Get Your Premium Membership

Samahan

Samahan na wagas, pangarap ng lahat
Buklod buklod, Hindi watak watak
Hindi bukod bukod, Hindi kanya kanya
Walang nauuna, walang nahuhuli
Walang umaalis, walang naiiwan

Subalit iba ang pangarap sa katotohanan
Ang mga tao'y nagka kanya kanya
Parti partido, parti partisan
May samahan ng mga ganid
Samahan ng mga gahaman, ng mga sakim

Palakasan, naiiwan ang mga mahihina
Giyera, digmaan at rambulan ang nangyayari
Pautakan, nandadaya manalo lamang
Sobra sa yaman ang kaunti at salat ang marami
Dahil sa pagalingan at kompetisyon

Kaya't wakasan na ang pabubukod bukod
Tayo'y magbuklod buklod na, gibain na ang mga
Samahan na itinatag ni satanas, dahilan upang
Mag-away away ang lahat, tayo'y magsama sama 
Sa nag-iisang Mundo, na gawa ng nag-iisang Lumikha

Copyright © | Year Posted 2019




Post Comments
Please Login to post a comment
Date: 6/29/2019 7:55:00 AM
Tama! Dapat magsama sama na tayo. Hays, naalala ko nanaman yung eleksyon. Sisihan dahil sa relihiyon, imbes na ang dapat gawin ay sama samang harapin kung anong ganap sa kasalukuyan! Ang galing niyo po!
Login to Reply
Nieva Avatar
Archibald Nieva
Date: 7/8/2019 5:51:00 AM
Maraming salamat. Hindi dapat tumingin sa relihiyon, lahi o probinsiya. Dapat ay magkaisa sa isang magandang layunin, na ikatatagumpay ng lahat at hindi ng iilan lamang.