Short Ang Poems
Short Ang Poems. Below are examples of the most popular short poems about Ang by PoetrySoup poets. Search short poems about Ang by length and keyword.
M-aligaya
A-ng
S-ambahayang
A-ng
Y-aman
A-y
N-asa
G-awang
T-uwid
A-t
H-indi
A-ng
N-ilalayon
A-y
N-egatibo
Topic:INC radio program
Form: Vertical Monocrostic
275.
Hesukristo, ang Buhay Ko
Hesukristo, ang buhay ko! Alleluia! Alleluia!
Kunin mo ang aking kaluluwa
At ihatid sa nag-iisang Dios Ama
Hesukristo, Vives en Mi! Alleluia! Alleluia!
-11/01/2014
(Dumarao)
271.
Ang Sumpa at Basbas
Sasaktan din ang sa iyo'y mananakit
Palulungkutin din ang sa iyo'y magpapalungkot
Gagalitin din ang sa iyo'y magpapagalit
Tatakutin di ang sa iyo'y mananakot!
-11/01/2014
(Dumarao)
*My 4th Incubus Collection
A-ng programang may inspirasyon,
W-agas na pag-ibig ang dulot;
I-to ay may hatid na galak,
T-urong Kristiyano ang mapupulot.
A-ng programang may inspirasyon ay armado ng salita;
T-alino ang sandata sa paggamit ng wika.
T-otoong nakakaaliw
U-mawit sa istasyon;
L-inggu-linggong masaya
A-ng programang may inspirasyon.
792.
Ang Pagbabalik ng Guro
Mula sa kamatayan
Nabuhay muli si Hesukristo
Pagmasdan! Pagmasdan!
Muling nabuhay ang yumao!
Mula sa kalugmukan
Bumangon muli sa El Gordo
Tunghayan! Tunghayan!
Muling bumangon ang ginupo!
Ang anila'y pekeng hari
Ay muling maghahari
Ang anila'y pekeng guro
Ay muling magtuturo!...
-04/12/2020
(Dumarao… Easter Sunday)
*Unique Holy Week
R-umagasa man ang tubig,
A-ng tiwala'y hindi mababawasan;
N-aubos man ang tinatangkilik,
D-iyos pa rin ang
Y-aman.
P-ag-asa't pananampalataya
A-y mananatili pa rin;
A-lukin man ng diyablong kaaway,
L-akas ng Diyos ang nasa damdamin.
I-ka-labingwalo ng Setyembre,
S-a Diyos pa rin ang iyong pag-ibig;
B-umagyo man ay hindi tatalikod,
O-o, rumagasa man ang tubig.
121.
Ang Puno
Ikaw ay itinanim
Sa lupaing'di marilim
Ugat mo'y lubos higpit
Sa tuwirang pagkapit
Sanga mo'y yumayabong
‘Di pigil sa pag-usbong
Dahon mo'y lumalago
Mga ibon humahango
Bulaklak ay humahalimuyak
Nagbibigay-galak
Bunga ay hinog na
Pitasin na ang biyaya!
-05/10/2012
(Dumarao)
*for Campus poem in Salingsing Issue of 1st Sem., AY 2011-12
Ang sapatos ay gamit sa paa,
At proteksyon katulad ng bota;
Isuot mo ito sa paglakad,
Upang ikaw ay maging mapalad.
Ang mga turo ng Panginoon,
Mabisa sa lahat ng panahon;
Huwag mo nga itong huhubarin,
Sa masama'y huwag paalipin.
Ang kasuotang galing sa itaas
Ay pandigma laban kay Satanas;
Ang salita ng katotohanan
Ay may lakip na kapayapaan.
Banal ang ebanghelyo ng Diyos,
Ang aral ay tulad ng sapatos.
Ang pagmamahal sa pamilya
Ay tungkulin ng lahat;
Magulang man o mga anak
Ay sa pag-ibig iminulat.
Ang pagmamahal sa pamilya
Ay may kalakip na biyaya;
Pagpapalain ng Diyos,
Ang buhay ay payapa.
Ang pagmamahal sa pamilya
Ay napakabuting ugali;
Maisasalin sa mga supling,
Hanggang sa susunod na lahi.
Ang Diyos ang unang umibig,
Nang likhain sina Adan at Eva;
Ipinagkaloob ng Lumalang
Ang pagmamahal sa pamilya.
L-angit ang ating yaman,
A-yon sa Banal na Aklat;
N-a totoong dadalhin
D-oon ang karapat-dapat.
A-ng langit ang ating yaman, Na wala ngang katumbas;
S-apagkat ang pilak at ginto ay pawang kumukupas.
N-aroon sa langit ang ating yaman, wala rito sa mundo o lupa;
G-anapin natin ang utos ng Diyos na may pagpapala.
B-asbas na walang patid,
U-nahin nating asahan;
H-anapin ang daang tama,
A-ng langit ang ating
Y-aman.
Ang pag-ibig na wagas
ay walang pagdududa;
alinlanga’y di bakas
sa gabi ma’t umaga.
Sa gitna ng delubyo
ay totoong matibay;
tapat hanggang sa dulo,
hindi humihiwalay.
Sa lahat ng sandali
ay malinis ang hangad;
hindi mapagkunwari,
at lalong hindi huwad.
Sa lahat ng gawain
ay may basbas ng Diyos;
kahit may suliranin,
pagmamahal ay taos.
Mas higit kaysa ginto
sapagkat walang wakas;
kayamanan ng puso
ang pag-ibig na wagas.
D-iyos ang sasambahin,
O-ras at araw ay maliwanag;
R-umagasa man ang tubig,
E-ksakto pa rin ang pagtawag.
L-aging Diyos ang sasambahin, kagipitan man ay maranasan;
L-umala man ang tiisin, pagpupuri'y di pababayaan.
L-umaganap man ang kahirapan,
A-ng tiwala'y di kukupas;
U-sigin man ng kaaway,
R-egalo ng Diyos ang iyong lakas.
I-ka-dalawampu't walo ng Hulyo, payapa ang iyong damdamin;
O-nsana sa Dakilang Ama, Diyos ang sasambahin.
Ang gunting ni Kaka
Ay laging matalas;
Dahil alaga sa hasa,
Kung gumupit ay wagas.
Ang gunting ni Kaka
Ay may iba't ibang anyo;
Mayroong para sa buhok,
Sa tela, papel at yero.
Ang gunting ni Kaka
Ay delikado sa paslit;
Itago matapos gamitin
Upang hindi makasakit.
Ang gunting ni Kaka
Ay may dalawang talim;
Tulad ng salita ng Diyos,
Pinuputol ang gawang madilim.
Tunay ngang kailangan
Sa buhay kahit saan pa;
Totoong may pakinabang
Ang gunting ni Kaka.
Ang sasamahan ng Diyos
Ay ang Iglesia Ni Cristo;
Hindi iiwan sa unos,
Sasaklolohan sa bagyo.
Papatnubayan ng Ama
Ang Kaniyang mga lingkod;
Iingatan sa sakuna
Ang Kaniyang ibinukod.
Mapalad nga ang pinili
Na nasa Kaniyang bayan;
Palaging kinakandili,
Ligtas sa kapahamakan.
Malayo sa mga salot,
Panganib at mga sakit;
Dalangin ay sinasagot
Dahil sa Diyos ay malapit.
Sa sala'y pinatatawad
Ang bawat isang tinubos;
Itinuring na alagad
Ang sasamahan ng Diyos.