Get Your Premium Membership

Sa Likod Nitong Politika

Malimit kitang tinutukso kaibigan Subalit madalas ka namang minamasdan. Akala mo laang na wala kang halaga, Kabaligtaran pagkat labis na mahal ka. Oo,tinutukso ka sa’yong pagkatao, Sinasaktan pa mula ilong hanggang puso. Kahit man ika'y halos mapatay sa tukso, Paumanhin pagkat lahat yaon ay biro. Halimaw akong palagi kang sinasakal, Yunuyurakan minsan iyong puri’t dangal. Subalit hirang sampu niring kamalian, Katut’hana’y labis-labis kitang mahal. Totohanan ‘tong sigaw ko na “MAHAL KITA!”, Oo, dinig ng Diyos tangi kong Prensesa Katutuhanan sa likod ng politika, Ang sa puso’y totoong itinatangi ka.

Copyright © | Year Posted 2014




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.