Get Your Premium Membership

Ito At Ang Mga Susunod Pa

Nakatingin sa malayo Nakita kang nakatayo Biglang naglakad papalayo Iniwan ang ating mga pangako Mahal naaalala mo pa ba Nung tayo pang dalawa Ikaw at ako ay magkasama Kahit saan magpunta. Pero biglang nagbago Nag iba ang mga plano Hindi na magkasundo Sa maliliit na pagtatalo. Naglaho ang lahat Hindi nga siguro sapat Na ako'y naging tapat At sayo lang ako dapat. Kahit pa man nagkaganon Ako pa rin ay lilingon At patuloy na tutugon Sa araw araw na pagbangon. Sa susunod na buhay natin Ikaw ay aking hahanapin Mahigpit na yayakapin Tadhana ay hahamakin. Pagkat ang pagmamahal ko Hindi matatapos na lang dito Ang buhay kong ito At mga susunod pa ay saiyo.

Copyright © | Year Posted 2018




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things