Best Ito Poems
(My apologies! This poem is wrtten in Filipino....for my brother Edwin...i hope to translate it one day)
Noong tayoy mga bata pa...
Wala akong maalala....
Na sa akin ay nakipaglaro ka....
Pwera lang sa pagkakataong nag iisa....
Noon ay katabi kita....
Isang maliit na plastic aking nakita....
Na isinuot ko sa aking ulo hanggang mukha....
Naalala kong hindi ako makahinga....
Tulungan mo 'ko!!! Akoy nagmakaawa....
Dala na rin ng iyong pagkabata....
Ako ay iyong binalewala....
Salamat sa ating kasambahay....
Ako'y nabigyan pa ng ikalawang buhay....
Habang tayoy nagkakaedad....
Naalala kong tayo'y laging nagbababag....
Kahit mas malaki ka sa akin....
Pinapatulan kita tuwing ako ay iyong hahamunin....
Noong nag eeskwela na tayo....
Hindi ko maalalang kami'y iyong kasalo....
Sa ano mang tagumpay na iyong natamo....
Pero ni minsan hndi kami nagtampo....
Kahit na obvious naman na ikaw ang paborito
Pero aming kapatid....
Nais naming malaman mo....
Mula noon hanggang sa panahong ito.....
Akala mo lang wala pero meron meron meron....
Aming pagmamahal ay totoo....
Na Para lamang sa iyo....
Hindi man kami magsalita....
Ramdam namin kung ikaw ay masaya....
Ganun din kung ika'y may dinadala....
Sa lahat ng pagkakataon sana....
Iyong maisip na may apat na maria....
Sa iyo ay nagpapahalaga!
Ngayong singkwenta ka na....
Nawa'y nakikita mo na....
Na napakaganda ng iyong naging buhay....
Na ondoy at habagat ka man....
Nakatayo ka pa din at di bumibigay....
Panahon na para kami naman ang iyong pansinin
Ang iyong mga kapatid na pagkakaganda
O sige na nga kasama ang ating ina
Tutal nasa singapore ka!
Nampucha naman magpasalubong ka!
Sensya na hindi ko na alam
Paano tapusin ang alay na tula
Aking ilong ay nagdurugo na
Katinko ko ay simot na
Pakatandaan mo lang....
Mahal ka namin aming kuya!
Categories:
ito, birthday, brother,
Form:
Ballad
just. that
tired
---------------------------------------------------------
yes, bury me now
shut those eyes,
hit head on each side
to turn back time
and do the things
I should've done,
throw
cushion
to that
wind ~ o
and m und.
eye-ayay lids
feeling heavy
with soiled r(egret) now
Dam(n) of tears
why
don't
you
b
r
e
a k
(free----
surrealready?
141126jnp37
**************************************************************
sumagi na naman
sa aking kaisipan
ang pangungulila--
sa natamong nakaraan,
sa matatamong kinabukasan,
sa tinatahak na kasalukuyan
pilit na pinipiga ang puso't isipan
sa 'di mawaring kadahilanan--
malamang dahil may gusto ang puso
na ibigkas
'yun nga lang--
dahil ako ay Ako,
hindi ko mawari't maisulat
isang malalim na buntong hininga
isang malalim na paglunok
ng saloobin--
pilit na binabaon,
ginagapos
--ayaw makawala
pigil na pinapalaya
dahil ako ay duwag... .
ito ako ngayon sa kasalukuyan
bukas kaya?
Ganito pa rin ako?
1202a0911816
(just want to put this in-- unrelated to the above write, but still)
--outside the kitchen window, hanging on a wire---
a trill that pierces me,
for some reason
I thought all have gone
yet,
that dainty, yellow, bird,
sings again
1238a124112016
Categories:
ito, feelings,
Form:
Free verse
Mahalin natin ang sariling wika,
Huwag natin itong ipagpapalit;
Ito'y kayamaman ng ating bayan,
Biyaya ng Diyos mula sa langit.
Ang wikang Filipino ay dakila,
Ginamit ito ng mga bayani
Na lumaban sa mga mananakop
Upang makalaya sa pagka-api.
Kahit tayo'y nasa ibayong dagat,
Itaguyod ang wikang Filipino;
Dala nito ang pambansang kultura,
Na lumalaganap sa buong mundo.
Tumitibay ang pagkakapatiran
Ng lahing Filipino bilang bansa;
Pangungusap na galing sa isipan,
Mula sa puso ang pagsasalita.
Sikapin nating ganap na tumugon
Sa isip, sa salita, at sa gawa;
Mula ngayon hanggang sa katapusan,
Mahalin natin ang sariling wika.
Categories:
ito, language,
Form:
Quatrain
Matagal na panahong minimithi ni ina,
Tinataglay na kabutihan sa aking mata
Kailan sa akin ang iba'y makikisama
Kung wlang kabutihan akong pinapakita
Kahit ang sarili ko'y 'di ko rin nakikilala
Sino npa ba ang iba, at ano rin ba sila?
Dito sa puso ko sila'y ibang-iba
Hindi ko akalain kaibigan ko pala!
Hindi ko nakitang sila'y aking karamay
Sa lahat ng oras sila'y aking kaagapay
At sa bawat araw na sila'y masisilayan
Kapanatagan nga ba aking madarama?
Sino nga ba ako at bakit naging ganito?
Lahat kinalimutan pati Panginoon ko!
Wala kahit tawag na sa kanya'y ipinukol
at sa aking sarili lahat iniuukol!
Dumating ng araw ng 'di ko inaasahan
Na aking malalaman taglay na kabutihan
Sa lugar na iyon iba't ibang natutunan
Nalaman ko rin marami akong kaibigan!
Ako bilang tao'y may kakayahan din pala
Gawin ang nararapat kahit nagkamali na
O, kay buti talaga na sa ati'y naglalang
At sa mundong nilikha tayo'y kanyang nilalang
At sa bawat araw na patuloy lumilipas
Maraming kaalaman sa aki'y nakatatak
At 'di na maiwawaksi ng kahit sino pa man!
At lahat ng ito ay sadya ng nakalaan!
Categories:
ito, youth,
Form:
ABC
Matatapos na ang tag-init
Bubuhos na muli ang malalakas na ulan
Ang mga uhaw na lupa’y madidiligan nang muli
Ang mga bitak na naukit sa init ay pagtatagpuin nanamang muli
Ang mga nanunuyot na ilog ay aapaw nanamang muli
Tag-ulan na bubuhos nanaman ang malalaks na ulan
Madidiligan na rin itong nanunuyot ko’ng balat
Na pinangarap madiligan ng iyong mga pawis habang magkayakap
Mahugasan sana to’ng mga sugat na nagiinit na sa sakit
To’ng mga bitak sa puso na inukit ng sakit
Ay tila di na maghihilum at di na muling mapagtatagpo
Kaya tanging pakiusap gawan mo ito ng ilog
Pagmukain mo’ng magandang alaala
Kahit na ang umaagos dito ay mga bumabahang sakit
Tag ulan na naman bubuhos na naman ang malalakas na ulan
Sa gitna nito’y magagawa ko’ng tumayo sayo’ng harapan
Magagawa ko’ng ngumiti kahit na nasasaktan
Ang mga luha’y aagos nang di mo namamalayan
Ang pagpatak ng mga luha’y sasabay sa pagpatak ng ulan
Ito’ng sakit na nararamda’y magagawang pagtakpan
Ito’ng sakit na di na kayang hugasan kahit pa ang nagngangalit na bagyo
Itong sakit ay di kayang lunurin kahit pa sa pinakamalalim na baha ng karagatan
Matapos man itong tag-ulan at kahit na ilang malalakas na bagyo ang dumaan
Itong pag mamahal sa’yo ay mananatiling buhay at mananatiling sa’yo.
Categories:
ito, love hurts,
Form:
ABC
Walang laya niya'ng ginugol ang kahapong pait ang hatol
Tanikala'ng nag-uugnay sa kabiyak ng kaluluwa ay naputol,
Huminto sa pagtakbo, ngatal na napaluhod, humagulgol
Ano ba'ng dusa ito, tanikala'ng ginamit, bakit kinalawang at napurol?
Kinaladkad ang tanikala, pilit kumawala
Subalit hindi mawari, bakit nakakabit, ang hirap lumaya,
Hinubad na ang lahat, iniwan pati ang pag-asa'ng ligaya
Ngunit sa tanikala'ng nakakabit ay sadya'ng mahirap ang paglaya.
Pilit iniiwas ang sarili, hinayaang tanikala'y kumapit
Hinayaang maramdaman ang hapdi ng hapit, sa kanya'y may hatid na pait,
Nangako'ng hindi na tututol sa hila ng tanikala'ng nabanggit
At hayaan na lamang dumating ang magsasalba sa kanyang pagkakapiit.
Di niya akalain, sa di sinasadyang pagkakataon
Isang ligaw na mananaliksik sa kanyang teritoryo biglang nataon,
Hinawi ang kanyang tanikala, kinalag ang nakakapit na pag-asa
Upang muli ay magkaroon siya ng ligaya na dapat na matamasa.
Ang tanikala ay natunaw, sa tindi ng parating na apoy
Nagliliyab, batid ng puso ang dikta'ng tinutukoy,
Hinangad muli'ng makamtan ang tunay na tanikala
Na magsisilbing hatak sa kanya sa pag-ibig na hatid ay ligaya.
Halika na, mahal ko, sana'y maramdaman mo
Samyo at init ng tanikala'ng matatamo
Tigib sa pag-ibig, hindi na dapat pa'ng sumamo
Ang pulido'ng tanikala ay tiyak matatamasa mo!
Halika na, Mahal ko...
Lalagi ka'ng tanikala sa puso't isip ko...
Categories:
ito, absence, body, desire, happiness,
Form:
Lyric
Kapaligiran, Kay gandang pagmasdan
Lalo na kung ito'y maayos at malinis
Subalit kulang yata sa aral o disiplina ang mga Pilipino
Maraming basura ay nagkalat, mga plastik at bote
Na sa kanal ay napupunta at bumabara
Darating na naman ang tag-ulan
Bubuhos ang napakalakas na ulan
At parang uhaw na uhaw ang lupa
Na walang sawang sinasahod ang ulan
Ngunit siya man ay nalunod din dahil sa baha
Bahang dulot ng mga baradong kanal
Kelan kaya mamahalin ng tapat ng mga Pilipino
Ang kanyang kapaligiran, kailan kaya ito ?
Kahit pasukin pa ng baha ang kanyang bahay
Ay parang walang epekto sa kanila
Sige na naman mga kababayan ko
Huwag na tayong magtapon ng basura sa kapaligiran
Mga bata ay araw araw na nating turuan na magmalasakit
Sa kapaligirang kanilang mamanahin
Sige na mga kababayan, alagaan ang ating kapaligiran
Categories:
ito, adventure, africa, america, angel,
Form:
Free verse
Kailangan kong lumisan sandali sa init mo
Paalam ng panandalian sa ngayon
Alam nating darating ito
Salamat sa kahapong pinagsaluhan
Iiwan kita na may pag irog sa kaluluwa
Magbabadya ang kinabukasan na di natin alam kung ano meron
Susulong sa pagbabago ng mundo ang ating mga nararamdaman
Iibig muli at siyang aakap sa iba
Iuukit ko sa akin laman ang alala ng iyong alindog
At ilalagay ng habang buhay ang imahen ng iyong ngiti sa aking isip
Aalis panandalian
Lilisanin muna ang noon
Magbabalik ako at sasamahan ka
Punasan ang luha mo’t subukang ngumiti
Ikaw ang tala. Ang tala ko.
Categories:
ito, lost love,
Form:
Free verse
Siguro ikaw ay pangarap na lamang
Nitong dukhang sa’yo’y lubhang nahihibang.
Pangarap na kawangis ng bahaghari
Makulay subalit ‘di ko pag- aari.
Siguro ito ang mainam isipin!
Ne sa bangungot, ang ikaw ay ariin,
Ay himala na sigurong matuturing;
Maging ang ako’y taos- pusong mahalin!
Kasi higit sa’yong sabing, “’Di ma’ari!”.
Ang Diyos na lubhang maluwalhati,
Sa guni- guni ko ay Siyang nagsabi,
“Tao, ‘di Ko matutulot iyong mithi!” .
Kung kaya, sa gitna niring talinghaga,
Sabihin na bahag yaring abang buntot;
Ituring ‘di pantas sa gan’tong batalya
At, sa huli, alipin sa hiwaga ng Diyos!
Categories:
ito, change, devotion, god,
Form:
Puso ko'y doble - kara nang mahalin kita
natutong umasam, magtiwala sa tamis ng iyong pagsinta,
subalit nabahiran ng pangamba at kawalang pag-asa
nang ako'y umibig, puso ko'y nahati sa dalawa!
Puso ko'y doble - kara kapag nakikita kita, sinta
lumulukso ang puso, ngumingiti't masaya,
ngunit kapagdaka'y nababalot ng lungkot, lumuluha
hindi ka maabot at mayakap, bakas ang pait sa mukha.
Puso ko'y doble - kara, kulay ay nagdadalawa
nag-uumapaw ng walang kapantay na matingkad na pulang-pula,
napakadilim naman kapag nasasaktan na't pait ay nalalasahan
tila hinuhugot sa kailaliman, binabalot ng itim ang pusong sugatan!
Puso ko'y doble - kara sa pagtibok, walang tigil, tumitipa
bumubilis ang pintig, tila hinahabol ang paghinga,
nanghihina naman at tumitigil sa hampas ng iringan
tila puso'y hapo, ayaw nang umandar, hangad lagi ay paglisan.
Puso ko'y doble kara, nagmamalupit kapagdaka
pilit nakikibaka, nakikituligsa sa di masang-ayunang paksa,
nakikiayon naman ito kapag nahimasmasan na
at nahinuhang may punto naman at maaari pa'ng isalba.
Puso ko'y doble - kara, sa pagmamahal matiyaga
pilit umuunawa sa kamalian at pagpapakita ng pagkalinga,
ngunit napapagod din sa di maiwasang pangungulila
nakakapanghina at ibig na huminto't ipagwalang bahala!
Puso ko'y doble kara, tigib sa pagsuyo't pagsinta
isinisigaw ang walang kupas at wagas na sumpa,
nababalot naman ito na paghahangad at pagnanasa
sa pita ng laman, sumasang -ayon at nakikiisa!
Ahhh...Isaisahin ko man ang dahilan ng pagiging doble-kara
wala nang hahalaga pa sa pintig ng puso'ng umaasa,
na tuluyang makamtan kahit mahirap ang magmahal
hindi laging masaya, ang magmahal ay mahirap pala!
Puso ko'y... DOBLE - KARA nga ba?
Inner Whispers
Categories:
ito, confusion, heart, how i
Form:
Lyric
Umaga, nakikita kang naglalakad,
Ang kanan mong kamay ay may tangan pang bag.
Ang kaliwang kamay mo'y libro ang hawak
Ngunit sa daan kilalaka ng lahat.
Ika'y guro; Sagisag ng kasipagan!
Ang tangan mo lagi, kung 'di nila alam,
Ay ang susi mong kung tawagi'y lesson plan.
Sa aga ng pasok mo, Ika'y huwaran!
Tanghali, akala nila ika'y hibang;
Hapo at gutom na ngunit nangangaral.
Ang totoo, nagreremedial class ka Ma'am!
Sino ka ba? Ika'y dakila't marangal!
Hapon, ika'y 'di man pansin ng lipunan,
Subalit kapiling mo'y mga upuan;
Habang ang pluma mo'y pinagsasalitang
"Bukas, bata ito ang matututunan!".
Categories:
ito, education, teacher,
Form:
Ballad
Mamakailang- ulit nang nangyari 'to?
'di maka- idlip man lang mga mata
Ilang ulit na bang nalihis sa mundo?
Hating-gabi, ikaw'y saksi!Sumagot ka!
Siguro mga sampong beses na yata?
Makisimpatya ka't ngumiti man lang!
Hindi ba? Kung 'di, tayo't ikaw'y magwika!
Hating- gabi, ngayo'y mangusap ka naman!
Ako'y iniwan ng taguri'y pamilya.
Imbi't ipit sa pugad ng umuusig,
Dito sa bangin ng siguro'y sakuna,
Tanong ko'y, 'Muli pang iniwan, o, bakit?'.
Kung babalik- tanawin ko ang nagdaan
Ay hindi ba't mandalas pa sa parati?
Sa gali't alimuom man dinamayan
Kayo! Ngayo'y 'niwang sa takot lugami?
Ganito ba ang aking dapat sapitin
Sa libong kabaitang aking napunla?
Ito ba'ng igaganti ninyo sa akin
Sa tulong kong sa inyo'y sukat nagawa?
O, hating- gabi, hiling ko'y sumagot ka!
Magkusa kang tugunan 'king mga tanong
O kaya'y hugutin yaring mga paa
Sa lusak- takot na niri'y nagbabaon!
Ikaw nalang ngayon ang ako'y mayroon;
Liban sa nasa kamatayan nang buhay.
Wala na mga naturingang katotong
Tunay. Sila'ng mitya na ako'y mama'mtay!
Categories:
ito, addiction, allusion, anxiety, bullying,
Form:
Ode
LDR siya kung tawagin
Kalokohan lang para sa akin
Sapagkat ang ganitong klase ng relasyon
Sakit at pighati lang ang pabaon
Minsan ko na naranasan ang magsugal
Sa sitwasyon na alam kong hindi magtatagal
Nasayang lang ang ginugol na oras
At ang pagmamahal na parang wala ng bukas
Kelanman hindi sapat ang internet at telepono
Dahil sa ang mundo ngayon ay puno ng tukso
Ang daming pangako na sadyang napapako
Mula sa isang taong malayo
Ayoko na ilagay ang sarili ko
Sa isang tao na hindi ako sigurado
Ang dagat ay isang napakalaking pagitan
At napakahirap kung langit lang ang kapwa namin titignan
OO takot na akong masaktan muli
Ako lang din ang iiyak sa bandang huli
Takot na rin akong umasa
Baka pagising ko mawalan na ako ng pag-asa
LDR ay isang napakalaking hamon
Hangga’t maaga pa sa limot na ito ibaon
Hihintayin na lang ang tamang pagkakataon
Na magmahal sa iisang lugar sa itinakdang panahon
Categories:
ito, absence, crazy, cry, depression,
Form:
Narito na naman ako sa isang tabi
Nalilito bawat araw at gabi,
Naguguluhan sa kung anong mararamdaman
Sa bagong pag-ibig na aking natagpuan.
Sinisigaw ng isip na ‘wag nang sumugal
Sapagkat ito ay hindi rin magtatagal,
Pigilan ang damdamin kung kinakailangan
Upang sa huli’y hindi ka masasaktan.
Araw-awar na lang ikaw ang laman nitong puso
Dati rati naman mundo nati’y di magkasuyo,
Paulit-ulit na lang bawat tao ikaw’y nakikita
Dati rati naman hindi tayo magkakakilala.
Ngunit hiyaw ng puso mo ay mahalin siya
‘pagkat mundo mo’y mabubuo tuwing siya’y kasama,
Liliwanag at kikislap ang madilim mong daan
Kung pag-ibig niya ang pipiliin mong madama.
Kaya hiling ko na lang sana ay makalimutan ka
Nang pusong hangal ay hindi na magdurusa,
Sapagkat pag-ibig sayo’y wala nang pag-asa
Nang malaman na may mahal ka na pa lang iba.
Categories:
ito, best friend, for him,
Form:
Free verse
Ilog na hindi natutuyo ang agos,
Pinagtularan sa biyaya ng Diyos;
Malinaw na tubig na dumadausdos,
Bumubukal at hindi nga nauubos.
Huwag wawasakin ang likas na yaman,
Kapalit ng walang habas na minahan;
Kapag nagalit ang nasa kalangitan,
Magdudulot ito ng kapahamakan.
Pagputol ng puno sa bundok at gubat,
Ang mga pagbaha ay ito ang ugat;
Pagguho ng lupa'y huwag ikagulat,
Dahil ang daigdig ay batbat ng lamat.
Dapat nating mahalin ang mga sapa,
Upang makinabang ang matanda't bata;
Magkaisa tayo't huwag magpabaya,
Maging Pilipino ka man o banyaga.
Tagtuyot man ay dumating at kumilos,
Ay hindi ka maliligalig na lubos,
Magandang dako na dapat mong matalos,
Ilog na hindi natutuyo ang agos.
Categories:
ito, nature,
Form:
Verse