Get Your Premium Membership

Ang Pagmamahal Sa Pamilya

Ang pagmamahal sa pamilya Ay tungkulin ng lahat; Magulang man o mga anak Ay sa pag-ibig iminulat. Ang pagmamahal sa pamilya Ay may kalakip na biyaya; Pagpapalain ng Diyos, Ang buhay ay payapa. Ang pagmamahal sa pamilya Ay napakabuting ugali; Maisasalin sa mga supling, Hanggang sa susunod na lahi. Ang Diyos ang unang umibig, Nang likhain sina Adan at Eva; Ipinagkaloob ng Lumalang Ang pagmamahal sa pamilya.

Copyright © | Year Posted 2017




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things