Best Alam Poems
(My apologies! This poem is wrtten in Filipino....for my brother Edwin...i hope to translate it one day)
Noong tayoy mga bata pa...
Wala akong maalala....
Na sa akin ay nakipaglaro ka....
Pwera lang sa pagkakataong nag iisa....
Noon ay katabi kita....
Isang maliit na plastic aking nakita....
Na isinuot ko sa aking ulo hanggang mukha....
Naalala kong hindi ako makahinga....
Tulungan mo 'ko!!! Akoy nagmakaawa....
Dala na rin ng iyong pagkabata....
Ako ay iyong binalewala....
Salamat sa ating kasambahay....
Ako'y nabigyan pa ng ikalawang buhay....
Habang tayoy nagkakaedad....
Naalala kong tayo'y laging nagbababag....
Kahit mas malaki ka sa akin....
Pinapatulan kita tuwing ako ay iyong hahamunin....
Noong nag eeskwela na tayo....
Hindi ko maalalang kami'y iyong kasalo....
Sa ano mang tagumpay na iyong natamo....
Pero ni minsan hndi kami nagtampo....
Kahit na obvious naman na ikaw ang paborito
Pero aming kapatid....
Nais naming malaman mo....
Mula noon hanggang sa panahong ito.....
Akala mo lang wala pero meron meron meron....
Aming pagmamahal ay totoo....
Na Para lamang sa iyo....
Hindi man kami magsalita....
Ramdam namin kung ikaw ay masaya....
Ganun din kung ika'y may dinadala....
Sa lahat ng pagkakataon sana....
Iyong maisip na may apat na maria....
Sa iyo ay nagpapahalaga!
Ngayong singkwenta ka na....
Nawa'y nakikita mo na....
Na napakaganda ng iyong naging buhay....
Na ondoy at habagat ka man....
Nakatayo ka pa din at di bumibigay....
Panahon na para kami naman ang iyong pansinin
Ang iyong mga kapatid na pagkakaganda
O sige na nga kasama ang ating ina
Tutal nasa singapore ka!
Nampucha naman magpasalubong ka!
Sensya na hindi ko na alam
Paano tapusin ang alay na tula
Aking ilong ay nagdurugo na
Katinko ko ay simot na
Pakatandaan mo lang....
Mahal ka namin aming kuya!
Kung sasariwain ko sa 'king isip
Ang nangagdaang mga kapanahunan,
Liban kay Jessang lubhang pinintakasi,
Ikaw'y naroon 'di ko maikukubli!
Sa koliheyo kata'y nagkakilala,
Katoto kita sa 'sang asignatura,
Sa unang tagpo'y 'di ko maikakaila
May paghanga ako sa iyong nadama.
Aywan ko rin ba Nina't 'di ko sadya
Na noon ni Kopidp ako'y napana.
Nasok sa kamunti- muntiang himaymay
Na aking laman katagian mong taglay.
Makailag- ulit sa silid-aralan,
Habang ating guro' nagbab'hagi alam,
Ako'y nag-aastang maysakit tiyan,
Labas- pasok silid ng ikaw'y matunghan!
Minsan, maaga pa sa silang ng araw
Kung ako'y dumatal sa silid- turuan.
Takot mahuli? Oo! Ngunit ang pakay
Liban sa takot, Nais kang masilaya.
"di naglao'y lumipas ang mga araw;
Ikaw'y ipinagdamot, wari ninakaw
Ng oras. Naubos buong limang buwan
Kay bilis, animo kidlat kang naparam.
Sa gayon ka tatamis na alaala,
Ay gayong dita rin sinikap kong bathin.
Dahil sa likod ng sibol nang paghanga,
"di ko nasabing, "Nawa ikaw ay akin!"
Ngayon, tila mga along nagbabalik
Ang mga araw ng tuwa kong nasapit.
"yong mga araw'ng ma kamandag sa huli
Ngayong kaklase kita sa Master's degree.
Ngunit ngayong tana'y multong nagbabalik,
May sinusumpa akong 'di mauulit!
Ang batid ko lang a siyang gaganapin
Ay liligawan kita. Walang pipigil!
Kung sakaling ngayon ikaw'y may pag- ibg,
At ikaw Nina'y sadlak sa pagkatali,
Magka- ao ma'y 'di ako palulupig!
Laya mo ay hihintayin hanggang huli!
Bakit hindi ko maiwasang umagos aking mga luha
Sa tuwing ako’y iyong binabalewala,
Nalulungkot at nalulumbay buo kong pagkatao
Sa mapait at matabang na sa aki’y pagtrato.
Naluluha at nasasaktan ako sa iyong mga banat
Pagkat mas lalo mo lamang nilalayo ang loob sa lahat,
Ngunit kahit gaano pa ka tulis ang iyong mga salita
Matitiis hindi pagkat ikaw ay namumukod tangi.
Alam mo bang nilalanghap ko bawat samahan natin
Tuwing tayo’y masaya, nagtatawanan at nagkukulitan,
Kaysarap ngang balikan parang nakakawala ng hapdi
Napakagaan sa pakiramdam at lumbay ay napawi.
Alam mo namimis ko ang tunay na ikaw
Hindi ko na kase iyon sa’yo natatanaw,
Noong ngiti mo’y napalitan na nang ngiwi
At ngayo’y halos wala na talagang mahawi.
Kailan ba tayo magkakasundo?
Hanggang kailan magdurugo aking puso?
Na ikaw ay tiisin at laging intindihin.
Kailan mo kaya mauunawaan itong damdamin?
Sana lang alam mo ang laman nitong puso
Sana alam mo ang bawat sugat at kirot nito,
Nang ang paghilom naman ang mamumuo
At liwanang sa isip at puso’y makakamtan ko.
makulit.paulit-ulit lang
ang pag-ibig ko sa’yo.
di nasasaktan.di nadadala
pilit nililimot,lalong lumalala
ang pag-alaala:
sa kahapon
sa ngayon,sa bukas.
ginagamot ng sampal,
batok, sabunot
at buntong- hiningang
walang humpay.
ng sigaw na walang nakaririnig,
kundi ang taong di ko na kilalang
kaharap ko sa malabong
salamin.
kagabi,magkasabwat na naman
ang lamig at dilim;
nanunuot sa bawat
himaymay ng malay,
nag-uunahang manumbat.
parang mga
mga paang nag-aagawang
tumakas at
nangahas dumaan
sa mga lansangan,
at pader na nanunuksong
pangalan mo lang ang alam
isulat.
sa sulok
nagsisiksikan ang mga agiw
at sapot.sariling hagod
ng impit na mga daing.
bahaw na ngiti.
ulang pumatak,
natuyo,tumatak.
sa kawalan,sino ang nawala
at nawalan?
paulit-ulit lang.gaya ng dati.
paulit-ulit lang
ang palabas.
hanggang wala nang maramdaman.
gaya noon.
Sa maghapon ikaw ang laman ng isip ko
Sa gabi, sa pagtulog, ikaw pa rin ang laman ng utak ko,
Saan nga ba ako susuling, saan nga ba ako pupunta?
Hindi ko alam bakit nasumpungan kita.
Ang pag-ibig mo na nasa kabilang ibayo
Ang sarap pangarapin, maramdaman ng totoo
Ako ay lasing na sa pag-ibig mo,
Ngunit nais ko pa'ng uminom sa alak ng pagsuyo mo.
Ako ay isang ibon na nasasabik sa pugad mo
Basang-basa na sa ulan ng pagsinta mo
Nais kong sumilong, maramdaman ko ang init mo
Pesteng pag-ibig, bakit mo ako ginanito!?
Ikaw na nakaririnig sa bawat hinaing ko
Isa-isahin mo'ng himayin bawat kataga ng tula ko,
Pagkat hindi lamang sa bawat katha ng bolpen ko
Namnamin mo'ng mabuti bawat himaymay ng puso ko...
Sa panahon nating makita ang isat-isa
Tignan mo'ng mabuti ang aking mga mata,
sa bawat katagang usal ng aking bibig,
Lahat ng salitang namumutawi ay dahil sa iyong pag-ibig.
Nais kong pigilin ang bawat kong tanong
Kaya basahin mo'ng mabuti bawat salita, talata at saknong,
Na ikaw lamang ang bawat bulong
Ng puso kong pumipintig at nagtatanong.
Matikman ko lamang alak ng iyong pagmamahal
Ikukulong ko ang sarili at magpapakabanal,
Na huwag nang tumikim pa sa alak ng iba
At di na malasing sa kandungan nila.
Sa bawat tula na aking nagawa
Laman ng puso ko aking inilathala,
Ako ay maghihintay sa pag-ibig mong dalisay
Dahil nais kong malasing sa pag-ibig mong walang kapantay!
Inner Whispers
Kailangan kong lumisan sandali sa init mo
Paalam ng panandalian sa ngayon
Alam nating darating ito
Salamat sa kahapong pinagsaluhan
Iiwan kita na may pag irog sa kaluluwa
Magbabadya ang kinabukasan na di natin alam kung ano meron
Susulong sa pagbabago ng mundo ang ating mga nararamdaman
Iibig muli at siyang aakap sa iba
Iuukit ko sa akin laman ang alala ng iyong alindog
At ilalagay ng habang buhay ang imahen ng iyong ngiti sa aking isip
Aalis panandalian
Lilisanin muna ang noon
Magbabalik ako at sasamahan ka
Punasan ang luha mo’t subukang ngumiti
Ikaw ang tala. Ang tala ko.
There is nothing to prove
in terms of bravery of the Tauusg.
The Tausug has been proven brave.
What more to prove?
It is our desire to still take the step
of the original cause for independence
To prove our bravery
to shout in any wall in the facebook
will not bring Tausug anywhere.
So Let Us All Save Peace,
Insha Allah it will bring the Tausug somewhere.
Wallahu Alam
Tuesday, 19 March, 2013, 7:44PM
Sandakan Nature City, Sabah
Let Us All Save Peace
Ilyimy. Layag Sug!
RAP TUNE:
Kung alaala'y magawi, sa iyo oh Irog,
Ang ngiti sa labi'y, sariwang hamog,
Matamis, malinaw, at isang biyaya,
Ng bukang liwayway, sa damong linga.
Pumapawi sa uhaw nitong yaring puso,
Tanggal ang init ng damdaming paso,
Sapagkat sa tuwinang, ika'y nasa isipan,
Naiibsan tong, mapait na kalungkutan.
-**Kuro
LYRICAL:
Sapat na ang alaala mo sinta
Pumawi sa lungkot ng pagiisa
Dasal bawat araw sana’y bukas ng
Kapiling ka….
Sapat ng isipin ka’t imaginin,
Upang matahimik isip kong napapraning,
Walang sandaling nagmukmok alam kong
Ika’y sa kin……
-***Katapusan ng Kuro
RAP TUNE:
Ang tanging galak, na hihigit lamang,
Gamogamong ako'y, sa iyo madarang,
Mahagkan, mayakap, at aking madama,
Ang init ng iyong, taos pusong kalinga.
Malungkot man ang gabing di ka katabi,
Hanap man ang iyong malalambot na labi,
Hangad man ng balikat ang iyong ulunan,
Ang blankong tingin may lagi sa kawalan...
Lagi mong tatandaan....
...Sa puso't isipan lagi kang nandiyan.
***Ulitin ang Kuro
RAP TUNE:
Nagpapalakas, bigay inspirasyon...
Nagpapatapang, tanggap hamon...
Gabay na liwanag, katahimikan....
Kapayapaan....sa magulong isipan.
Pagmamahal sa iyo ang tanging katotohanan...
Abot hangang LANGIT..Maalab.....Sukdulan!!!
**Ulitin ang kuro
Umaga, nakikita kang naglalakad,
Ang kanan mong kamay ay may tangan pang bag.
Ang kaliwang kamay mo'y libro ang hawak
Ngunit sa daan kilalaka ng lahat.
Ika'y guro; Sagisag ng kasipagan!
Ang tangan mo lagi, kung 'di nila alam,
Ay ang susi mong kung tawagi'y lesson plan.
Sa aga ng pasok mo, Ika'y huwaran!
Tanghali, akala nila ika'y hibang;
Hapo at gutom na ngunit nangangaral.
Ang totoo, nagreremedial class ka Ma'am!
Sino ka ba? Ika'y dakila't marangal!
Hapon, ika'y 'di man pansin ng lipunan,
Subalit kapiling mo'y mga upuan;
Habang ang pluma mo'y pinagsasalitang
"Bukas, bata ito ang matututunan!".
LDR siya kung tawagin
Kalokohan lang para sa akin
Sapagkat ang ganitong klase ng relasyon
Sakit at pighati lang ang pabaon
Minsan ko na naranasan ang magsugal
Sa sitwasyon na alam kong hindi magtatagal
Nasayang lang ang ginugol na oras
At ang pagmamahal na parang wala ng bukas
Kelanman hindi sapat ang internet at telepono
Dahil sa ang mundo ngayon ay puno ng tukso
Ang daming pangako na sadyang napapako
Mula sa isang taong malayo
Ayoko na ilagay ang sarili ko
Sa isang tao na hindi ako sigurado
Ang dagat ay isang napakalaking pagitan
At napakahirap kung langit lang ang kapwa namin titignan
OO takot na akong masaktan muli
Ako lang din ang iiyak sa bandang huli
Takot na rin akong umasa
Baka pagising ko mawalan na ako ng pag-asa
LDR ay isang napakalaking hamon
Hangga’t maaga pa sa limot na ito ibaon
Hihintayin na lang ang tamang pagkakataon
Na magmahal sa iisang lugar sa itinakdang panahon
Andhere Nagri kis rooh pazeeri ka Alam ko Obharti Rahi
Aanchal ma kia kia Darakhshan paida na hue
Hawass ki deedni Sarapa Dil o Damaag the
Nigahh Simutt kar reh gae Hussna Azadi ka Zumra ma
Sipunin si Nene noong una ko'ng masilayan
Binigyan mo ng ngiti ang tikom na makipot na labi
Kulay ng pisngi ay nag-iba, malarosas kapag ika'y nakikita
At sa bawat ngiti ng mapanukso mong labi
Di mawari, pakiramdam ko ang kagustuhang mayakap mo muli!
Naging isa, tinadhana ng Lumikha
Buong pagkatao isinuko pati ang kaluluwa
Tamis ng pagmamahalan binabalik-balikan
Sinumpaang pagmamahalan, malayang ipinaramdam.
Halakhak na dulot ng malikot na isip
Lalong napalapit sa iniibig
Bawat luha na pumatak
Buong pusong niyakap, inunawa, tinanggap.
Mahal kita... saiyo ako ay gustong humabi ng SANA
Hanap ka lagi ng puso, laman ng isip, nasa ng pagkatao
Ikaw na tila kasukat ng katawan, kahati ng pagkatao,
at sa pag-iisa ng mga kaluluwang tunay na nagmamahalan!
Kung IKAW lamang ay SANA
humabi na ako ng pangarap na TAYO ngang dalawa
Magkahawak-kamay na tatahakin
mamuhay sa mundo ng walang hahamakin!
Subalit heto tayo, kasalukuyang nakakahon
Ikaw sa mundo mo na bigla ay sinubok ng pagkalito
Mahal mo ba siya o ako ba...
O mamaalam na sa pagmamahalang walang kasing-sarap na pinagsaluhan?
Ramdam ko ang pagbabago mo
ngunit naiintindihan ko
tanikala mo'y hindi kailanman mapapatid
lalagi ka na lamang AKIN sa panaginip...
Kung ikaw lamang ay SANA...
Alam ko, tayo ay magiging maligaya.
Ngunit...
Akala ko nung una ang SANA ay pag-asa.
Inner Whispers
ITATAMA PABA O TAMA NA?
mahal na mahal parin kita..
kahit alam kong my mahal kanang iba...
ipaglalaban parin ba kita ?
o talagang tama na para sating dalawa.. ?
gustong gusto ko parin na maging tayo..
kahit na alam kong my bago ka na..
masakit isipin na imbes na balikan moko..
mas pinili mong maghanap at magsimula sa iba..
kesa ipalaban at itama ang meron tayong dalawa..
Hindi na nga ba talaga ako karapat dapat sayo?..
kulang paba talaga ako,
para hanapin mo sa iba ang mga kakulangan ko?
sana di ka nalang dumating
para di nako umasa at aasa pa na sana..
ikaw na talaga..
ikaw nalan sana..
lage mong sinasabi sakin na mahal moko..
pero ang hindi ko maintindihan..
bakit ka nagbago?..
bakit tayo nagbago?
bakit ka nawala..?
at bakit iba na ang kasama mo imbes na ako sa buhay mo?..
sabi mo..
babalikan moko.
pero diko maintindihan kung bakit wala kang ginawa..
ay mali. meron pala..
nagawa mo ng humanap ng iba..
imbes na ayusin tayong dalawa..
nasan na ba mga pangako mo??
puro mapapako nalan ba??
kelangan ko pa bang
magmakaawa para bumalik ka ?
o ikaw na magmamakaawa sakin
para pakawalan na kita..?
itatama paba ?..
o tama na ?..
ipaintindi mo sakin..
at sabihin mo sakin..
kasi kahit alin man at ano man
ang magiging desisyon mo..
masasaktan at masasaktan parin ako...
at masasaktan mo parin ako..
pero iintidihin ko..
at maiintindihan ko..
kaya sabihin mo..
Itatama pa nga ba talaga?
o Tama na nga talaga?..
MY ORIGINAL PIECE.
ANALOU TESORO PUNAY
Famed cousin of Hollywood and subtilized by the agnomen Tollywood
This brobdingnagian docudrama industry
Has brought home the bacon
Over a meg neighborhood.
The thirties first tacit motion black and white
Greeted the first sound Irani’s Alam Ara
The Take World War II riotous plot
Storm-tossed by blue fank.
The daring director yet trod on
With a plot reflecting a life of a hapless farmer
Going along against the doomed aura
Marched till independence
Later at republic, got hold of the golden era.
The fifties and sixties sleek marcel
And movies reflecting social themes
Flowed from a thriving commercial egress.
Over across the border
Ever since Neecha Nagar gained ground
Paved the way towards internationally acclaimed
Ethical competitions.
The chichi modern era
The addend Kapoors and the comer Bachhan
Furled hairdo and bellbottom pants
Took on the seventies elan.
Succeeded by the eighties
Chocked up by drama, actions and thrills
Accompanied the Khans in the ninties.
Flirtatious era and
Cottony and forte music,
Thronged foxes
Bruits media outrages,
The mid ninety terror closed book
And more amusive bulletin pages.
Dirty dancing and wet bikini shots
Yet movies maneuvered with worth remembering thoughts.
The versatile era and
Macho-man crying,
Few love birds becoming life-long couples.
From the thirties to the nineties
Along the agonistic twenty first
The aging brobdingnagian docudrama industry
Has brought home the bacon
Over a meg neighborhood.
_____________X_____________
ako ang una mong minahal
di mo nga lang napanindigan
di ako ang iyong pinakasalan
dahil sa iba ka bumigay
minahal kita ng lubusan
pagkababae mo'y iginalang
inunawa ka't pinakaingatan
ngunit sa iyo pala iyo'y kulang
balewala sayo ang aking pagpupursige
na alayan ka ng magandang buhay sa huli
hinanap mo ika mo ang iyong sarili
dahilan mo'y sadyang makasarili
hindi ko alam na nakikipagtipan kana
ginawa mo akong sanggago't sangtanga
ngunit inunawa pa rin kita
masakit man ika'y binigyang-laya
wala kana ngayon
nalimot ko na ang kahapon
maaaring bukas, wala na rin ako
ngunit naging bahagi ka pa rin
ng masalimuot na kasaysayan ko. . .