Managinip
Kung sakaling nalulumbay
Subukan mo na mahimlay,
Mahimbing at managinip
Nang mamatay abang isip.
Kung minsan namang masaya
At nais ‘wag nang matawa.
Ipikit ‘yong mga mata
Sa panaginip maluha.
At kung may pag-aalala,
Subukan mo ring mahiga
At maidlip sa ‘yong kama
Nang pangamba’y ‘ibsang kusa.
Iwan ‘tong mundong uma’pi,
Lim’tin tanang pagsisisi,
Poot ay sabay’ng iwaksi,
Ang managinip ay libre.
Copyright © Milbert Salmasan | Year Posted 2014
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment