Get Your Premium Membership

Ikuwintas Mo Ang Tali Sa Iyong Leeg

Ikwintas mo sa iyong leeg ang tali, Itanim mo rin ito sa iyong puso, Panghawakan mo sa lahat ng sandali, Huwag mong bitawan nang dahil sa tukso, Ito ang sa iyo ay magkakandili, Kahit ano pa ang mangyari sa mundo, Ibuhay mo nga ang salita ng Diyos, Sundin ito nang buong ingat at lubos. Sa iyong leeg ang tali ay ikwintas, Laging magpasakop sa Pamamahala, Huwag kang lalabag sa utos at batas, Huwag itong ipagwawalang-bahala, Upang sa araw ng wakas ay maligtas, At matiyak ang biyaya't gantimpala, Ang matulis ay huwag ngang sisikaran, Sayang ang tiniis kapag kinalagan. Manatiling tapat sa mga tuntunin, Huwag kang titigil sa mga pagtupad, Sa Amang banal ay maging masunurin, Ang nasa pagsamba'y tiyak na mapalad, Landas ng masama ay huwag tahakin, Upang putong ng katwiran ay igawad, Sa 'yong pag-ibig ay huwag manlalamig, Ikwintas mo ang tali sa iyong leeg.

Copyright © | Year Posted 2017




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things