Get Your Premium Membership

Ilog Na Hindi Natutuyo Ang Agos

Ilog na hindi natutuyo ang agos, Pinagtularan sa biyaya ng Diyos; Malinaw na tubig na dumadausdos, Bumubukal at hindi nga nauubos. Huwag wawasakin ang likas na yaman, Kapalit ng walang habas na minahan; Kapag nagalit ang nasa kalangitan, Magdudulot ito ng kapahamakan. Pagputol ng puno sa bundok at gubat, Ang mga pagbaha ay ito ang ugat; Pagguho ng lupa'y huwag ikagulat, Dahil ang daigdig ay batbat ng lamat. Dapat nating mahalin ang mga sapa, Upang makinabang ang matanda't bata; Magkaisa tayo't huwag magpabaya, Maging Pilipino ka man o banyaga. Tagtuyot man ay dumating at kumilos, Ay hindi ka maliligalig na lubos, Magandang dako na dapat mong matalos, Ilog na hindi natutuyo ang agos.

Copyright © | Year Posted 2017




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Shattered Sighs