799.
Ang Alamat ng Edi Wow
Bakit at paano nga ba
Na ang tawag sa
Kanilang papuring kantiyaw
Ay “Edi Wow”?
Gumawa nang maayos
Gawain ay natapos
Pero di masaya
Parang kulang pa
Natalo ang kaaway
Natamo ay tagumpay
Pero kulang pa
Parang di masaya
Kung inggit o suya
Huwag nang magsalita
Huwag kang plastik!
Better huwag umimik!
Kung di mapigilan ang kaplastikan
Lumayo ka nalang sa kinaiinisan
Kung di mo tanggap ung panalo niya
Idaan sa tama ang iyong protesta
Mangusap nang direkta
Kung tapat at tunay ka
Huwag idaan sa ganyan
Ang BOSSes mong talunan
“Kayo ang BOSSes ko” – cnong nauto?
Binaliktad mo pa ang mundo!
Maraming BOSSes laban sa'tin
Liberal Voices #SanaAll MAuBUS din!
-07/30/2020
(Dumarao)
*Alamat ng Kanilang mga Expressions
174.
Alabir 6
-Ang Nakatakdang Kasalan-
36 Mapalad sina Alyna at Birio
Walang tumututol sa mga ito
37 Kaya wala nang patumpit-tumpit
Pag-iisang dibdib ang ipipilit
38 Masaya ang magkabilang panig ng angkan
Sa nalalapit na kasalan
39 Malaki ang magiging epekto
Sa kani-kanilang negosyo
40 Maaaring uling ay maging mura
Sa mga metal humuhulma
41 Gayundin ang mga palakol
Sa mga kahoy pumuputol
42 Tatlong araw nalang
Kasalan ay wala nang hadlang.
-07/17/2012
*Gintong Lupa Series
Oo at hindi diretso ang iyong kahulugan,
Hindi rin tiyak iyong kinabukasan.
Subalit ika'y luwad ng mapagpalang Ama,
Sa'yong kamay, hinugis ang sana.
Kaya't ipipilit, iiyak nang maging masaya;
Lulupasay, mag-aala uod sa lupa!
Ganito ka ngayon kaya kinakaladkad,
Bukas, iba kana't lilipad mamumukadkad.
Taglay mo ang liksi at sigla, ang ngiti at tawa;
Munti man, kayang baguhin pati ang bala.
Daliring animo'y sa mayang walang laya,
Mata nama'y sa agilang malawak ang haraya.
Taglay mo ang lahat ng pagbabago;
Subalit bulag sila sa mga imahinasyon mo.
Bingi rin silang takot na matuto,
Dahil sa ingay ng mga salita mong totoo.
A-ng programang may inspirasyon,
W-agas na pag-ibig ang dulot;
I-to ay may hatid na galak,
T-urong Kristiyano ang mapupulot.
A-ng programang may inspirasyon ay armado ng salita;
T-alino ang sandata sa paggamit ng wika.
T-otoong nakakaaliw
U-mawit sa istasyon;
L-inggu-linggong masaya
A-ng programang may inspirasyon.
Nung una, akala ko dahil sakin, kaya hindi kana masaya.
Akala ko dahil sakin kaya ka nagbago.
Pero kaya pala.
Kaya pala unti unti kang nanlalamig, kaya pala, dahil sa kanya.
Kaya pala nagbago ka na, kaya pala, dahil sa kanya.
Kaya pala maliit na bagay, ako'y iyong inaaway, kaya pala, dahil sa kanya.
Kaya pala hindi ka na masaya, kahit anong effort ko para pangitiin ka, kaya pala! Dahil sa kanya.
Kaya naman pala.
Masakit! Sobrang sakit, pero sa kanya ka masaya, handa akong magparayara, handa kitang bitawan, basta para sa iyong kaligayahan.
Kaya pala.
Artista sa oras ng pagsubok
Ang kaanib sa Iglesia Ni Cristo;
Kahit lugmok sa kahirapan,
Nakataas pa rin ang noo.
Hindi mo mahahalata
Na siya pala ay may lungkot;
Dahil nakangiti pa rin,
Hindi nakangiwi, ni nakakunot.
Ang kaniyang mga mata
Ay puno ng kasiglahan;
Ang hinagpis sa buhay
Ay di mo mararamdaman.
Hindi natatakot sa kalamidad,
Kahit nanginginig ang kamay;
Dahil may Diyos ang Iglesia
Na laging handang umalalay.
Ang isang Iglesia Ni Cristo
Ay masaya kahit may himutok;
Hindi madadaig ng hapis,
Artista sa oras ng pagsubok.
Katulad ng lawin-lawinan ang buhay,
Minsa'y sa itaas, minsa'y sa ibaba,
Nagiging masaya kapag nagtagumpay,
Nalulungkot sa panahon ng sakuna,
Mahalagang ang Diyos ang gumagabay,
Anumang sitwasyon ay di alintana,
Dahil laging tinuturuan ng aral
Mula sa Panginoon at Amang Banal.
Ang buhay, lawin-lawinan ang katulad,
Sa pagtaas ay humawak nang mahigpit,
Sa tuntunin ng Diyos dapat lumakad,
Manalangin sa Ama kung nagigipit,
Ang nagpapakababa'y siyang mapalad,
Sa Dakilang Lumikha siya'y malapit,
Ang pagkabigo ay isa sa pagsubok,
Sa pag-asa ay huwag maging marupok.
Huwag magtataka kung hindi pareho
Ang bawat isang nilalang sa daigdig,
Ang Diyos ang nagmamaneho sa tao
Na kung nais ng Diyos ay kinakabig,
Nababago rin ang pag-ikot ng mundo,
Ngunit ang wakas ay hindi na lalawig,
Sa Diyos kumapit kung nahihirapan,
Ang buhay ay tulad ng lawin-lawinan.
Kung sakaling nalulumbay
Subukan mo na mahimlay,
Mahimbing at managinip
Nang mamatay abang isip.
Kung minsan namang masaya
At nais ‘wag nang matawa.
Ipikit ‘yong mga mata
Sa panaginip maluha.
At kung may pag-aalala,
Subukan mo ring mahiga
At maidlip sa ‘yong kama
Nang pangamba’y ‘ibsang kusa.
Iwan ‘tong mundong uma’pi,
Lim’tin tanang pagsisisi,
Poot ay sabay’ng iwaksi,
Ang managinip ay libre.
Bakit hindi ko maiwasang umagos aking mga luha
Sa tuwing ako’y iyong binabalewala,
Nalulungkot at nalulumbay buo kong pagkatao
Sa mapait at matabang na sa aki’y pagtrato.
Naluluha at nasasaktan ako sa iyong mga banat
Pagkat mas lalo mo lamang nilalayo ang loob sa lahat,
Ngunit kahit gaano pa ka tulis ang iyong mga salita
Matitiis hindi pagkat ikaw ay namumukod tangi.
Alam mo bang nilalanghap ko bawat samahan natin
Tuwing tayo’y masaya, nagtatawanan at nagkukulitan,
Kaysarap ngang balikan parang nakakawala ng hapdi
Napakagaan sa pakiramdam at lumbay ay napawi.
Alam mo namimis ko ang tunay na ikaw
Hindi ko na kase iyon sa’yo natatanaw,
Noong ngiti mo’y napalitan na nang ngiwi
At ngayo’y halos wala na talagang mahawi.
Kailan ba tayo magkakasundo?
Hanggang kailan magdurugo aking puso?
Na ikaw ay tiisin at laging intindihin.
Kailan mo kaya mauunawaan itong damdamin?
Sana lang alam mo ang laman nitong puso
Sana alam mo ang bawat sugat at kirot nito,
Nang ang paghilom naman ang mamumuo
At liwanang sa isip at puso’y makakamtan ko.
You brighten my day
Showin' me my direction
You're comin' to me
And givin' me inspiration
How can i ask for more
From you my dear
Maybe just a smile in your
(maybe just a smile in your heart)
You brighten my day
Showin' me my direction
You're comin' to me
And givin' me inspiration
How can i ask for more
From you my dear
Maybe just a smile in your heart
Give me a smile in your heart.
Okay ito na to, yung conclusion, hehe. Adik lang ako noh? Kung anu-ano pa yung naiisip ko.. kung dati, pasmile-smile, tapos pakilig-kilig, ano kaya susunod? ? One thing’s for sure, MAY UNDERSTANDING NA TAYO. ? Kung ano man label natin, MASAYA TAYO. ? Thank you, bigla kang dumating sa buhay ng churang ito, hindi man natin pinagplanuhan, siguro si GOD na ang nagdikta.. ? sana maiintindihan pa natin lalo yung isa’t-isa. Dalawa tayo sa relasyong to. Marami na tayong napagdaanan, at marami pang dadating. Kaya nating dalawa to. ? Aayusin natin. ? Thank you michurz ko. ? mwah* *hugs* I AM VERY PROUD OF YOU!!
PS: This is a song by Ariel Rivera. I just quoted this. This is not my piece. thanks.
Tales of sacrificed fear
on scared tortured terrain
wild strengths smoldering beneath
tantrums of the fractious.
Gateway opens, rocks vault, liquids spew
fires burn and soil creep
Vented anger, terrifyingly unleashed
scarped lands and chard boulders
tinged bushes, strewn trees
flowed hard blackened beds
Gateway to Hell, Masaya volcano, Nicaragua.
Looking for the formal definition, structure, and history of this poetry form? Visit the Poetry Dictionary entry below. Then return to explore how PoetrySoup members bring the form to life through their own poems.