Get Your Premium Membership

Anino Ng Darating

Ipinagbabawal ng Panginoong Diyos Ang pagkain ng dugo ng hayop o ibon; Mula pa sa panahon ni Noe ay utos Na ang dugo ay dapat sa lupa ibaon. Sa bayang Israel ay ipinagbawal din, Ang paglabag ay mabigat na kasalanan; Itinitiwalag ang sinumang kumain Ng dugo kahit hinaluan pa ng laman. Hanggang sa panahon ng mga huling araw, Ang kabawalang ito ay nagpapatuloy; Dugo ng manok, kambing, baka o kalabaw, Huwag kanin matapos iluto sa apoy. Ang pantubos noong una'y dugo ng hayop, Kaya ito'y banal, mabuti, at magaling; Sumunod tayo sa Diyos at magpasakop, Dugo ng hayop ay anino ng darating.

Copyright © | Year Posted 2017




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things