Salamat Po, Ka Eduardo
Salamat po, Ka Eduardo,
Sa inyo pong pagmamahal;
Inaakay n’yo ang tao
Patungo sa bayang banal.
Kahit mapagod, mapuyat
Ay hindi n’yo alintana;
Ang mahalaga'y matupad
Ang tungkulin n’yo sa Ama.
Ang Iglesia’y tinitipon
Sa lahat halos ng dako;
Panganib ay sinusuong,
Iniikot itong mundo.
Dama ng mga pinili
Ang inyo pong pagsasakit;
Kami‘y hindi masasawi,
Kaligtasa’y makakamit.
Walang iba pang hangarin
Kundi para sa Iglesia;
Nagtagumpay ang mithiin
Sa inyo pong pangunguna.
Sa inyong pangangasiwa,
Puso po ang nangungusap;
Kami ay di nagsasawa,
Pagsamba ay laging hanap.
Pasasakop kaming lubos
Sa Lider Pangkalahatan;
Kami na mga tinubos,
Pagsunod ay di iiwan.
Tutuparin ang tungkulin,
Totoo hanggang sa wakas;
Tatapusin ang takbuhin,
Pag-asa namin ay wagas.
Kayo po ay aming mahal,
Habang kami’y may hininga;
Ang inyo pong pangangaral
Sa amin ay mahalaga.
Dalangin namin sa Diyos,
Patnubayan kayong lagi;
Sa biyaya ay mapuspos,
Kalusuga’y manatili.
Ang Diyos ay pinupuri,
Kami’y Iglesia Ni Cristo;
At nagagalak po kami,
Salamat po, Ka Eduardo.
Copyright © Bernard F. Asuncion | Year Posted 2019
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment