Garahikahm
Garahikahm, diyosa ka ng kagandahan
Ngiti mo'y parang siwang ng kalangitan
Agam agam ko'y napapawi at lakas ay nababawi
Kapag kita'y nakikita puso ko'y kumakabog
Biyaya kong maituturing ang makasama ka sa institusyon
Sana'y walang hangganan o katapusan ang mga araw natin
Ngunit ako'y nalulungkot kapag may kausap kang iba
Na pinangangambahan kong diyablo ang iyong katabi
Huwag sanang itulot na mga pakpak mo'y mabali
Dahilan upang ikaw ay di na makabalik pa sa alapaap na busilak
Pagbati mo sa akin, hatid ay pag-asa at galak
Sana ay huwag mong pagsawaan ang iyong kagiliwan
Kaway mo'y parang kumpas ng baton at ako'y napalutang
Sa ligayang tinaglay, na ikaw lang ang nakagagawa
Nais kong sumama sa iyong paglipad patungong alapaap
Kahit na ikaw ay diyosa at ako'y isang mortal lamang
Copyright © Ar Ni | Year Posted 2019
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment