Si Juana Ang Nag-Silang
Sa kanilang mga anino,
Kami’y kanilang itinago
Lagi kami ang sinusuyo
Na manatili lang sarado
Na dating walang pumapanig
Noong kami ay nalulupig
Ngunit ngayon, kami’y titindig
At sana’y kami ay marinig
At bakit naman kami matitinag?
Dahil ba kami ay babae lamang?
At bakit kami pa ang maduduwag,
Sa lupaing kami rin ang nag-silang?
Kailan pa nagging sukatan
Ang aming mga kasarian?
At ang taglay na kakayahan
Na ipagtanggol
...
Continue reading...
Categories:
ang, celebration, courage, woman, women,
Form: Other
Ang Balangkas Ng Buhay: Siyam Na Araw Ng Tulang Panata
I. Ang Simula ng Simula
"Pintor, Manlililok, Anluwage't Arkitekto,
Retradista, Manunulat, isang Panadero.
Planado ang ngayon, bukas, maging ang kahapon.
Kahit ano paman, ika'y aming Panginoon."
II. Ang Paglikha
"Sa'yong salita, kanyamaso'y binigyang buhay,
Ginuhit ang layon, pinta'y ibat-ibang kulay.
Brotsang kay dakila, mas masilaw pa sa araw,
Gabi'y ipininta ng kumikimtab, umiilaw."
III. Mga Pinagmulan
"Hindi sa bato't kahoy, kundi dahil
...
Continue reading...
Categories:
ang, faith, god, religion, religious,
Form: Rhyme
Ang Sasamahan Ng Diyos
Ang sasamahan ng Diyos
Ay ang Iglesia Ni Cristo;
Hindi iiwan sa unos,
Sasaklolohan sa bagyo.
Papatnubayan ng Ama
Ang Kaniyang mga lingkod;
Iingatan sa sakuna
Ang Kaniyang ibinukod.
Mapalad nga ang pinili
Na nasa Kaniyang bayan;
Palaging kinakandili,
Ligtas sa kapahamakan.
Malayo sa mga salot,
Panganib at mga sakit;
Dalangin ay sinasagot
Dahil sa Diyos ay malapit.
Sa sala'y pinatatawad
Ang bawat isang tinubos;
...
Continue reading...
Categories:
ang, poems,
Form: Quatrain
Ang Programang May Inspirasyon
A-ng programang may inspirasyon,
W-agas na pag-ibig ang dulot;
I-to ay may hatid na galak,
T-urong Kristiyano ang mapupulot.
A-ng programang may inspirasyon ay armado ng salita;
T-alino ang sandata sa paggamit ng wika.
T-otoong nakakaaliw
U-mawit sa istasyon;
L-inggu-linggong masaya
A-ng programang may inspirasyon.
...
Continue reading...
Categories:
ang, poems,
Form: Acrostic
Langit Ang Ating Yaman
L-angit ang ating yaman,
A-yon sa Banal na Aklat;
N-a totoong dadalhin
D-oon ang karapat-dapat.
A-ng langit ang ating yaman, Na wala ngang katumbas;
S-apagkat ang pilak at ginto ay pawang kumukupas.
N-aroon sa langit ang ating yaman, wala rito sa mundo o lupa;
G-anapin natin ang utos ng Diyos na may pagpapala.
B-asbas na walang patid,
U-nahin nating
...
Continue reading...
Categories:
ang, poems,
Form: Acrostic
Ang Pag-Ibig Na Wagas
Ang pag-ibig na wagas
ay walang pagdududa;
alinlanga’y di bakas
sa gabi ma’t umaga.
Sa gitna ng delubyo
ay totoong matibay;
tapat hanggang sa dulo,
hindi humihiwalay.
Sa lahat ng sandali
ay malinis ang hangad;
hindi mapagkunwari,
at lalong hindi huwad.
Sa lahat ng gawain
ay may basbas ng Diyos;
kahit may suliranin,
pagmamahal ay taos.
Mas higit kaysa ginto
sapagkat walang wakas;
kayamanan ng puso
ang pag-ibig na wagas.
...
Continue reading...
Categories:
ang, love,
Form: Quatrain
Ang Yaman Ay Nasa Gawang Tuwid
M-aligaya
A-ng
S-ambahayang
A-ng
Y-aman
A-y
N-asa
G-awang
T-uwid
A-t
H-indi
A-ng
N-ilalayon
A-y
N-egatibo
Topic:INC radio program
Form: Vertical Monocrostic
...
Continue reading...
Categories:
ang, poems,
Form: Acrostic
Rumagasa Man Ang Tubig
R-umagasa man ang tubig,
A-ng tiwala'y hindi mababawasan;
N-aubos man ang tinatangkilik,
D-iyos pa rin ang
Y-aman.
P-ag-asa't pananampalataya
A-y mananatili pa rin;
A-lukin man ng diyablong kaaway,
L-akas ng Diyos ang nasa damdamin.
I-ka-labingwalo ng Setyembre,
S-a Diyos pa rin ang iyong pag-ibig;
B-umagyo man ay hindi tatalikod,
O-o, rumagasa man ang tubig.
...
Continue reading...
Categories:
ang, birthday,
Form: Acrostic
Ang Papel Ng Anak Sa Pamilya
Ang papel ng anak sa pamilya
Ay ang paggalang sa ama't ina;
Ang pagsunod sa kanilang payo
Ay totoong mabuting prinsipyo.
Ang kailangan n'yang magampanan
Ay ang pagtuklas ng karunungan;
Dapat na mag-aral na mabuti
Upang mapaunlad ang sarili.
Sa masama ay huwag tutulad
Dahil sa panganib mapapadpad;
Umiwas sa ugaling baluktot
At magtaglay ng banal na takot
Huwag mag-aakyat ng suliranin
Dahil sa pagbugso
...
Continue reading...
Categories:
ang, poems,
Form: Couplet
Mahalin Natin Ang Sariling Wika
Mahalin natin ang sariling wika,
Huwag natin itong ipagpapalit;
Ito'y kayamaman ng ating bayan,
Biyaya ng Diyos mula sa langit.
Ang wikang Filipino ay dakila,
Ginamit ito ng mga bayani
Na lumaban sa mga mananakop
Upang makalaya sa pagka-api.
Kahit tayo'y nasa ibayong dagat,
Itaguyod ang wikang Filipino;
Dala nito ang pambansang kultura,
Na lumalaganap sa buong mundo.
Tumitibay ang
...
Continue reading...
Categories:
language,
Form: Quatrain
Ito At Ang Mga Susunod Pa
Nakatingin sa malayo
Nakita kang nakatayo
Biglang naglakad papalayo
Iniwan ang ating mga pangako
Mahal naaalala mo pa ba
Nung tayo pang dalawa
Ikaw at ako ay magkasama
Kahit saan magpunta.
Pero biglang nagbago
Nag iba ang mga plano
Hindi na magkasundo
Sa maliliit na pagtatalo.
Naglaho ang lahat
Hindi nga siguro sapat
Na ako'y naging tapat
At sayo lang ako dapat.
Kahit pa man nagkaganon
Ako pa rin ay lilingon
At patuloy
...
Continue reading...
Categories:
ang, anxiety, care, conflict, lost
Form: Rhyme
Masarap Ang Berdeng Bukong Bilog
Masarap ang berdeng bukong bilog,
Kunin ang matalas na tabak;
Mula sa bungang inihulog,
Huwag uminom ng alak.
Kunin ang matalas na tabak,
Tanggalin ang makapal na buhok;
Huwag uminom ng alak,
Mag-ingat sa hawak na gulok.
Tanggalin ang makapal na buhok,
Tingnan ang lawa ng sabaw;
Mag-ingat sa hawak na gulok,
Inumin ang tubig na malinaw.
Tingnan
...
Continue reading...
Categories:
ang, water,
Form: Pantoum
Ang Pagmamahal Sa Pamilya
Ang pagmamahal sa pamilya
Ay tungkulin ng lahat;
Magulang man o mga anak
Ay sa pag-ibig iminulat.
Ang pagmamahal sa pamilya
Ay may kalakip na biyaya;
Pagpapalain ng Diyos,
Ang buhay ay payapa.
Ang pagmamahal sa pamilya
Ay napakabuting ugali;
Maisasalin sa mga supling,
Hanggang sa susunod na lahi.
Ang Diyos ang unang umibig,
Nang likhain sina Adan at Eva;
Ipinagkaloob ng
...
Continue reading...
Categories:
ang, family,
Form: Verse
Ilog Na Hindi Natutuyo Ang Agos
Ilog na hindi natutuyo ang agos,
Pinagtularan sa biyaya ng Diyos;
Malinaw na tubig na dumadausdos,
Bumubukal at hindi nga nauubos.
Huwag wawasakin ang likas na yaman,
Kapalit ng walang habas na minahan;
Kapag nagalit ang nasa kalangitan,
Magdudulot ito ng kapahamakan.
Pagputol ng puno sa bundok at gubat,
Ang mga pagbaha ay ito ang ugat;
Pagguho
...
Continue reading...
Categories:
ang, nature,
Form: Verse
Ikuwintas Mo Ang Tali Sa Iyong Leeg
Ikwintas mo sa iyong leeg ang tali,
Itanim mo rin ito sa iyong puso,
Panghawakan mo sa lahat ng sandali,
Huwag mong bitawan nang dahil sa tukso,
Ito ang sa iyo ay magkakandili,
Kahit ano pa ang mangyari sa mundo,
Ibuhay mo nga ang salita ng Diyos,
Sundin ito nang buong ingat at lubos.
Sa iyong
...
Continue reading...
Categories:
ang, faith,
Form: Ottava rima
Related Poems