Get Your Premium Membership

Una Mo Akong Minahal

ako ang una mong minahal
di mo nga lang napanindigan
di ako ang iyong pinakasalan
dahil sa iba ka bumigay

minahal kita ng lubusan
pagkababae mo'y iginalang
inunawa ka't pinakaingatan
ngunit sa iyo pala iyo'y kulang

balewala sayo ang aking pagpupursige
na alayan ka ng magandang buhay sa huli
hinanap mo ika mo ang iyong sarili
dahilan mo'y sadyang makasarili

hindi ko alam na nakikipagtipan kana
ginawa mo akong sanggago't sangtanga
ngunit inunawa pa rin kita
masakit man ika'y binigyang-laya

wala kana ngayon
nalimot ko na ang kahapon
maaaring bukas, wala na rin ako
ngunit naging bahagi ka pa rin
ng masalimuot na kasaysayan ko. . .

Copyright © | Year Posted 2016




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things