Get Your Premium Membership

Ang Papel Ng Anak Sa Pamilya

Ang papel ng anak sa pamilya Ay ang paggalang sa ama't ina; Ang pagsunod sa kanilang payo Ay totoong mabuting prinsipyo. Ang kailangan n'yang magampanan Ay ang pagtuklas ng karunungan; Dapat na mag-aral na mabuti Upang mapaunlad ang sarili. Sa masama ay huwag tutulad Dahil sa panganib mapapadpad; Umiwas sa ugaling baluktot At magtaglay ng banal na takot Huwag mag-aakyat ng suliranin Dahil sa pagbugso ng damdamin; Karangala'y dalhin sa magulang, Papuri sa Diyos na lumalang. Utang na loob ay tinatanaw Sa nag-aruga gabi at araw; Di ipinagwawalang bahala Ang papel ng anak sa pamilya.

Copyright © | Year Posted 2018




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Shattered Sighs