Mula Poems

Imahe

Sa kailaliman ng gabi ang diwa ay muling naliligalig
Sa twina'y nabubusog ang kalooban ng mga di maurirat na sapantaha
Mga tinig na nagmumutawing, "wala kang kalakasan, wala kang puwang"
Makulimlim na mga salita na nagpapabalisa
Kakambal wari mula nang ako ay magkahininga

Hindi ko maipagkukubli marupok kong damdamin
Tindig ko man ay hindi kababakasan ng lakas ng loob
Paano ako titingnan ng dako't paroon
Kahit kakampi ko man ang panalangin
Kung kaniig naman mga palad sa mukha
Habang sa isip laging umuukilkil mga imahe ng kapintasan
Dalisay kung pumapatay sa sariling katinuan
Sadyang kay hirap maigupo habang nabubuhay
Kung batid mong sarili man ay kaaway.
Categories: mula, conflict, deep, emotions, identity,
Form: Free verse

O Mayumi'T Dalisay Na Dayang

O mayumi at dalisay na dayang,
Nararapat Ka Lang na igalang.
Ikaw ang puno't dulo ng aking hiraya.
Ang hirayang nagiging rason ng aking Ligaya.
O magandang dilag na napaka marilag,
Ika'y tanging diwatang ipinangako ng bathala.
Higit na kagigiliwan ang iyong tinatanging kinaadman,
Lalo na ang angkin mong katapangan.

Batid kong iparating Sa iyo na ikaw lamang ang aking mamahalin,
Buong puso kitang tatanggapin.
Mamahalin kita magpahanggang sa awanggan.
Iyan ang lagi mo dapat tandaan.

Ika'y mas lalo kong minahal dahil ika'y napakatatag,
Daig mo pa ang isang matinding kalasag.
Nails kitang mahalin ng totoo,
Marahil na nararapat lamang Ito.

O binibining iniirog kong palagi,
Isa kang mayuming Bulaklak na aking tinatangi.
Aking dayang na dalisay at mayumi,
Narito ka lamang sa puso ko mamamalagi.

Kaya't bago ko tapusin ang tula ko ngayon,
Nais kong gamitin itong aking pagkakataon,
Na sabihin sa iyong minahal kita mula noon hanggang ngayon,
At nais kong malaman mo na ikaw ang aking padayon na ninanais kong makamit, puhon.
Categories: mula, love, old,
Form: Rhyme


Gutom

Hahayaan kong marinig mo, ang bawat pag kabog at paghagulgol nitong nasa loob ko.
Simula, mula simula ako ay tulala habang nag-iisip kung ano ang isusulat na tula.

Wakas, hanggang saw akas bakas parin ang nilagyang gapas
 Noong ang loob ay nagdarasal na kumalas patungo sa bagong bukas.
Ngayon, pilit paring ginagamot ang pilat na sa akin ay iginapos.
Ngayon ako ay aahon at sasabihing gutom… ako po ay gutom kaya tulala.
Gutom hindi sa pagkain kung hindi sa salita.

Nauubusan na po ako ng mga salita. 
Mga salitang makapag papaimbulog sa mga damdaming nais kumalas
 at nais gumuhit sa kapirasong papel upang mailabas ang nararamdaman.
Categories: mula, poems, poetess, poetry, poets,
Form: Free verse

Makapangyarihang Wika

Ikaw ang nagsimula, kailan ma'y 'di na mamawala
Dahil sayo' y binuo mo ang mundo
Ang ngayon ang bukas, ang pagkadakila
Mula sa isip, hangang sa entablado
Lunan ka maging sa saya at dalita
Pati na sa larawan milyong diwa ang tinuro
Ganyan ka kamakapangyarikan-Wika

Salamin ng kasaysayan, landas ng bukas
Dugong pagkakakilanlan, ang nilikha
Ginto sa lupa, sa tubig ay hiyas
Iyong Pinagyaman silang mga dukha
'Di dahil sa bilang kundi ika' y likas
Pinag-ugnay ang araw at buwan gamit ang pluma
Ganyan ka kamakapangyarikan-Wika.
Categories: mula, culture, language, symbolism,
Form: Rhyme

Plahiyo

Ang pagkopya ng gawa
Nang walang pahintulot
Mula sa may ideya
Ay masama ang dulot.

Ang di pagkilala sa
Awtor ng orihinal
Na salitang ginaya
Ay ipinagbabawal.

Ito ay nangyayari
Sa akda o kotasyon
Na iba ang may-ari
Dahil inangkin iyon.

Ito'y labag sa batas
At mga patakaran; 
Di tama ang di patas
Sa anumang larangan.

Form: Tanaga
Categories: mula, poems,
Form: Quatrain


Agweruik

Agweruik, isang alagad ng kadiliman
Misyon niya sa mundo ay sirain ang buhay ng mga tao
Mandaraya, manloloko at mapanlinlang
Hangad niyang pagharian ang lahat at iligaw ang mga tao mula sa pagiging marangal at banal na pamumuhay

Kaalaman niyang itim ay galing sa hari ng kadiliman
Napapaniwala niya ang lahat sa kanyang makamandag na dila na tila ba ay parang sa ulupong o dragon
Gusto niyang paramihin ang kanyang mga kampon
Sa pamamagitan ng kanyang pagbabalatkayo

Mapang-akit, nahahalina niya ang mga mahihina sa kanyang mga kasinungalingan at pagpapanggap
Mga kampon niya'y wala sa sarili na sa iyo ay magmamatyag at susubok sa iyo sa anumang bagay
Gagawin ka niyang masama sa mata ng mga tao

Kaya mga kapatid ko iwasan natin ang mga kagaya niyang anak ng kadiliman, sila na nagpapahirap sa mundo
Ang samahan nila na mga ganid ang gustong magpasasa sa mundong ito
Na bigay ng Lumikha para sa atin na kanyang tunay na nilalang, ang mga kagaya nila ang susunugin sa dagat ng apoy, sa pagdating ng panahon
Categories: mula, absence, adventure, angel, anti
Form: Free verse

Mahalin Natin Ang Sariling Wika

Mahalin natin ang sariling wika, 
Huwag natin itong ipagpapalit; 
Ito'y kayamaman ng ating bayan, 
Biyaya ng Diyos mula sa langit.

Ang wikang Filipino ay dakila, 
Ginamit ito ng mga bayani
Na lumaban sa mga mananakop
Upang makalaya sa pagka-api.

Kahit tayo'y nasa ibayong dagat, 
Itaguyod ang wikang Filipino; 
Dala nito ang pambansang kultura, 
Na lumalaganap sa buong mundo.

Tumitibay ang pagkakapatiran
Ng lahing Filipino bilang bansa; 
Pangungusap na galing sa isipan, 
Mula sa puso ang pagsasalita.

Sikapin nating ganap na tumugon
Sa isip, sa salita, at sa gawa; 
Mula ngayon hanggang sa katapusan, 
Mahalin natin ang sariling wika.
Categories: mula, language,
Form: Quatrain

In Place Called Heart

Its were love have been build and feelings are created.
Its were secrets are hidden and loneliness is the power to realize you are alone.
Its were silent is the message that tells you you need someone to talk to.

Receiving and loosing is just a matter of a love.
Receiving a clutch, loosing someone you love?
Oh no! it just go mula.
Creating stresses in a place called mind.
Your eyes is making your eyes blind.
It is so easy to die because of love now.

This is a place called heart,
A place of peace for all lovers.
But connected in place called mind,
A place of disgrace for all pretenders, haters and cheaters.

Having a talking blanket but still feel cold.
Told yourself you are in love all along you are in freezing point.
damn what a disgrace!  


Going to traditional healers for magic potion to make love, coward!
Do you think you can escape with pains?
Oh please do'nt try to fool yourself.
God did not promise love without pain.
When you driving love in fast lane stay alert.
Do'nt  cheat and drive please.
Heart breaking accident happens.

Arrive alive in that place called heart!
Categories: mula, relationship,
Form: Sonnet

Masarap Ang Berdeng Bukong Bilog

Masarap ang berdeng bukong bilog, 
Kunin ang matalas na tabak; 
Mula sa bungang inihulog, 
Huwag uminom ng alak.

Kunin ang matalas na tabak, 
Tanggalin ang makapal na buhok; 
Huwag uminom ng alak, 
Mag-ingat sa hawak na gulok.

Tanggalin ang makapal na buhok, 
Tingnan ang lawa ng sabaw; 
Mag-ingat sa hawak na gulok, 
Inumin ang tubig na malinaw.

Tingnan ang lawa ng sabaw, 
Lasapin ang malambot na laman; 
Inumin ang tubig na malinaw, 
Basain ang uhaw na lalamunan.

Lasapin ang malambot na laman, 
Mula sa bungang inihulog, 
Basain ang uhaw na lalamunan, 
Masarap ang berdeng bukong bilog.
Categories: mula, water,
Form: Pantoum

Anino Ng Darating

Ipinagbabawal ng Panginoong Diyos
Ang pagkain ng dugo ng hayop o ibon; 
Mula pa sa panahon ni Noe ay utos
Na ang dugo ay dapat sa lupa ibaon.

Sa bayang Israel ay ipinagbawal din, 
Ang paglabag ay mabigat na kasalanan; 
Itinitiwalag ang sinumang kumain
Ng dugo kahit hinaluan pa ng laman.

Hanggang sa panahon ng mga huling araw, 
Ang kabawalang ito ay nagpapatuloy; 
Dugo ng manok, kambing, baka o kalabaw, 
Huwag kanin matapos iluto sa apoy.

Ang pantubos noong una'y dugo ng hayop, 
Kaya ito'y banal, mabuti, at magaling; 
Sumunod tayo sa Diyos at magpasakop, 
Dugo ng hayop ay anino ng darating.
Categories: mula, life,
Form: Rhyme

Ang Buhay Ay Tulad Ng Lawin-Lawinan

Katulad ng lawin-lawinan ang buhay, 
Minsa'y sa itaas, minsa'y sa ibaba, 
Nagiging masaya kapag nagtagumpay, 
Nalulungkot sa panahon ng sakuna, 
Mahalagang ang Diyos ang gumagabay, 
Anumang sitwasyon ay di alintana, 
Dahil laging tinuturuan ng aral
Mula sa Panginoon at Amang Banal.

Ang buhay, lawin-lawinan ang katulad, 
Sa pagtaas ay humawak nang mahigpit, 
Sa tuntunin ng Diyos dapat lumakad, 
Manalangin sa Ama kung nagigipit, 
Ang nagpapakababa'y siyang mapalad, 
Sa Dakilang Lumikha siya'y malapit, 
Ang pagkabigo ay isa sa pagsubok, 
Sa pag-asa ay huwag maging marupok.

Huwag magtataka kung hindi pareho
Ang bawat isang nilalang sa daigdig, 
Ang Diyos ang nagmamaneho sa tao
Na kung nais ng Diyos ay kinakabig, 
Nababago rin ang pag-ikot ng mundo, 
Ngunit ang wakas ay hindi na lalawig, 
Sa Diyos kumapit kung nahihirapan, 
Ang buhay ay tulad ng lawin-lawinan.
Categories: mula, life,
Form: Ottava rima

Our Village

All Round River and waterfall
Land of the harvest,
This is our village
Betelnut and betel's garden.
Home home the granary
Haystack and cowherd,
This is our village
Magw Bwisagu cheerfully and welcome to.
Water from the well water to drag up
In the house bring on waist wrap,
This is our village
As is family.
Early morning wake up the chicken
Harvest in the land of to go,
This is our village
Spade and solution of farming to do.
And so the garden vegetables everywhere
Lai, lapha, mula and etc.
This is our village
Vegetables are not lacking.
Temple, church and bathou festival
Holy, our place of worship
This is our village of bodos
Goibari taijowbari kantalbari, and like the names.
Categories: mula, nature,
Form: Lyric

Ldr

LDR siya kung tawagin
Kalokohan lang para sa akin
Sapagkat ang ganitong klase ng relasyon
Sakit at pighati lang ang pabaon

Minsan ko na naranasan ang magsugal
Sa sitwasyon na alam kong hindi magtatagal
Nasayang lang ang ginugol na oras
At ang pagmamahal na parang wala ng bukas

Kelanman hindi sapat ang internet at telepono
Dahil sa ang mundo ngayon ay puno ng tukso
Ang daming pangako na sadyang napapako
Mula sa isang taong malayo

Ayoko na ilagay ang sarili ko
Sa isang tao na hindi ako sigurado
Ang dagat ay isang napakalaking pagitan
At napakahirap kung langit lang ang kapwa namin titignan

OO takot na akong masaktan muli
Ako lang din ang iiyak sa bandang huli
Takot na rin akong umasa
Baka pagising ko mawalan na ako ng pag-asa

LDR ay isang napakalaking hamon
Hangga’t maaga pa sa limot na ito ibaon
Hihintayin na lang ang tamang pagkakataon
Na magmahal sa iisang lugar sa itinakdang panahon
Categories: mula, absence, crazy, cry, depression,
Form: I do not know?

Mula Sa Malayo

Dito sa tahanang ulap sa himpapawid,
Kung saan lahat ng pangyayari ay batid
Nakikita kitang sa ngayo'y nagkukubli
Linuluko ang pasya nang iyong sarili.

Oo, magmula sa rurok man ng mga ulap
‘Di ko tangging ako ay sawi't naiiyak.
Ang makita kang malayo’t ‘di makausap,
Bakit ka ba nasasakdal diyan, o, dilag?

Mula dito sa malayo'y sinasambit ko;
 “Diyos ba'y nagbiling huwag mahalin ako?”
Sabihin mo ng hayag ngayon ang totoo
Nang habang dito pa'y matanggap kong 'di ako.


INIHIHINGGIL KAY Bb. MA. JESSA SANDOVAL
Categories: mula, dedication, depression, devotion, dream,
Form: I do not know?

Sa Likod Nitong Politika

Malimit kitang tinutukso kaibigan
Subalit madalas ka namang minamasdan.
Akala mo laang na wala kang halaga,
Kabaligtaran pagkat labis na mahal ka.

Oo,tinutukso ka sa’yong pagkatao,
Sinasaktan pa mula ilong hanggang puso.
Kahit man ika'y halos mapatay sa tukso,
Paumanhin pagkat lahat yaon ay biro.

Halimaw akong palagi kang sinasakal,
Yunuyurakan minsan iyong puri’t dangal.
Subalit hirang sampu niring kamalian,
Katut’hana’y labis-labis kitang mahal.

Totohanan ‘tong sigaw ko na “MAHAL KITA!”,
Oo, dinig ng Diyos tangi kong Prensesa
 Katutuhanan sa likod ng politika,
Ang sa puso’y totoong itinatangi ka.
Categories: mula, addiction, crazy, funny love,
Form: Romanticism

Related Poems

Get a Premium Membership
Get more exposure for your poetry and more features with a Premium Membership.
Book: Reflection on the Important Things

Member Area

My Admin
Profile and Settings
Edit My Poems
Edit My Quotes
Edit My Short Stories
Edit My Articles
My Comments Inboxes
My Comments Outboxes
Soup Mail
Poetry Contests
Contest Results/Status
Followers
Poems of Poets I Follow
Friend Builder

Soup Social

Poetry Forum
New/Upcoming Features
The Wall
Soup Facebook Page
Who is Online
Link to Us

Member Poems

Poems - Top 100 New
Poems - Top 100 All-Time
Poems - Best
Poems - by Topic
Poems - New (All)
Poems - New (PM)
Poems - New by Poet
Poems - Read
Poems - Unread

Member Poets

Poets - Best New
Poets - New
Poets - Top 100 Most Poems
Poets - Top 100 Most Poems Recent
Poets - Top 100 Community
Poets - Top 100 Contest

Famous Poems

Famous Poems - African American
Famous Poems - Best
Famous Poems - Classical
Famous Poems - English
Famous Poems - Haiku
Famous Poems - Love
Famous Poems - Short
Famous Poems - Top 100

Famous Poets

Famous Poets - Living
Famous Poets - Most Popular
Famous Poets - Top 100
Famous Poets - Best
Famous Poets - Women
Famous Poets - African American
Famous Poets - Beat
Famous Poets - Cinquain
Famous Poets - Classical
Famous Poets - English
Famous Poets - Haiku
Famous Poets - Hindi
Famous Poets - Jewish
Famous Poets - Love
Famous Poets - Metaphysical
Famous Poets - Modern
Famous Poets - Punjabi
Famous Poets - Romantic
Famous Poets - Spanish
Famous Poets - Suicidal
Famous Poets - Urdu
Famous Poets - War

Poetry Resources

Anagrams
Bible
Book Store
Character Counter
Cliché Finder
Poetry Clichés
Common Words
Copyright Information
Grammar
Grammar Checker
Homonym
Homophones
How to Write a Poem
Lyrics
Love Poem Generator
New Poetic Forms
Plagiarism Checker
Poetics
Poetry Art
Publishing
Random Word Generator
Spell Checker
Store
What is Good Poetry?
Word Counter