagkatao ko ay iyong dulot at sanhi
Dahil dito sa himlayan ko ngayon gabi pag irog ko ay di ko ikukubli
Sayo ang aking ngiti
Baunin mo hangang sa hapong iyong paguwi
Dahil sa gabing malamig, pag ibig ko’y iyong baga at sa lungkot ay gagapi.
Ang papel ng anak sa pamilya
Ay ang paggalang sa ama't ina;
Ang pagsunod sa kanilang payo
Ay totoong mabuting prinsipyo.
Ang kailangan n'yang magampanan
Ay ang pagtuklas ng karunungan;
Dapat na mag-aral na mabuti
Upang mapaunlad ang sarili.
Sa masama ay huwag tutulad
Dahil sa panganib mapapadpad;
Umiwas sa ugaling baluktot
At magtaglay ng banal na takot
Huwag mag-aakyat ng suliranin
Dahil sa pagbugso ng damdamin;
Karangala'y dalhin sa magulang,
Papuri sa Diyos na lumalang.
Utang na loob ay tinatanaw
Sa nag-aruga gabi at araw;
Di ipinagwawalang bahala
Ang papel ng anak sa pamilya.
BUHAYIN
Ang ngiti mo'y bumabagay
Sa hatid ng iyong mga labi
Ika'y nagsisilbing tala sa hating gabi.
Mga munting mata na marikit
Sa akin ay pinapawi ang lahat ng sakit
Tanging nais lang ay sayo'y lumagi
Chorus:
Abangan na lang natin
Bumalik ang bukas
At iwanan ang darating
Kung lahat man ay kumupas
Sa iyo ay mananatiling buhay
Ang diwa mo'y aking gabay
Huwag sanang malayo sa'king tabi
Pighati kong walang ibang pumapawi
Ang kaluluwa'y nananabik
Madampian lang ng iyong halik
Tanging nais lang ay sayo'y lumagi
Chorus:
Abangan na lang natin
Bumalik ang bukas
At iwanan ang darating
Kung lahat man ay kumupas
Sa iyo ay mananatiling buhay (2x)
Mananatiling buhay sa iyo...
Paggising Sa umaga, palagi akong natatanaw ang araw.
Sumisikat at Nagniningning, habang nararamdaman ko ang init nito.
Tulad ng pakiramdam ko sa tuwing nababalot ako Sa init ng pagmamahal mo.
Dahil ramdam ko parin ang mga yapos, gapos at pag-akap mo.
Pagsapit ng tanghali, palagi akong natatakam sa mga luto mo,
Mga luto mo na puno ng pagmamahal, pag-aalaga at pag-aruga mo.
Tulad nalang sa kung paano mag alaga ang isang ina sa kaniyang anak,
Inalagaan mo rin ang puso kong minahal ka nang buo at tiyak.
Pag dating ng hapon, ako'y nahihimlay at nahihimbing sa iyong mga hita,
Maghapong matutulog at magpapahinga sa piling mo't ikaw ang unang makikita.
At sa sobrang himbing ay hindi ko inakalang ika'y isang araw ay mawawala.
Ngunit ako'y nagising na lamang na ikaw ay wala na't labis ko itong ikinabigla.
Pagsapit ng gabi, ako'y umiiyak nalang sa tuwing darating na ang hapunan,
Sapagkat aking naaalala kung paano mo ako gisingin na may kape't ako'y iyong paglulutuan.
Aking naaalala ang tamis ng iyong adobo, asim ng iyong sinigang at alat ng iyong torta.
Ngunit ang huling iluluto mo pala para sa akin ay papaitan na sing-pait nang aking
nadarama.
At pagsapit ng hating gabi, ako nama'y iiyak at luluha hanggang sa hindi ko na mamalayang
ako'y nakahimbing na sa pagtulog.
Tulad ng buwan at araw, nagkakaroon ng kadiliman sa tuwing dumarating sa buwan ang pagduyog.
Sa mga gabing ako'y umiiyak at humahagulgol sa tuwing maaalala kita ay sasabay ang pagpatak ng
ulan at pagsabay ng kulog,
Na sasabayan akong umiyak at lumuha hanggang sa ako'y ma-hele nito hanggang ako ay makatulog.
At paggising muli sa umaga, uulitin ko nanaman siya.