Hahayaan kong marinig mo, ang bawat pag kabog at paghagulgol nitong nasa loob ko.
Simula, mula simula ako ay tulala habang nag-iisip kung ano ang isusulat na tula.
Wakas, hanggang saw akas bakas parin ang nilagyang gapas
Noong ang loob ay nagdarasal na kumalas patungo sa bagong bukas.
Ngayon, pilit paring ginagamot ang pilat na sa akin ay iginapos.
Ngayon ako ay aahon at sasabihing gutom… ako po ay gutom kaya tulala.
Gutom hindi sa pagkain kung hindi sa salita.
Nauubusan na po ako ng mga salita.
Mga salitang makapag papaimbulog sa mga damdaming nais kumalas
at nais gumuhit sa kapirasong papel upang mailabas ang nararamdaman.
Ang pag-ibig na wagas
ay walang pagdududa;
alinlanga’y di bakas
sa gabi ma’t umaga.
Sa gitna ng delubyo
ay totoong matibay;
tapat hanggang sa dulo,
hindi humihiwalay.
Sa lahat ng sandali
ay malinis ang hangad;
hindi mapagkunwari,
at lalong hindi huwad.
Sa lahat ng gawain
ay may basbas ng Diyos;
kahit may suliranin,
pagmamahal ay taos.
Mas higit kaysa ginto
sapagkat walang wakas;
kayamanan ng puso
ang pag-ibig na wagas.
Salamat po, Ka Eduardo,
Sa inyo pong pagmamahal;
Inaakay n’yo ang tao
Patungo sa bayang banal.
Kahit mapagod, mapuyat
Ay hindi n’yo alintana;
Ang mahalaga'y matupad
Ang tungkulin n’yo sa Ama.
Ang Iglesia’y tinitipon
Sa lahat halos ng dako;
Panganib ay sinusuong,
Iniikot itong mundo.
Dama ng mga pinili
Ang inyo pong pagsasakit;
Kami‘y hindi masasawi,
Kaligtasa’y makakamit.
Walang iba pang hangarin
Kundi para sa Iglesia;
Nagtagumpay ang mithiin
Sa inyo pong pangunguna.
Sa inyong pangangasiwa,
Puso po ang nangungusap;
Kami ay di nagsasawa,
Pagsamba ay laging hanap.
Pasasakop kaming lubos
Sa Lider Pangkalahatan;
Kami na mga tinubos,
Pagsunod ay di iiwan.
Tutuparin ang tungkulin,
Totoo hanggang sa wakas;
Tatapusin ang takbuhin,
Pag-asa namin ay wagas.
Kayo po ay aming mahal,
Habang kami’y may hininga;
Ang inyo pong pangangaral
Sa amin ay mahalaga.
Dalangin namin sa Diyos,
Patnubayan kayong lagi;
Sa biyaya ay mapuspos,
Kalusuga’y manatili.
Ang Diyos ay pinupuri,
Kami’y Iglesia Ni Cristo;
At nagagalak po kami,
Salamat po, Ka Eduardo.
K-aramay sa lahat ng oras,
A-liw sa panahon ng lungkot;
I-sang mapagkakatiwalaan,
B-anayad sa salita at kilos.
I-law sa dakong madilim,
G-abay sa naligaw ng landas;
A-alalay kapag ikaw ay nabuwal,
N-amamalaging tapat hanggang wakas.
Ikwintas mo sa iyong leeg ang tali,
Itanim mo rin ito sa iyong puso,
Panghawakan mo sa lahat ng sandali,
Huwag mong bitawan nang dahil sa tukso,
Ito ang sa iyo ay magkakandili,
Kahit ano pa ang mangyari sa mundo,
Ibuhay mo nga ang salita ng Diyos,
Sundin ito nang buong ingat at lubos.
Sa iyong leeg ang tali ay ikwintas,
Laging magpasakop sa Pamamahala,
Huwag kang lalabag sa utos at batas,
Huwag itong ipagwawalang-bahala,
Upang sa araw ng wakas ay maligtas,
At matiyak ang biyaya't gantimpala,
Ang matulis ay huwag ngang sisikaran,
Sayang ang tiniis kapag kinalagan.
Manatiling tapat sa mga tuntunin,
Huwag kang titigil sa mga pagtupad,
Sa Amang banal ay maging masunurin,
Ang nasa pagsamba'y tiyak na mapalad,
Landas ng masama ay huwag tahakin,
Upang putong ng katwiran ay igawad,
Sa 'yong pag-ibig ay huwag manlalamig,
Ikwintas mo ang tali sa iyong leeg.
Ang bukas ay walang hanggan,
Hinihintay ng sinuman;
Makita ang kagandahan,
Pangarap ng karamihan.
Ang bukas ay dumarating,
Sa pagtulog at paggising;
Ngunit ngayon ang kapiling,
Sa kahapon bumabaling.
Ang bukas ay mangyayari,
Di mapigil ng buhawi;
Kahit bundok na malaki
Ay hindi nga magwawagi.
Ganyan katindi ang bukas,
Kapag nangako ay wagas;
Ang buhay ay walang wakas,
Siya'y totoong malakas.
Ating pag-asa'y dagdagan,
Sa tiwala'y h'wag panawan;
Problema'y ating ngitian,
Ang bukas ay walang hanggan
Katulad ng lawin-lawinan ang buhay,
Minsa'y sa itaas, minsa'y sa ibaba,
Nagiging masaya kapag nagtagumpay,
Nalulungkot sa panahon ng sakuna,
Mahalagang ang Diyos ang gumagabay,
Anumang sitwasyon ay di alintana,
Dahil laging tinuturuan ng aral
Mula sa Panginoon at Amang Banal.
Ang buhay, lawin-lawinan ang katulad,
Sa pagtaas ay humawak nang mahigpit,
Sa tuntunin ng Diyos dapat lumakad,
Manalangin sa Ama kung nagigipit,
Ang nagpapakababa'y siyang mapalad,
Sa Dakilang Lumikha siya'y malapit,
Ang pagkabigo ay isa sa pagsubok,
Sa pag-asa ay huwag maging marupok.
Huwag magtataka kung hindi pareho
Ang bawat isang nilalang sa daigdig,
Ang Diyos ang nagmamaneho sa tao
Na kung nais ng Diyos ay kinakabig,
Nababago rin ang pag-ikot ng mundo,
Ngunit ang wakas ay hindi na lalawig,
Sa Diyos kumapit kung nahihirapan,
Ang buhay ay tulad ng lawin-lawinan.
A-ng aguhon ng daang tama
N-a mahalaga upang di maligaw;
G-awin ang pagtahak doon, lahat sila, ako man, at ikaw.
A-ng aguhon ng daang tama,
G-amit na totoong kailangan;
U-tos ng Diyos ang katulad,
H-alina't sundin tungo sa kaligtasan.
O-ras na upang alamin, dakong itinuturo ng aguhon;
N-aroon ang gantimpala, pagdating ng akmang panahon.
N-ais ihayag ng aguhon, ang tunay at matuwid na landas;
G-anap na pagtalima sa Diyos, hanggang sa araw ng wakas.
D-ireksyong senyas ng aguhon
A-y hindi maitatanggi;
A-raw man maglakbay,
N-ariyan ang gabay kahit sa
G-abi.
T-aluntunin at ingatan
A-ng mga aral sa Biblia;
M-ahalin at panghawakan
A-ng aguhon ng daang tama.
Walang napapala,
ang titik sa tugma.
Pilitin mang kumawala,
babalik pa rin sa rehas
at kulungang walang tanikala.
Hayaang magdusa
ng walang parusa:
Gumala ng gumala
sa pagitan ng luha at lupa!
At kung sa wakas man magmula,
‘wag papagtagpuin ang dulo
at kabila:
pabayaang maging tama
ang tama!