Get Your Premium Membership

Hindi Basta Bata Lang

Oo at hindi diretso ang iyong kahulugan, Hindi rin tiyak iyong kinabukasan. Subalit ika'y luwad ng mapagpalang Ama, Sa'yong kamay, hinugis ang sana. Kaya't ipipilit, iiyak nang maging masaya; Lulupasay, mag-aala uod sa lupa! Ganito ka ngayon kaya kinakaladkad, Bukas, iba kana't lilipad mamumukadkad. Taglay mo ang liksi at sigla, ang ngiti at tawa; Munti man, kayang baguhin pati ang bala. Daliring animo'y sa mayang walang laya, Mata nama'y sa agilang malawak ang haraya. Taglay mo ang lahat ng pagbabago; Subalit bulag sila sa mga imahinasyon mo. Bingi rin silang takot na matuto, Dahil sa ingay ng mga salita mong totoo.

Copyright © | Year Posted 2021




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things