Pasko Sa Dagat
Habang nilalakbay itong karagatan,
Iba't ibang kulay ng ilaw ang nasisipat
Kadilima'y alay rin sa mamamayan
Puting walang galaw, iba nama'y pakipat-kipat
Parang pasko sa dalampasigan
Ilaw ng mga motor sa dagat, kumukutikutitap
Ang masilaw na puting ilaw, dinaraanan
Sabi'y halika'yo mga isda at kulisap!
Dasal 'wag lang lumapit ang kidlat
Nang pamilya nami'y huwag mangamba
Hala mga isda pasok at tuloy sa lambat
Oh kadiliman ikaw rin ay pinagpala
Lamig din ang kalaban, ngunit hindi patitinag
Tuloy lang mga bituin sa pagkislap
Ganito ang gabi, kapag nanlalayag
Saksi sa ilaw ng pagsusumikap at pangarap.
Copyright © Roger A Pautan Jr | Year Posted 2021
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment