Sukdulan
RAP TUNE:
Kung alaala'y magawi, sa iyo oh Irog,
Ang ngiti sa labi'y, sariwang hamog,
Matamis, malinaw, at isang biyaya,
Ng bukang liwayway, sa damong linga.
Pumapawi sa uhaw nitong yaring puso,
Tanggal ang init ng damdaming paso,
Sapagkat sa tuwinang, ika'y nasa isipan,
Naiibsan tong, mapait na kalungkutan.
-**Kuro
LYRICAL:
Sapat na ang alaala mo sinta
Pumawi sa lungkot ng pagiisa
Dasal bawat araw sana’y bukas ng
Kapiling ka….
Sapat ng isipin ka’t imaginin,
Upang matahimik isip kong napapraning,
Walang sandaling nagmukmok alam kong
Ika’y sa kin……
-***Katapusan ng Kuro
RAP TUNE:
Ang tanging galak, na hihigit lamang,
Gamogamong ako'y, sa iyo madarang,
Mahagkan, mayakap, at aking madama,
Ang init ng iyong, taos pusong kalinga.
Malungkot man ang gabing di ka katabi,
Hanap man ang iyong malalambot na labi,
Hangad man ng balikat ang iyong ulunan,
Ang blankong tingin may lagi sa kawalan...
Lagi mong tatandaan....
...Sa puso't isipan lagi kang nandiyan.
***Ulitin ang Kuro
RAP TUNE:
Nagpapalakas, bigay inspirasyon...
Nagpapatapang, tanggap hamon...
Gabay na liwanag, katahimikan....
Kapayapaan....sa magulong isipan.
Pagmamahal sa iyo ang tanging katotohanan...
Abot hangang LANGIT..Maalab.....Sukdulan!!!
**Ulitin ang kuro
Copyright © George Anos | Year Posted 2008
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment