Get Your Premium Membership

Ang Bukas Ay Walang Hanggan

Ang bukas ay walang hanggan, Hinihintay ng sinuman; Makita ang kagandahan, Pangarap ng karamihan. Ang bukas ay dumarating, Sa pagtulog at paggising; Ngunit ngayon ang kapiling, Sa kahapon bumabaling. Ang bukas ay mangyayari, Di mapigil ng buhawi; Kahit bundok na malaki Ay hindi nga magwawagi. Ganyan katindi ang bukas, Kapag nangako ay wagas; Ang buhay ay walang wakas, Siya'y totoong malakas. Ating pag-asa'y dagdagan, Sa tiwala'y h'wag panawan; Problema'y ating ngitian, Ang bukas ay walang hanggan

Copyright © | Year Posted 2017




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Shattered Sighs