Lisan

Kailangan kong lumisan sandali sa init mo
Paalam ng panandalian sa ngayon
Alam nating darating ito
Salamat sa kahapong pinagsaluhan
Iiwan kita na may pag irog sa kaluluwa

Magbabadya ang kinabukasan na di natin alam kung ano meron
Susulong sa pagbabago ng mundo ang ating mga nararamdaman
Iibig muli at siyang aakap sa iba
Iuukit ko sa akin laman ang alala ng iyong alindog
At ilalagay ng habang buhay ang imahen ng iyong ngiti sa aking isip

Aalis panandalian
Lilisanin muna ang noon
Magbabalik ako at sasamahan ka
Punasan ang luha mo’t subukang ngumiti
Ikaw ang tala. Ang tala ko.
Copyright © | Year Posted 2014

Poem

Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.

Please Login to post a comment

Be the first to comment on this poem. Encourage this poet.

Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace