Long Ang Poems

Long Ang Poems. Below are the most popular long Ang by PoetrySoup Members. You can search for long Ang poems by poem length and keyword.


786 Ang Daing sa Gethsemane at Ang Dying na Secretary

786.
Ang Daing sa Gethsemane
at Ang Dying na Secretary

At pumasok sa Gethsemane si Hesukristo
Naghinaing sa Ama at sa mga apostoles nito
Oras na! Oras na! Narito na!
Ipagkakanulo na Siya!

Sila ang mga armado
May mga espada at pamalo
Oras na ng kadiliman
Mga tagasunod nagsikulasan

At dumating sa TED si El Gordo
Naghinanakit sa Amang at sa mga estudyante nito
Oras na! Oras na! Nandito na!
Ilalaglag na siya!

Sila ang mga LPardo
May mga balakin at plano
Oras na ng kalaban
Mga tinuruan iniwanan

Ang paglaglag sa puwesto kay Rn Corona
Ay isa bang banta, badya o babala?
Ang pag-#Waay kay Js Rd bilang Secretary
Ay balakin din ba ng pumalit sa DILG?

-04/06/2020
(Dumarao… Holy Monday)
*Unique Holy Week
Form: Rhyme


Ang pako sa Usa ka Buyo

**The Thorn of a Bee**
*Written by Marilou G. Taupan*

In a peaceful meadow, a bee flies freely,
Small yet liberated and useful.
But no matter how good its deeds are,
There is something it fears—its “thorn.”

Like the bee, humans also have their own “thorns.”
It is not something that literally pierces others,
But it represents the experiences they carry—
The pain, anger, and wounds of the past
That have never fully healed.

Like the bee, a person may sometimes hurt others,
Not because it is their intention,
But because they only want to defend
And protect themselves.

When you see the true “thorn” within someone,
You will understand that it belongs to a person who has been hurt,
Someone who is trying their best
Not to be wounded again.

So, when you encounter someone with a “thorn,”
Do not immediately fear or turn away.
Perhaps that thorn is the very thing that keeps them strong
When the world has tried to break them.

Because behind every hidden thorn,
There is a story of pain, hope, and perseverance.
Like the bee—its thorn does not define who it is,
But the heart that continues to soar despite everything.
Form: Lyric

Ang Lunas

Nakalalason ba ang kalungkutang
Dinaramdam ng puso ko at isipan?
Kung tama ang nasa aking gunam-gunam,
Madali ka't yaring kalungkuta'y ibsan!

Lapit! Ilapat ang Iyong mga kamay
Sa dibdib kung ang pintig ay bilang nalang!
Ikaw ang lunas,Pag- ibig Kong nabuwal!
Sa dalita ako'y dalawin mo man lang!

'di ako umaasang ako'y pamuling
halagahan, gawing Diyos at sambahin.
Dalawin mo man lang,kahit di suyuin,
Ang kirot... tingin ko'y malulunas na rin.

Ipagpaumanhin nang buong daigdig 
Kung sa Kanyang batas ako ay malihis.
Kasalanan ko bang sa ganitong sakit
Tingin ko, lunas ang nakarang kay tamis.

787 Ang Paglatigo sa Haligi at ang Pagkastigo ng mga Haligi

787.
Ang Paglatigo sa Haligi
at ang Pagkastigo ng mga Haligi

At isinakdal si Hesukristo
Kina Caiaphas, Herodes at Pilato
Oras na! Oras na! Isinakdal na!
Lilitisin na Siya!

Sila ang mga pinuno
Mga haligi ng Imperyong Romano
At nilatigo ang nasa hukuman
Mga dugo nagsidanakan

At isinuplong si El Gordo
Kina Araneta, Penson at Oducado
Oras na! Oras na! Isinuplong na!
Uusigin na siya!

Sila ang mga LPardo
Mga haligi ng Paaralang Tanco
At kinastigo ang nasa sakdalan
Mga wangis nagsipulahan

Ang paghagupit ng Bagyong Yolanda
Ay isa bang marapat na parusa?
Ang paghamblos ng unos sa Bisayas
Ay hatol din ba ni Satanas?

-04/07/2020
(Dumarao… Holy Tuesday)
*Unique Holy Week
Form: Rhyme

555 Encapsudia: Ang Kambal ng Encantadia

555.

Encapsudia: Ang Kambal ng Encantadia



Avisala! Halina sa TED ng CapSU-Dumarao o Encapsudia

Kahawig nito ang Lireo sa Encantadia

Elemento ay hangin, sagisag ay bughaw

Lireo na kanlungan nina Danaya, Amihan, Pirena at Alena

TED na kanlungan nina Dela Cruz, Arriola, Penson at Araneta



Avisala! Halina sa Crim ng CapSU-Dumarao o Encapsudia

Katulad nito ang Hathoria sa Encantadia

Elemento ay apoy, sagisag ay pula

Hathoria na naghari dahil sa lakas at dami

Crim na naghari din kung pag-uusapan ay dami



Avisala! Halina sa Agri ng CapSU-Dumarao o Encapsudia

Kapareho nito ang Sapiro sa Encantadia

Elemento ay lupa, sagisag ay dilaw

Sapiro na sagana sa yaman ng lupa

Agri na nakatutok sa pagpapayaman ng lupa


Avisala! Halina sa Vet.Med ng CapSU-Dumarao o Encapsudia

Kamukha nito ang Adamya sa Encantadia

Elemento ay tubig, sagisag ay berde

Adamya na kapiranggot na alaga ng brilyante ng tubig

Vet.Med. na kakaunti na alagang hayop ang hilig



Avisala! Halina sa Computer ng CapSU-Dumarao o Encapsudia

Kawangis nito ang Etheria sa Encantadia

Elemento ay kuryente, sagisag ay lila

Etheria na nasa gitna at naglaho na

Computer na nasa gitna rin at wala na.



-05/19/2017

* a tribute to CapSU-Dumarao and Encantadia,

written this day of final airing of Encantadia 2016
Form: Rhyme


Ang Buhay Ay Tulad Ng Lawin-Lawinan

Katulad ng lawin-lawinan ang buhay, 
Minsa'y sa itaas, minsa'y sa ibaba, 
Nagiging masaya kapag nagtagumpay, 
Nalulungkot sa panahon ng sakuna, 
Mahalagang ang Diyos ang gumagabay, 
Anumang sitwasyon ay di alintana, 
Dahil laging tinuturuan ng aral
Mula sa Panginoon at Amang Banal.

Ang buhay, lawin-lawinan ang katulad, 
Sa pagtaas ay humawak nang mahigpit, 
Sa tuntunin ng Diyos dapat lumakad, 
Manalangin sa Ama kung nagigipit, 
Ang nagpapakababa'y siyang mapalad, 
Sa Dakilang Lumikha siya'y malapit, 
Ang pagkabigo ay isa sa pagsubok, 
Sa pag-asa ay huwag maging marupok.

Huwag magtataka kung hindi pareho
Ang bawat isang nilalang sa daigdig, 
Ang Diyos ang nagmamaneho sa tao
Na kung nais ng Diyos ay kinakabig, 
Nababago rin ang pag-ikot ng mundo, 
Ngunit ang wakas ay hindi na lalawig, 
Sa Diyos kumapit kung nahihirapan, 
Ang buhay ay tulad ng lawin-lawinan.

785 Ang Pagpasok sa Herusalem ni Hesukristo at Ang Pagtuloy sa Amang Hall ni El Gordo

785.
Ang Pagpasok sa Herusalem ni Hesukristo
at Ang Pagtuloy sa Amang Hall ni El Gordo

At pumasok sa Herusalem si Hesukristo
Masayang sinalubong Siya ng mga tagarito
Hosanna! Hosanna! Nandito na!
Dumating na Siya!

Sila ang mga Hudyo
Na saksi sa pagbuhay kay Lazaro
Kay Hesukristo hanga ang bayan
Kanila itong sinubaybayan

At dumating sa Amang Hall si El Gordo
Malugod Siyang pinapasok ng mga tagarito
Humanda na! Humanda na! Nandito na!
Pumasok na siya!

Sila ang mga LPardo
Na batid ang pagluklok kay VP Jojo
Kay El Gordo bilib ang mga Dilawan
Kanila itong inantabayanan

Ang pagpasok sa kanilang teritorio
Ay isa bang bitag, patibong o silo?
Tamang daan ba ang tinatahak
Ng itinakdang mapapahamak?

-04/05/2020
(Dumarao… Palm Sunday… Anniversary of Marcos' Defeat of Amang)
*Unique Holy Week
Form: Rhyme

Ilog Na Hindi Natutuyo Ang Agos

Ilog na hindi natutuyo ang agos, 
Pinagtularan sa biyaya ng Diyos; 
Malinaw na tubig na dumadausdos, 
Bumubukal at hindi nga nauubos.

Huwag wawasakin ang likas na yaman, 
Kapalit ng walang habas na minahan; 
Kapag nagalit ang nasa kalangitan, 
Magdudulot ito ng kapahamakan.

Pagputol ng puno sa bundok at gubat, 
Ang mga pagbaha ay ito ang ugat; 
Pagguho ng lupa'y huwag ikagulat, 
Dahil ang daigdig ay batbat ng lamat.

Dapat nating mahalin ang mga sapa, 
Upang makinabang ang matanda't bata; 
Magkaisa tayo't huwag magpabaya, 
Maging Pilipino ka man o banyaga. 

Tagtuyot man ay dumating at kumilos, 
Ay hindi ka maliligalig na lubos, 
Magandang dako na dapat mong matalos, 
Ilog na hindi natutuyo ang agos.
Form: Verse

Mahalin Natin Ang Sariling Wika

Mahalin natin ang sariling wika, 
Huwag natin itong ipagpapalit; 
Ito'y kayamaman ng ating bayan, 
Biyaya ng Diyos mula sa langit.

Ang wikang Filipino ay dakila, 
Ginamit ito ng mga bayani
Na lumaban sa mga mananakop
Upang makalaya sa pagka-api.

Kahit tayo'y nasa ibayong dagat, 
Itaguyod ang wikang Filipino; 
Dala nito ang pambansang kultura, 
Na lumalaganap sa buong mundo.

Tumitibay ang pagkakapatiran
Ng lahing Filipino bilang bansa; 
Pangungusap na galing sa isipan, 
Mula sa puso ang pagsasalita.

Sikapin nating ganap na tumugon
Sa isip, sa salita, at sa gawa; 
Mula ngayon hanggang sa katapusan, 
Mahalin natin ang sariling wika.
Form: Quatrain

797 Ang Alamat ng Buwis-Buhay

797.
Ang Alamat ng Buwis-Buhay

Bakit at paano nga ba
Na ang tawag sa
Kanilang parang nais mamatay
Gawain man o hindi ay “Buwis-Buhay”?

Kapag gawain mo ay delikado
Pauyam nila itong ikokomento
Parang sinasabing walang kwenta
Kahit mamatay ka pa

Gaya ng aking 2014 Social Experiment
Na educational ang intent
Pero andaming nagcomment
Na ipakatay pa rao ako to that extent

Buwis-Buhay nga! (nganga)
Bukambibig ng VICE na maGANDA
Sa mga kalahok na peligroso
Ang mga talent sa show

Kahanga-haNGA NGA pero kalurkey
Parang ung efforts ni Empress Ki
Pa-epal daw kasi kaya impressive
Kapalmuks daw kaya expressive

Matindi ang kapit parang tuko
Kahit 2013 pa ang “Let it go!”…
Ni Elsa sa malamig na kastilyo
Parang 1994 Elsa Castillo

Portrayed by Kris Aquino!
Wag RAo manlaban sa power ng YElLOw
BoomPanis lang… Walang laban
Kahit sumabog pa ang Bulkan…

-07/28/2020
(Dumarao)
*Alamat ng Kanilang mga Expressions
Form: Rhyme

Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace