Kapaligiran, Kay gandang pagmasdan
Lalo na kung ito'y maayos at malinis
Subalit kulang yata sa aral o disiplina ang mga Pilipino
Maraming basura ay nagkalat, mga plastik at bote
Na sa kanal ay napupunta at bumabara
Darating na naman ang tag-ulan
Bubuhos ang napakalakas na ulan
At parang uhaw na uhaw ang lupa
Na walang sawang sinasahod ang ulan
Ngunit siya man ay nalunod din dahil sa baha
Bahang dulot ng mga baradong kanal
Kelan kaya mamahalin ng tapat ng mga Pilipino
Ang kanyang kapaligiran, kailan kaya ito ?
Kahit pasukin pa ng baha ang kanyang bahay
Ay parang walang epekto sa kanila
Sige na naman mga kababayan ko
Huwag na tayong magtapon ng basura sa kapaligiran
Mga bata ay araw araw na nating turuan na magmalasakit
Sa kapaligirang kanilang mamanahin
Sige na mga kababayan, alagaan ang ating kapaligiran
Categories:
aral, adventure, africa, america, angel,
Form: Free verse
Ang papel ng anak sa pamilya
Ay ang paggalang sa ama't ina;
Ang pagsunod sa kanilang payo
Ay totoong mabuting prinsipyo.
Ang kailangan n'yang magampanan
Ay ang pagtuklas ng karunungan;
Dapat na mag-aral na mabuti
Upang mapaunlad ang sarili.
Sa masama ay huwag tutulad
Dahil sa panganib mapapadpad;
Umiwas sa ugaling baluktot
At magtaglay ng banal na takot
Huwag mag-aakyat ng suliranin
Dahil sa pagbugso ng damdamin;
Karangala'y dalhin sa magulang,
Papuri sa Diyos na lumalang.
Utang na loob ay tinatanaw
Sa nag-aruga gabi at araw;
Di ipinagwawalang bahala
Ang papel ng anak sa pamilya.
Categories:
aral, poems,
Form: Couplet
Huwag pababayaan ang mga pagsamba,
Magkaroon man ng hadlang o ng problema;
Sa loob ng templo'y tiyak malulunasan
Ang mga suliraning pinagdaraanan.
Umawit ng pagpupuri at manalangin,
Ang mga aral ng Diyos ay ating dinggin;
Pagtalagahan natin ang paghahandog,
Hirap at pag-uusig sa Diyos idulog.
Huwag nating ipagpapalit ang pagsamba
Sa anomang bagay na pawang panlupa;
Ipagpauna natin ang Dakilang Diyos,
At paglingkuran ang Panginoon nang lubos.
Huwag lumiban sa ating mga pagdalo,
Sa pagluwalhati sa Diyos na totoo;
Magpakasigla sa ating pagkakatipon,
Sapagkat nagmamadali na ang panahon.
Anomang araw na may pagharap sa Ama,
At kay Cristo na S'yang pangulo ng Iglesia;
Ihanda ang puso, isip, at kaluluwa,
Huwag pababayaan ang mga pagsamba.
Categories:
aral, faith,
Form: Couplet
Huwag manlalamig ang pag-ibig sa Diyos,
Kahit ano pa ang maganap sa daigdig;
Palaging sundin ang Kaniyang mga utos,
Sa kapighatian ay huwag padadaig.
Kahit ano pa ang maganap sa daigdig,
Maging maalab sa tawag ng ating Ama;
Sa kapighatian ay huwag padadaig,
Huwag maglaho ang ningas ng ating sigla.
Maging maalab sa tawag ng ating Ama,
Mahalin natin ang Diyos nang buong lugod;
Huwag maglaho ang ningas ng ating sigla,
Huwag tayong magsawa, huwag manghimagod.
Mahalin natin ang Diyos nang buong lugod,
Tayo'y tumalima na kalakip ang puso;
Huwag tayong magsawa, huwag manghimagod,
Ikintal ang mga aral na itinuro.
Tayo'y tumalima na kalakip ang puso,
Palaging sundin ang Kaniyang mga utos,
Ikintal ang mga aral na itinuro,
Huwag manlalamig ang pag-ibig sa Diyos.
Categories:
aral, faith,
Form: Pantoum
A-gawin sa apoy ngayon
P-ara maligtas ang tao;
R-endahan ng katotohanan,
I-layo sa diwang
L-ilo.
M-aulan at malamig
A-ng Hulyo dalawampu't walo;
R-umagasa man ang tubig
A-y hindi ka maaano.
S-agipin sa pagkapahamak,
I-sipan nila'y nalason;
G-intong aral ang gamitin,
A-gawin sa apoy
N-gayon.
Categories:
aral, birthday,
Form: Acrostic
Katulad ng lawin-lawinan ang buhay,
Minsa'y sa itaas, minsa'y sa ibaba,
Nagiging masaya kapag nagtagumpay,
Nalulungkot sa panahon ng sakuna,
Mahalagang ang Diyos ang gumagabay,
Anumang sitwasyon ay di alintana,
Dahil laging tinuturuan ng aral
Mula sa Panginoon at Amang Banal.
Ang buhay, lawin-lawinan ang katulad,
Sa pagtaas ay humawak nang mahigpit,
Sa tuntunin ng Diyos dapat lumakad,
Manalangin sa Ama kung nagigipit,
Ang nagpapakababa'y siyang mapalad,
Sa Dakilang Lumikha siya'y malapit,
Ang pagkabigo ay isa sa pagsubok,
Sa pag-asa ay huwag maging marupok.
Huwag magtataka kung hindi pareho
Ang bawat isang nilalang sa daigdig,
Ang Diyos ang nagmamaneho sa tao
Na kung nais ng Diyos ay kinakabig,
Nababago rin ang pag-ikot ng mundo,
Ngunit ang wakas ay hindi na lalawig,
Sa Diyos kumapit kung nahihirapan,
Ang buhay ay tulad ng lawin-lawinan.
Categories:
aral, life,
Form: Ottava rima
Ang sapatos ay gamit sa paa,
At proteksyon katulad ng bota;
Isuot mo ito sa paglakad,
Upang ikaw ay maging mapalad.
Ang mga turo ng Panginoon,
Mabisa sa lahat ng panahon;
Huwag mo nga itong huhubarin,
Sa masama'y huwag paalipin.
Ang kasuotang galing sa itaas
Ay pandigma laban kay Satanas;
Ang salita ng katotohanan
Ay may lakip na kapayapaan.
Banal ang ebanghelyo ng Diyos,
Ang aral ay tulad ng sapatos.
Categories:
aral, life,
Form: Sonnet
A-ng aguhon ng daang tama
N-a mahalaga upang di maligaw;
G-awin ang pagtahak doon, lahat sila, ako man, at ikaw.
A-ng aguhon ng daang tama,
G-amit na totoong kailangan;
U-tos ng Diyos ang katulad,
H-alina't sundin tungo sa kaligtasan.
O-ras na upang alamin, dakong itinuturo ng aguhon;
N-aroon ang gantimpala, pagdating ng akmang panahon.
N-ais ihayag ng aguhon, ang tunay at matuwid na landas;
G-anap na pagtalima sa Diyos, hanggang sa araw ng wakas.
D-ireksyong senyas ng aguhon
A-y hindi maitatanggi;
A-raw man maglakbay,
N-ariyan ang gabay kahit sa
G-abi.
T-aluntunin at ingatan
A-ng mga aral sa Biblia;
M-ahalin at panghawakan
A-ng aguhon ng daang tama.
Categories:
aral, life,
Form: Acrostic
Sa diwa ko at damdamin
Hikbi’t malayo ang tingin
Mga pagsinghap sa hangin
Ito’y iyo sanang dinggin
Kung may problema’t madapa
Matuto sanang gumawa
Buhay na makahulugan
Bangon aking kaibigan
Pumarito at tayo na
Makuntento at magsaya
Sa ‘ting kinabukasan na
Punong-puno ng pag-asa
Sa mga aral ng buhay
Ito ay pagpapatunay
Na ako ay kaagapay
Tulong sa’yong paglalakbay
Categories:
aral, encouraging, friendship, poems, uplifting,
Form: Classicism