Loob Poems | Examples


Imahe

Sa kailaliman ng gabi ang diwa ay muling naliligalig
Sa twina'y nabubusog ang kalooban ng mga di maurirat na sapantaha
Mga tinig na nagmumutawing, "wala kang kalakasan, wala kang puwang"
Makulimlim na mga salita na nagpapabalisa
Kakambal wari mula nang ako ay magkahininga

Hindi ko maipagkukubli marupok kong damdamin
Tindig ko man ay hindi kababakasan ng lakas ng loob
Paano ako titingnan ng dako't paroon
Kahit kakampi ko man ang panalangin
Kung kaniig naman mga palad sa mukha
Habang sa isip laging umuukilkil mga imahe ng kapintasan
Dalisay kung pumapatay sa sariling katinuan
Sadyang kay hirap maigupo habang nabubuhay
Kung batid mong sarili man ay kaaway.
Categories: loob, conflict, deep, emotions, identity,
Form: Free verse

Si Juana Ang Nag-Silang

Sa kanilang mga anino,
Kami’y kanilang itinago
Lagi kami ang sinusuyo
Na manatili lang sarado

Na dating walang pumapanig
Noong kami ay nalulupig
Ngunit ngayon, kami’y titindig
At sana’y kami ay marinig

At bakit naman kami matitinag?
Dahil ba kami ay babae lamang?
At bakit kami pa ang maduduwag,
Sa lupaing kami rin ang nag-silang?

Kailan pa nagging sukatan
Ang aming mga kasarian?
At ang taglay na kakayahan
Na ipagtanggol ang lipunan

Mag-dadamit, mag-hahayag ng malaya
May lakas ng loob at di nahihiya
Dahil di na nila kami madadaya
Sa pag-laban namin ng aming hustisya

Tatayo kami at titingala
Sa pag-tibay ng paniniwala
Ika’y babaeng dinadakila,
Na di na muling maalila.

PM, 2022
Categories: loob, celebration, courage, woman, women,
Form: Other


Gutom

Hahayaan kong marinig mo, ang bawat pag kabog at paghagulgol nitong nasa loob ko.
Simula, mula simula ako ay tulala habang nag-iisip kung ano ang isusulat na tula.

Wakas, hanggang saw akas bakas parin ang nilagyang gapas
 Noong ang loob ay nagdarasal na kumalas patungo sa bagong bukas.
Ngayon, pilit paring ginagamot ang pilat na sa akin ay iginapos.
Ngayon ako ay aahon at sasabihing gutom… ako po ay gutom kaya tulala.
Gutom hindi sa pagkain kung hindi sa salita.

Nauubusan na po ako ng mga salita. 
Mga salitang makapag papaimbulog sa mga damdaming nais kumalas
 at nais gumuhit sa kapirasong papel upang mailabas ang nararamdaman.
Categories: loob, poems, poetess, poetry, poets,
Form: Free verse

Matiyaga Kong Hihintayin

Matiyaga kong hihintayin 
Ang magandang Bayang Banal; 
Alinlanga'y aalisin, 
Susundin Ka, Amang mahal.

Titiisin ko ang hirap, 
Habang narito sa mundo; 
Sa isip ay isasangkap 
Ang lakas buhat kay Cristo. 

Kailangan ko ang tatag 
Ng loob upang madaig 
Ang hilahil at bagabag 
Pati dusa sa daigdig. 

Pipilitin kong matapos 
Ang takbuhin ko, O Ama; 
Sasambahin Ka nang taos 
Sa puso at kaluluwa. 

Hindi ako matatakot 
Sa balisa't suliranin; 
Mapapawi na ang lungkot, 
Matiyaga kong hihintayin.
Categories: loob, poems,
Form: Quatrain

Ang Papel Ng Anak Sa Pamilya

Ang papel ng anak sa pamilya
Ay ang paggalang sa ama't ina; 
Ang pagsunod sa kanilang payo
Ay totoong mabuting prinsipyo.

Ang kailangan n'yang magampanan
Ay ang pagtuklas ng karunungan; 
Dapat na mag-aral na mabuti
Upang mapaunlad ang sarili.

Sa masama ay huwag tutulad
Dahil sa panganib mapapadpad; 
Umiwas sa ugaling baluktot
At magtaglay ng banal na takot

Huwag mag-aakyat ng suliranin
Dahil sa pagbugso ng damdamin; 
Karangala'y dalhin sa magulang, 
Papuri sa Diyos na lumalang.

Utang na loob ay tinatanaw
Sa nag-aruga gabi at araw; 
Di ipinagwawalang bahala
Ang papel ng anak sa pamilya.
Categories: loob, poems,
Form: Couplet


Pinal

Isang lingong pahirap
Isang lingong puro hirap
Isang lingong puro puyat
Isang lingong ayaw paawat

Yan yung lingong ang bigat
Animo Hindi mo alam kung sapat. 
Yung pag hihirap mo sa bawat 
Sandaling ikaw ay nakatapat

Sa kwadernong puno ng kaalaman.
Isusulat lahat ng nalalaman
Upang maka sabay sa iilan 
Na tinuturo na aming dapat malaman.

Ganyan ang aming buhay sa loob,
Ng unibersidad na sa Amin ay nakapaloob.
Aagos ang luha ng todo,
Dahil ikaw, ako at tayo ay mag tatapos sa marso
Categories: loob, courage, education, graduate, graduation,
Form: Free verse

Malayang Bayan

Ang malayang bayan sa dulong Silangan
Ay tunay na napakapalad; 
Inalis sa mga kuko ng mananakop, 
Ang kagandahan ay walang katulad.

Ikalabindalawa ng Hunyo
Nang iproklama sa buong bansa; 
Napawi ang usok ng labanan, 
Tayo ngayon ay naging malaya.

Sa loob ng tatlong daang taon
Ay inalipin ng mga Kastilang dayuhan; 
Sa pangunguna ni Emilio Aguinaldo, 
Ang Pilipinas ay naging malayang bayan.
Categories: loob, independence day,
Form: Verse

Huwag Pababayaan Ang Mga Pagsamba

Huwag pababayaan ang mga pagsamba, 
Magkaroon man ng hadlang o ng problema; 
Sa loob ng templo'y tiyak malulunasan
Ang mga suliraning pinagdaraanan.

Umawit ng pagpupuri at manalangin, 
Ang mga aral ng Diyos ay ating dinggin; 
Pagtalagahan natin ang paghahandog, 
Hirap at pag-uusig sa Diyos idulog.

Huwag nating ipagpapalit ang pagsamba
Sa anomang bagay na pawang panlupa; 
Ipagpauna natin ang Dakilang Diyos, 
At paglingkuran ang Panginoon nang lubos.

Huwag lumiban sa ating mga pagdalo, 
Sa pagluwalhati sa Diyos na totoo; 
Magpakasigla sa ating pagkakatipon, 
Sapagkat nagmamadali na ang panahon. 

Anomang araw na may pagharap sa Ama, 
At kay Cristo na S'yang pangulo ng Iglesia; 
Ihanda ang puso, isip, at kaluluwa, 
Huwag pababayaan ang mga pagsamba.
Categories: loob, faith,
Form: Couplet

Bakit Na Naman

Bakit hindi ko maiwasang umagos aking mga luha
Sa tuwing ako’y iyong binabalewala,
Nalulungkot at nalulumbay buo kong pagkatao
Sa mapait at matabang na sa aki’y pagtrato.

Naluluha at nasasaktan ako sa iyong mga banat
Pagkat mas lalo mo lamang nilalayo ang loob sa lahat,
Ngunit kahit gaano pa ka tulis ang iyong mga salita
Matitiis hindi pagkat ikaw ay namumukod tangi.

Alam mo bang nilalanghap ko bawat samahan natin
Tuwing tayo’y masaya, nagtatawanan at nagkukulitan,
Kaysarap ngang balikan parang nakakawala ng hapdi
Napakagaan sa pakiramdam at lumbay ay napawi.

Alam mo namimis ko ang tunay na ikaw
Hindi ko na kase iyon sa’yo natatanaw,
Noong ngiti mo’y napalitan na nang ngiwi
At ngayo’y halos wala na talagang mahawi.

Kailan ba tayo magkakasundo?
Hanggang kailan magdurugo aking puso?
Na ikaw ay tiisin at laging intindihin.
Kailan mo kaya mauunawaan itong damdamin?

Sana lang alam mo ang laman nitong puso
Sana alam mo ang bawat sugat at kirot nito,
Nang ang paghilom naman ang mamumuo
At liwanang sa isip at puso’y makakamtan ko.
Categories: loob, love, missing you, sister,
Form: Dramatic Monologue

Break Na Tayo

“I love you, pwera biro
Hanggang sa langit ang pag-ibig ko
Peksman ikaw lang
Mamatay man, Hanggang sa mabuwang 
Tayo na forever, pinapangako ko
Till death do us part hanggang sa dulo,
Never na ‘tong magbabago
Para  sayo susungkitin ko ang mga ulap at buwan
Ganyan kita kamahal
Wag mu lang akong iiwan
Puso ko sayo ay iaalay, Magpasawalang hanggan”
Pero tao ka lang NATUTUKSO
Isipan moy naguguluhan, Nalilito
Biruin mo sa loob ng apat na buwan at isang taon
Hindi pala Happily EVER After, “Hanggang sa Dulo”
Mahal na mahal pa rin kita, G@GO !!!
Ang totoo nga nyan, BREAK NA TAYO!!!
Categories: loob, break up, heart, hope,
Form: I do not know?

Butiking Pasas

Sa kisame ng bahay, itong si Butiking Pasas
Ay minsang nakipaglaro sa kanyang mga KAIBIGAN
Kanyang inaliw, mga pakpak na kumikinang, pumapagaspas
Binola ang bawat lipad na kay panglaw
Habang sa isip, may nabubuo’t nakaambang kalokohan
Tila naiinggit sa kanilang kakayahan

Nang hindi na sila nakatingin, tumalikod lang saglit
Nagsimula ng ibuka kanyang mapinsalang bunganga’t bibig
Nilantad matatalas na dila, na may malaasidong laway
Na tutunaw unti-unit sa kanilang katauhan

At sa isang kisap mata, dila’y pumulupot, sumalaksak, 
Nilunok, nilamon sila ng buong-buo, walang kamalay-malay 
Sila’y kinitil, nalinlang ng mga matatalim na SALITA,
Kawawang mga KAIBIGAN…
Kanilang magagandang LAMANG LOOB…
Tuluyan ng nawasak, nalusaw
Categories: loob, fantasy, farewell, feelings, flying,
Form: Narrative

H a M O G

Gabi...

Dalaw ng pangungulila.
Pilit na ipininta sa kwadro ng gunita...

...makulay...

libo't saring paro-paro...
lipad...lipad...lipad! 
samyo ng bulaklak, awit sa pandinig nito.
hamog ng hanging amihan, butil nito'y sumibol
kumislap, umakit...

...naghihintay sa dampi ng halik! 


Umaga...

hamog na umusbong...
sa loob ng salaming di matinag

namukadkad... 

ahhhh...pilit kumakawala...
sa kulay ay nagliliyab
pag-isahin nawa... hamog niya ay bigyang laya! 

Inner Whispers
Categories: loob, body, longing, metaphor, senses,
Form: Free verse

Be Bop a Loob Bop Don'T Become a Junkie

BE BOP A LOOB BOP, DON'T BECOME A JUNKIE

no matter how fast i rock and roll
it don't matter none how soaked i am in soul
no matter how many things of value i stole
raising holy hell has long been my goal

outunning the rain has a wrethed reward
sleeping with three dogs at night i couldn't afford
i was left to fight with warmth next to a mangy mole
and as i said, raising holy hell has long been my goal

when i bid the dearies out the door i feel their sorrow
but what was worse is when the man says "ain't got no dope 'til tomorrow"
when he says that and you look for my heart look all around
nay, just aim your eyes at the filthy spit laden ground

i'm dancing as fast as the beat will propel my feet
but there are too many days a junkie fights defeat
no laughter be heard in rooms where junkies gather
and given the option between death and breath it's dying i'd rather

no mattar how i rock and roll, stay on the stroll or the things i stole
i can't even recall having a pious and un-selfish goal
this living on the street is as old as living on the dole
and with temerity time and tepid tears have all taken their toll
 (c) 2011 ....Phreepoetree  ~free cee!~
Categories: loob, angst,
Form: Quatrain
Get a Premium Membership
Get more exposure for your poetry and more features with a Premium Membership.
Book: Radiant Verses: A Journey Through Inspiring Poetry

Member Area

My Admin
Profile and Settings
Edit My Poems
Edit My Quotes
Edit My Short Stories
Edit My Articles
My Comments Inboxes
My Comments Outboxes
Soup Mail
Poetry Contests
Contest Results/Status
Followers
Poems of Poets I Follow
Friend Builder

Soup Social

Poetry Forum
New/Upcoming Features
The Wall
Soup Facebook Page
Who is Online
Link to Us

Member Poems

Poems - Top 100 New
Poems - Top 100 All-Time
Poems - Best
Poems - by Topic
Poems - New (All)
Poems - New (PM)
Poems - New by Poet
Poems - Read
Poems - Unread

Member Poets

Poets - Best New
Poets - New
Poets - Top 100 Most Poems
Poets - Top 100 Most Poems Recent
Poets - Top 100 Community
Poets - Top 100 Contest

Famous Poems

Famous Poems - African American
Famous Poems - Best
Famous Poems - Classical
Famous Poems - English
Famous Poems - Haiku
Famous Poems - Love
Famous Poems - Short
Famous Poems - Top 100

Famous Poets

Famous Poets - Living
Famous Poets - Most Popular
Famous Poets - Top 100
Famous Poets - Best
Famous Poets - Women
Famous Poets - African American
Famous Poets - Beat
Famous Poets - Cinquain
Famous Poets - Classical
Famous Poets - English
Famous Poets - Haiku
Famous Poets - Hindi
Famous Poets - Jewish
Famous Poets - Love
Famous Poets - Metaphysical
Famous Poets - Modern
Famous Poets - Punjabi
Famous Poets - Romantic
Famous Poets - Spanish
Famous Poets - Suicidal
Famous Poets - Urdu
Famous Poets - War

Poetry Resources

Anagrams
Bible
Book Store
Character Counter
Cliché Finder
Poetry Clichés
Common Words
Copyright Information
Grammar
Grammar Checker
Homonym
Homophones
How to Write a Poem
Lyrics
Love Poem Generator
New Poetic Forms
Plagiarism Checker
Poetics
Poetry Art
Publishing
Random Word Generator
Spell Checker
Store
What is Good Poetry?
Word Counter