Manhid
makulit.paulit-ulit lang
ang pag-ibig ko sa’yo.
di nasasaktan.di nadadala
pilit nililimot,lalong lumalala
ang pag-alaala:
sa kahapon
sa ngayon,sa bukas.
ginagamot ng sampal,
batok, sabunot
at buntong- hiningang
walang humpay.
ng sigaw na walang nakaririnig,
kundi ang taong di ko na kilalang
kaharap ko sa malabong
salamin.
kagabi,magkasabwat na naman
ang lamig at dilim;
nanunuot sa bawat
himaymay ng malay,
nag-uunahang manumbat.
parang mga
mga paang nag-aagawang
tumakas at
nangahas dumaan
sa mga lansangan,
at pader na nanunuksong
pangalan mo lang ang alam
isulat.
sa sulok
nagsisiksikan ang mga agiw
at sapot.sariling hagod
ng impit na mga daing.
bahaw na ngiti.
ulang pumatak,
natuyo,tumatak.
sa kawalan,sino ang nawala
at nawalan?
paulit-ulit lang.gaya ng dati.
paulit-ulit lang
ang palabas.
hanggang wala nang maramdaman.
gaya noon.
Copyright © Dean Maloloyon | Year Posted 2013
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.
Please
Login
to post a comment