Artista Sa Oras Ng Pagsubok
Artista sa oras ng pagsubok
Ang kaanib sa Iglesia Ni Cristo;
Kahit lugmok sa kahirapan,
Nakataas pa rin ang noo.
Hindi mo mahahalata
Na siya pala ay may lungkot;
Dahil nakangiti pa rin,
Hindi nakangiwi, ni nakakunot.
Ang kaniyang mga mata
Ay puno ng kasiglahan;
Ang hinagpis sa buhay
Ay di mo mararamdaman.
Hindi natatakot sa kalamidad,
Kahit nanginginig ang kamay;
Dahil may Diyos ang Iglesia
Na laging handang umalalay.
Ang isang Iglesia Ni Cristo
Ay masaya kahit may himutok;
Hindi madadaig ng hapis,
Artista sa oras ng pagsubok.
Copyright © Bernard F. Asuncion | Year Posted 2017
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment