Parang Poems | Examples


Premium MemberA Winter Wish

Pen pals from the very start 
scented paper and feathers of pink 
inside a pre-kissed envelope of white 
You, writing about the taste of Trinidad 
by the sweet-burning smoke of a pipe blend,
me, whispering to you about the beauty of a snowflake  
as it comes swiveling down from heaven; 
Letter writers of ancient times, hoping for love's arrow  
You, singing a Christmas Parang in a Trini voice of honey  
me,  with my faux fourrure and Christmas boots of leather;
Lovers yet to be my love but if this year I get my winter wish, 
I will meet you by the Pigeon Point,   on December 29th, 
with a glass of rum in one hand 
and a plate of festive rice on the other 
Together we will melt the last glacial memory 
from our burning waiting hearts. 

December 7 2021  

Meaning of Fourrure / french word for fur
Categories: parang, fantasy,
Form: Free verse

Pasko Sa Dagat

Habang nilalakbay itong karagatan,
Iba't ibang kulay ng ilaw ang nasisipat
Kadilima'y alay rin sa mamamayan
Puting walang galaw, iba nama'y pakipat-kipat

Parang pasko sa dalampasigan
Ilaw ng mga motor sa dagat, kumukutikutitap
Ang masilaw na puting ilaw, dinaraanan
Sabi'y halika'yo mga isda at kulisap! 

Dasal 'wag lang lumapit ang kidlat
Nang pamilya nami'y huwag mangamba
Hala mga isda pasok at  tuloy sa lambat
Oh kadiliman ikaw rin ay pinagpala

Lamig din ang kalaban, ngunit hindi patitinag
Tuloy lang mga bituin sa pagkislap
Ganito ang gabi, kapag nanlalayag
Saksi sa ilaw ng pagsusumikap at pangarap.
Categories: parang, motivation, night, sea, work,
Form: Rhyme


Garahikahm

Garahikahm, diyosa ka ng kagandahan
Ngiti mo'y parang siwang ng kalangitan
Agam agam ko'y napapawi at lakas ay nababawi
Kapag kita'y nakikita puso ko'y kumakabog

Biyaya kong maituturing ang makasama ka sa institusyon
Sana'y walang hangganan o katapusan ang mga araw natin
Ngunit ako'y nalulungkot kapag may kausap kang iba
Na pinangangambahan kong diyablo ang iyong katabi

Huwag sanang itulot na mga pakpak mo'y mabali
Dahilan upang ikaw ay di na makabalik pa sa alapaap na busilak
Pagbati mo sa akin, hatid ay pag-asa at galak
Sana ay huwag mong pagsawaan ang iyong kagiliwan

Kaway mo'y parang kumpas ng baton at ako'y napalutang 
Sa ligayang tinaglay, na ikaw lang ang nakagagawa
Nais kong sumama sa iyong paglipad patungong alapaap
Kahit na ikaw ay diyosa at ako'y isang mortal lamang
Categories: parang, america, business, butterfly, candy,
Form: Free verse

Agweruik

Agweruik, isang alagad ng kadiliman
Misyon niya sa mundo ay sirain ang buhay ng mga tao
Mandaraya, manloloko at mapanlinlang
Hangad niyang pagharian ang lahat at iligaw ang mga tao mula sa pagiging marangal at banal na pamumuhay

Kaalaman niyang itim ay galing sa hari ng kadiliman
Napapaniwala niya ang lahat sa kanyang makamandag na dila na tila ba ay parang sa ulupong o dragon
Gusto niyang paramihin ang kanyang mga kampon
Sa pamamagitan ng kanyang pagbabalatkayo

Mapang-akit, nahahalina niya ang mga mahihina sa kanyang mga kasinungalingan at pagpapanggap
Mga kampon niya'y wala sa sarili na sa iyo ay magmamatyag at susubok sa iyo sa anumang bagay
Gagawin ka niyang masama sa mata ng mga tao

Kaya mga kapatid ko iwasan natin ang mga kagaya niyang anak ng kadiliman, sila na nagpapahirap sa mundo
Ang samahan nila na mga ganid ang gustong magpasasa sa mundong ito
Na bigay ng Lumikha para sa atin na kanyang tunay na nilalang, ang mga kagaya nila ang susunugin sa dagat ng apoy, sa pagdating ng panahon
Categories: parang, absence, adventure, angel, anti
Form: Free verse

Kapaligiran

Kapaligiran, Kay gandang pagmasdan
Lalo na kung ito'y maayos at malinis
Subalit kulang yata sa aral o disiplina ang mga Pilipino
Maraming basura ay nagkalat, mga plastik at bote 
Na sa kanal ay napupunta at bumabara

Darating na naman ang tag-ulan
Bubuhos ang napakalakas na ulan
At parang uhaw na uhaw ang lupa
Na walang sawang sinasahod ang ulan
Ngunit siya man ay nalunod din dahil sa baha

Bahang dulot ng mga baradong kanal
Kelan kaya mamahalin ng tapat ng mga Pilipino
Ang kanyang kapaligiran, kailan kaya ito ?
Kahit pasukin pa ng baha ang kanyang bahay
Ay parang walang epekto sa kanila

Sige na naman mga kababayan ko
Huwag na tayong magtapon ng basura sa kapaligiran
Mga bata ay araw araw na nating turuan na magmalasakit
Sa kapaligirang kanilang mamanahin
Sige na mga kababayan, alagaan ang ating kapaligiran
Categories: parang, adventure, africa, america, angel,
Form: Free verse


Akala Ko

Nung una akala ko wala lang
Nung una akala ko walang
paroroonan
Nung una akala ko hindi mag
tatagal
Nung unang mga pag titinginan 
natin.

Dumiling sa diyos na mapasakin
Ang magandang babaeng kung ngumitiy,
Parang wala ng bukas na paroroon 
Iba ang tama,saking isipan.

Dumating ang araw na ikay
napalapit
Akala ko ikaw ay aking makakamit.
Subalit merong pagsubok na
sumabit
Akala ko ikay aking mapipilt
Na sumama sa akin. Ngunit ikay 
may sinambit
May mahal na iba. At sinabing akoy
mag hanap ng kapalit.

Lumipas ang panahon ako'y 
nakahanap
Nakahap ng kapalit sa mapait na 
hinaharap.
Akala ko dumating na ang aking pangarap
Babaeng binigay ang lahat punan 
ang mga pangarap ng hindi na tupad.

Ngunit ikaw nag balik
Akoy nagulat dahil ramdam ko ang sakit
Sakit na dinulot ng nakaraang hapit.
Lumaban para sa pangarap na 
kumakapit.

Bandang dulo ikaw rin pala'y 
makakamit
Akala ko wala ng pagasang
masungkit
Ang puso mong may ibang banggit.
Ngunit AKALA ko lang pala lang ng 
sumapit.
Dahil mahal ko ika'y aking mabibitbit
Hanggang kamatayan ako'y 
mananaginip ng mahigpit.
Categories: parang, conflict, emotions, heartbreak, lost
Form: I do not know?

Ldr

LDR siya kung tawagin
Kalokohan lang para sa akin
Sapagkat ang ganitong klase ng relasyon
Sakit at pighati lang ang pabaon

Minsan ko na naranasan ang magsugal
Sa sitwasyon na alam kong hindi magtatagal
Nasayang lang ang ginugol na oras
At ang pagmamahal na parang wala ng bukas

Kelanman hindi sapat ang internet at telepono
Dahil sa ang mundo ngayon ay puno ng tukso
Ang daming pangako na sadyang napapako
Mula sa isang taong malayo

Ayoko na ilagay ang sarili ko
Sa isang tao na hindi ako sigurado
Ang dagat ay isang napakalaking pagitan
At napakahirap kung langit lang ang kapwa namin titignan

OO takot na akong masaktan muli
Ako lang din ang iiyak sa bandang huli
Takot na rin akong umasa
Baka pagising ko mawalan na ako ng pag-asa

LDR ay isang napakalaking hamon
Hangga’t maaga pa sa limot na ito ibaon
Hihintayin na lang ang tamang pagkakataon
Na magmahal sa iisang lugar sa itinakdang panahon
Categories: parang, absence, crazy, cry, depression,
Form: I do not know?

Bakit Na Naman

Bakit hindi ko maiwasang umagos aking mga luha
Sa tuwing ako’y iyong binabalewala,
Nalulungkot at nalulumbay buo kong pagkatao
Sa mapait at matabang na sa aki’y pagtrato.

Naluluha at nasasaktan ako sa iyong mga banat
Pagkat mas lalo mo lamang nilalayo ang loob sa lahat,
Ngunit kahit gaano pa ka tulis ang iyong mga salita
Matitiis hindi pagkat ikaw ay namumukod tangi.

Alam mo bang nilalanghap ko bawat samahan natin
Tuwing tayo’y masaya, nagtatawanan at nagkukulitan,
Kaysarap ngang balikan parang nakakawala ng hapdi
Napakagaan sa pakiramdam at lumbay ay napawi.

Alam mo namimis ko ang tunay na ikaw
Hindi ko na kase iyon sa’yo natatanaw,
Noong ngiti mo’y napalitan na nang ngiwi
At ngayo’y halos wala na talagang mahawi.

Kailan ba tayo magkakasundo?
Hanggang kailan magdurugo aking puso?
Na ikaw ay tiisin at laging intindihin.
Kailan mo kaya mauunawaan itong damdamin?

Sana lang alam mo ang laman nitong puso
Sana alam mo ang bawat sugat at kirot nito,
Nang ang paghilom naman ang mamumuo
At liwanang sa isip at puso’y makakamtan ko.
Categories: parang, love, missing you, sister,
Form: Dramatic Monologue

Kurso: Kay Hirap Mo

Nang sa mundo ako ay nagkamulat
Sa isipan ko’y hindi ikaw ang hinangad,
Pangarap na maging ano o sino
Ang siyang sa puso ko’y namumuno.

Nang lisanin ko na ang sekundarya
Napatigil ako sa isang banda,
Bakit kaya noon kaydali mangarap?
Bakit kaya ngayon sobrang kayhirap?

Parang tinik sa lalamunan ang pagpili
Nang kursong magbibigay sayo ng galak at ngiti;
Halo-halong emosyon ang uusbong
Kahit sino-sino na lang ang tinalunton.

Mahabang panahon na ang aking ginugol
Sa pagpli ng pangarap na hindi mapupurol,
Iba’t ibang suhestiyon galing sa iba
Ngunit sa huli, ako pa rin ang magpapasya.

At nang araw ay dumating
Sa pagpasok sa paaralang Unibersidad
Tuliro ang isipan, pati ang damdamin
Ano bang kurso sa akin may kalidad?

Dumatal na ang dapithapon
Ngunit pasya ay di pa nabubuo
Litung-lito kung ano ang susundin
Si ama’t ina o aking isipan at damdamin?

Waring sana’y taimtim talagang pag-isipan
At tanawin ang mangyayari sa hinaharap
Lalong-lalo na ang gabay ni Amang Lumikha
Na siyang nagpukol sa atin ng buhay na dakila.
Categories: parang, courage, desire, education, future,
Form: Free verse

Nung Una

Nang unang nagtagpo
Ngumiti ang araw
Napawi ang basa at malumbay na puso
'Di na ininda ang hapdi ng kinahapunan

Nagtawanan ang bawat kaluluwa
Umiyak ang mga damdamin
Nagsalo sa init at lamig
Nabusog ang puso
Sa gulo may kaayusan

Sa gulo may kaayusan?
Isang malaking tanong
Isang tanong unti lamang ang may sagot
Ilang unos ang dumaan
Damdaming puno na ng nyebe

Ang ihip ng hangin ay mainit, nakakapaso
Liliparin ng isipan ang mga nasabi
Pero pilit itinatago ng puso ang hapdi
'Di maikukubli ang luha
'Di na muli babalik ang ngiti ng araw

Pumikit ka na at humanda sa pagbitaw
Dahil mauulol ang pusong sugatan
Kakain ng bububog at tinik
Makikiusap na parang pulubi ang pagkatao
Ngunit di ka na pakikinggan

Nung unang nagtagpo ngumiti ang araw
Nagyon badya ng ulan na parang halimaw.
Categories: parang, lost love,
Form: Free verse

Dito

Dito sa higaan ko inaalala ang mga ngiti mo
Pilit kong inaalala ang sarap ng mga halakhak mo
Oh anong sarap ng maramdaman ng akap mong kay init
Sa bawat hininga mong puno ng pag asa’t pag lalambing.

Ang bawat oras ay napakabilis
Utak ko’y tuliro sa pagpapaalam
Kung pwede lamang na ika’y itago
Mahirap ang ikaw wala kahit isang dipa
Pero ang bawat araw na ikaw ay nasisislayan parang bagong mundo ang binibiyayaan

Ang pagsinta ng pagkatao ko ay iyong dulot at sanhi
Dahil dito sa himlayan ko ngayon gabi pag irog ko ay di ko ikukubli
Sayo ang aking ngiti
Baunin mo hangang sa hapong iyong paguwi
Dahil sa gabing malamig, pag ibig ko’y iyong baga at sa lungkot ay gagapi.
Categories: parang, absence, anger, children, god,
Form: Free verse

Manhid

makulit.paulit-ulit lang
ang pag-ibig ko sa’yo.
di nasasaktan.di nadadala
pilit nililimot,lalong lumalala
ang pag-alaala:
sa kahapon
sa ngayon,sa bukas.
ginagamot ng sampal,
batok, sabunot
at buntong- hiningang
walang humpay.
ng sigaw na walang nakaririnig,
kundi ang taong di ko na kilalang
kaharap ko sa malabong
salamin.

kagabi,magkasabwat na naman
ang lamig at dilim;
nanunuot sa bawat
himaymay ng malay,
nag-uunahang manumbat.
parang mga
mga paang nag-aagawang
tumakas at
nangahas dumaan
sa mga lansangan,
at pader na nanunuksong
pangalan mo lang ang alam
isulat.

sa sulok
nagsisiksikan ang mga agiw
at sapot.sariling hagod
ng impit na mga daing.
bahaw na ngiti.
ulang pumatak,
natuyo,tumatak.
sa kawalan,sino ang nawala
at nawalan?
paulit-ulit lang.gaya ng dati.
paulit-ulit lang
ang palabas.
hanggang wala nang maramdaman.
gaya noon.
Categories: parang, relationship,
Form: Free verse

Panaginip

Sa muling pagpikit ng mga mata, 
Dagling magbubukas ang panaginip, 
Saglit akong mawawala, 
Tungo sa kalawakan ng aking isip. 

Tayo'y muling magtatagpo, 
Sa gitna ng pagkakaidlip, 
Sana'y di na magkalayo, 
Pinipilit ko, pero isa ka lang kathang-isip. 

Doon kung saan ikaw ay parang tunay, 
Doon kung saan hawak ang iyong kamay, 
Sana naman sa totoong buhay, 
Makatagpo nang isang tulad mo. 

Hilumin mo na ang sakit ng pag-iisa, 
Buhay ko, bigyan mo na ng saya, 
Marahil ngayon, isang ilusyon, 
Balang araw mayroong tutugon. 

Hanggang sa muling paglalakbay, 
Makaharap ka na nang tunay...
Categories: parang, dream, love, teen,
Form: Light Verse

Trinidad and Tobago Christmas

When I think of Christmas
I think of sweet melody
Singing and dancing
Parang, Parang

Family gathering, great unity
Moving from house to house celebrating

Sharing and giving
Mama cooking
Everything finger liking
Party of the year
T&T Christmas
Categories: parang, dedicationhouse, house,
Form: Rhyme
Get a Premium Membership
Get more exposure for your poetry and more features with a Premium Membership.
Book: Reflection on the Important Things

Member Area

My Admin
Profile and Settings
Edit My Poems
Edit My Quotes
Edit My Short Stories
Edit My Articles
My Comments Inboxes
My Comments Outboxes
Soup Mail
Poetry Contests
Contest Results/Status
Followers
Poems of Poets I Follow
Friend Builder

Soup Social

Poetry Forum
New/Upcoming Features
The Wall
Soup Facebook Page
Who is Online
Link to Us

Member Poems

Poems - Top 100 New
Poems - Top 100 All-Time
Poems - Best
Poems - by Topic
Poems - New (All)
Poems - New (PM)
Poems - New by Poet
Poems - Read
Poems - Unread

Member Poets

Poets - Best New
Poets - New
Poets - Top 100 Most Poems
Poets - Top 100 Most Poems Recent
Poets - Top 100 Community
Poets - Top 100 Contest

Famous Poems

Famous Poems - African American
Famous Poems - Best
Famous Poems - Classical
Famous Poems - English
Famous Poems - Haiku
Famous Poems - Love
Famous Poems - Short
Famous Poems - Top 100

Famous Poets

Famous Poets - Living
Famous Poets - Most Popular
Famous Poets - Top 100
Famous Poets - Best
Famous Poets - Women
Famous Poets - African American
Famous Poets - Beat
Famous Poets - Cinquain
Famous Poets - Classical
Famous Poets - English
Famous Poets - Haiku
Famous Poets - Hindi
Famous Poets - Jewish
Famous Poets - Love
Famous Poets - Metaphysical
Famous Poets - Modern
Famous Poets - Punjabi
Famous Poets - Romantic
Famous Poets - Spanish
Famous Poets - Suicidal
Famous Poets - Urdu
Famous Poets - War

Poetry Resources

Anagrams
Bible
Book Store
Character Counter
Cliché Finder
Poetry Clichés
Common Words
Copyright Information
Grammar
Grammar Checker
Homonym
Homophones
How to Write a Poem
Lyrics
Love Poem Generator
New Poetic Forms
Plagiarism Checker
Poetics
Poetry Art
Publishing
Random Word Generator
Spell Checker
Store
What is Good Poetry?
Word Counter