Get Your Premium Membership

Buhay

Buhay, sadya yatang masalimuot
Kulang ang gawa, marami ang salita
Mas madaling sumimangot kaysa sa ngumiti
Sayang ang mga ngiti kung hindi rin lang naman tutugunan

Buhay ko ay kulang kung hindi rin lang naman ikaw ay mapapasaakin
Mas madali pa yatang manloko kaysa tumulong sa kapwa
Ito na yata ang hinahanap ko pero ang hirap malapitan
Natapos ang araw na hindi ka man lang nabati

Kinabukasan, ikaw kaagad ang hinahanap
Inspirasyon ko sa buong araw ng paggawa
Ngunit ako'y nalulungkot, dahil wala ka ng araw na iyon
Iniisip ko kung nasaan ka na at sino ang kasama mo

Hindi bale ng walang yaman, marami lang ang kaalaman
Sa buhay na puro pagsubok sa iyong kakaunting kaalaman
Ginawa mo na ang lahat, subalit kulang pa rin sa mga taong sakim at gahaman
Sa lahat ng pagsubok, isipin lamang kita at ito ay aking mapaglalabanan

Copyright © | Year Posted 2019




Post Comments
Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.