Get Your Premium Membership

Gutom

Hahayaan kong marinig mo, ang bawat pag kabog at paghagulgol nitong nasa loob ko. Simula, mula simula ako ay tulala habang nag-iisip kung ano ang isusulat na tula. Wakas, hanggang saw akas bakas parin ang nilagyang gapas Noong ang loob ay nagdarasal na kumalas patungo sa bagong bukas. Ngayon, pilit paring ginagamot ang pilat na sa akin ay iginapos. Ngayon ako ay aahon at sasabihing gutom… ako po ay gutom kaya tulala. Gutom hindi sa pagkain kung hindi sa salita. Nauubusan na po ako ng mga salita. Mga salitang makapag papaimbulog sa mga damdaming nais kumalas at nais gumuhit sa kapirasong papel upang mailabas ang nararamdaman.

Copyright © | Year Posted 2021




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things