Get Your Premium Membership

BUHAYIN

BUHAYIN Ang ngiti mo'y bumabagay Sa hatid ng iyong mga labi Ika'y nagsisilbing tala sa hating gabi. Mga munting mata na marikit Sa akin ay pinapawi ang lahat ng sakit Tanging nais lang ay sayo'y lumagi Chorus: Abangan na lang natin Bumalik ang bukas At iwanan ang darating Kung lahat man ay kumupas Sa iyo ay mananatiling buhay Ang diwa mo'y aking gabay Huwag sanang malayo sa'king tabi Pighati kong walang ibang pumapawi Ang kaluluwa'y nananabik Madampian lang ng iyong halik Tanging nais lang ay sayo'y lumagi Chorus: Abangan na lang natin Bumalik ang bukas At iwanan ang darating Kung lahat man ay kumupas Sa iyo ay mananatiling buhay (2x) Mananatiling buhay sa iyo...

Copyright © | Year Posted 2018




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment
Date: 7/13/2019 10:19:00 AM
Ang ganda ng tula mo, napaibig mo ako.
Login to Reply