Imahe
Sa kailaliman ng gabi ang diwa ay muling naliligalig
Sa twina'y nabubusog ang kalooban ng mga di maurirat na sapantaha
Mga tinig na nagmumutawing, "wala kang kalakasan, wala kang puwang"
Makulimlim na mga salita na nagpapabalisa
Kakambal wari mula nang ako ay magkahininga
Hindi ko maipagkukubli marupok kong damdamin
Tindig ko man ay hindi kababakasan ng lakas ng loob
Paano ako titingnan ng dako't paroon
Kahit kakampi ko man ang panalangin
Kung kaniig naman mga palad sa mukha
Habang sa isip laging umuukilkil mga imahe ng kapintasan
Dalisay kung pumapatay sa sariling katinuan
Sadyang kay hirap maigupo habang nabubuhay
Kung batid mong sarili man ay kaaway.
Copyright © Jennelyn Felicilda | Year Posted 2022
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment