Nung Una

Nang unang nagtagpo
Ngumiti ang araw
Napawi ang basa at malumbay na puso
'Di na ininda ang hapdi ng kinahapunan

Nagtawanan ang bawat kaluluwa
Umiyak ang mga damdamin
Nagsalo sa init at lamig
Nabusog ang puso
Sa gulo may kaayusan

Sa gulo may kaayusan?
Isang malaking tanong
Isang tanong unti lamang ang may sagot
Ilang unos ang dumaan
Damdaming puno na ng nyebe

Ang ihip ng hangin ay mainit, nakakapaso
Liliparin ng isipan ang mga nasabi
Pero pilit itinatago ng puso ang hapdi
'Di maikukubli ang luha
'Di na muli babalik ang ngiti ng araw

Pumikit ka na at humanda sa pagbitaw
Dahil mauulol ang pusong sugatan
Kakain ng bububog at tinik
Makikiusap na parang pulubi ang pagkatao
Ngunit di ka na pakikinggan

Nung unang nagtagpo ngumiti ang araw
Nagyon badya ng ulan na parang halimaw.
Copyright © | Year Posted 2014

Poem

Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.

Please Login to post a comment

Be the first to comment on this poem. Encourage this poet.

Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace