Get Your Premium Membership

Mahalin Natin Ang Sariling Wika

Mahalin natin ang sariling wika, Huwag natin itong ipagpapalit; Ito'y kayamaman ng ating bayan, Biyaya ng Diyos mula sa langit. Ang wikang Filipino ay dakila, Ginamit ito ng mga bayani Na lumaban sa mga mananakop Upang makalaya sa pagka-api. Kahit tayo'y nasa ibayong dagat, Itaguyod ang wikang Filipino; Dala nito ang pambansang kultura, Na lumalaganap sa buong mundo. Tumitibay ang pagkakapatiran Ng lahing Filipino bilang bansa; Pangungusap na galing sa isipan, Mula sa puso ang pagsasalita. Sikapin nating ganap na tumugon Sa isip, sa salita, at sa gawa; Mula ngayon hanggang sa katapusan, Mahalin natin ang sariling wika.

Copyright © | Year Posted 2018




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Shattered Sighs