Get Your Premium Membership

Short Nang Poems

Short Nang Poems. Below are examples of the most popular short poems about Nang by PoetrySoup poets. Search short poems about Nang by length and keyword.


Makulay Na Umaga
MAKULAY NA UMAGA

makulay ang umaga
bagama't nanghihina
nang kagyat na masilayan
ngiti sa mukha ng minamahal

nawala ang lungkot
naparam ang simangot
sa matamis na ngiti
ng gandang bukod-tangi

pag-ibig ang kulay ng buhay
ang lakas ng katawan
ang talas ng isip
ang ligayang walang
kahulilip. . ....

Read More
© Jose Avila  Create an image from this poem.
Categories: nang, art, change, dream, heartbroken, hope, joy, miss
Form: Tail-rhyme



Plahiyo
Ang pagkopya ng gawa
Nang walang pahintulot
Mula sa may ideya
Ay masama ang dulot.

Ang di pagkilala sa
Awtor ng orihinal
Na salitang ginaya
Ay ipinagbabawal.

Ito ay nangyayari
Sa akda o kotasyon
Na iba ang may-ari
Dahil inangkin iyon.

Ito'y labag sa batas
At mga patakaran; 
Di tama ang di patas
Sa anumang larangan.

Form: Tanaga...

Read More
Categories: nang, poems,
Form: Quatrain
Malayang Bayan
Ang malayang bayan sa dulong Silangan
Ay tunay na napakapalad; 
Inalis sa mga kuko ng mananakop, 
Ang kagandahan ay walang katulad.

Ikalabindalawa ng Hunyo
Nang iproklama sa buong bansa; 
Napawi ang usok ng labanan, 
Tayo ngayon ay naging malaya.

Sa loob ng tatlong daang taon
Ay inalipin ng mga Kastilang dayuhan; 
Sa pangunguna ni Emilio Aguinaldo, 
Ang Pilipinas ay naging malayang bayan....

Read More
Categories: nang, independence day,
Form: Verse
Managinip
Kung sakaling nalulumbay
Subukan mo na mahimlay,
Mahimbing at  managinip
Nang  mamatay abang isip.

Kung minsan namang masaya
At nais ‘wag nang matawa.
Ipikit ‘yong mga mata
Sa panaginip maluha.

At kung may pag-aalala,
Subukan mo ring mahiga
At maidlip sa ‘yong kama
Nang pangamba’y ‘ibsang kusa.

Iwan ‘tong mundong uma’pi,
Lim’tin tanang pagsisisi,
Poot ay sabay’ng iwaksi,
Ang managinip ay libre....

Read More
Categories: nang, imagination,
Form: Rhyme
Ang Pagmamahal Sa Pamilya
Ang pagmamahal sa pamilya
Ay tungkulin ng lahat; 
Magulang man o mga anak
Ay sa pag-ibig iminulat.

Ang pagmamahal sa pamilya
Ay may kalakip na biyaya; 
Pagpapalain ng Diyos, 
Ang buhay ay payapa.

Ang pagmamahal sa pamilya
Ay napakabuting ugali; 
Maisasalin sa mga supling, 
Hanggang sa susunod na lahi.

Ang Diyos ang unang umibig, 
Nang likhain sina Adan at Eva; 
Ipinagkaloob ng Lumalang
Ang pagmamahal sa pamilya....

Read More
Categories: nang, family,
Form: Verse



Digmaan
sumulong sa digmaan
na di ninais kailanman
napilitang lumaban ng husto
sa labanang walang panalo
napuno ng hinagpis
ang digmaang ng hapis
buhay' nabalot ng pait
iginapos ng tanilaka ng pasakit
lakas ay nauubos
di na makahulagpos
sa digmang kinasadlakan
na umagaw sa kapayapaan
pagod ay namamayani
sa katawang nasawi
papalapit na sa pagkawala
ang kapirasong hininga
malapit nang maglaho
ang pintig ng puso
ang konting tirang lakas
papalapit na sa pagwawakas...

Read More
© Jose Avila  Create an image from this poem.
Categories: nang, anxiety, art, body, creation, cry, depression, farewell,
Form: Light Verse
Tayotay
Nais ko nang mamatay
Matagal kong hinintay;
Tumabi sa'yo itay.
Putulin na ang buhay
Sa mundong walang saysay
Wala mang kaagapay,
Pantunaw lang ng atay.
Suko na Sa'yong kamay;
Ang walang kwentang bagay....
Puro sakin inilagay.
 Bandera'y winagayway
Sa darating kong lamay
Iyak niyong malumanay,
Sa tahanang napilay.
 Ngiti na walang kulay
Gabi na walang gabay
Concencia na nahalay...
Walang kamalay-malay...
Hindi na makasabay...
Wala nang pantay-pantay...
 Nais ko nang mamatay...

Read More
Categories: nang, abuse, addiction, anxiety, bereavement, dad, solitude, world,
Form: Free verse

Book: Shattered Sighs