Get Your Premium Membership

Si Juana Ang Nag-Silang

Sa kanilang mga anino, Kami’y kanilang itinago Lagi kami ang sinusuyo Na manatili lang sarado Na dating walang pumapanig Noong kami ay nalulupig Ngunit ngayon, kami’y titindig At sana’y kami ay marinig At bakit naman kami matitinag? Dahil ba kami ay babae lamang? At bakit kami pa ang maduduwag, Sa lupaing kami rin ang nag-silang? Kailan pa nagging sukatan Ang aming mga kasarian? At ang taglay na kakayahan Na ipagtanggol ang lipunan Mag-dadamit, mag-hahayag ng malaya May lakas ng loob at di nahihiya Dahil di na nila kami madadaya Sa pag-laban namin ng aming hustisya Tatayo kami at titingala Sa pag-tibay ng paniniwala Ika’y babaeng dinadakila, Na di na muling maalila. PM, 2022

Copyright © | Year Posted 2022




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

Date: 3/22/2022 4:27:00 AM
Salamat sa iyong pahayag, Kabayan. Thanks for sharing this. Welcome to Poetry Soup. I welcome you with the love of the Lord, expressed by John 3:16 of the Bible, "For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life." God bless you.
Login to Reply

Book: Reflection on the Important Things