Tonight the sky that once
became a blackboard of my
dream gradually loves the dark.
The vast black heaven in the
night of sorrow is the haven of
the twinkling stars.
But their brightness is
diminishing.
They somehow make my heart
happy
For I am made to think that they
give succor to me
They grieve over my reproach.
On this similar hour of the past I
held her hand
As my lips gently touched her
forehead.
On this same time too
I warmly hugged her
And she responded with a sweet
smile at me.
Sweet moments of how I really
loved her are boxed in my
memory.
Someone already owns her,
Like her heart that has
previously forgotten, I will also
disremember our love.
Tonight I see the starry sky,
The sound of waves that crash
onto the shore is forlorn
And the wind of the night has
indisposition.
Enough to feel the final pain she
had given me
And the last love song I offered
to her.
Translated by Bernard F.
Asuncion from Jez Rico Cuenta's
HULING KUNDIMAN
Kathang-isip na mapagkunwari
Ginto'y sa dulo raw ng bahag-hari
Sa huling hininga bumabawi
Nasanay lang sa suwail na gawi.
Araw-araw sumasapit ang gabi
Mga tala'y lumayo sa tabi
Ang hangin lang ang madalas bumati
Tadhana'y sadyang mapaghiganti
Kung maari'y sayo ay lumagi
Giliw huwag na sanang tumanggi
Nawa ating kaluluwa'y mag-sapi
Sa daigdig nating mapang-api
Nagsidigmaan na ang mga lahi
Sa puso kong tinastas ang tahi
Sa'yo o sa leeg ba itatali?
Sakaling maitama ang mali.
- PM, 2018 (Filipino poem written in Tagalog)
Ipinagbabawal ng Panginoong Diyos
Ang pagkain ng dugo ng hayop o ibon;
Mula pa sa panahon ni Noe ay utos
Na ang dugo ay dapat sa lupa ibaon.
Sa bayang Israel ay ipinagbawal din,
Ang paglabag ay mabigat na kasalanan;
Itinitiwalag ang sinumang kumain
Ng dugo kahit hinaluan pa ng laman.
Hanggang sa panahon ng mga huling araw,
Ang kabawalang ito ay nagpapatuloy;
Dugo ng manok, kambing, baka o kalabaw,
Huwag kanin matapos iluto sa apoy.
Ang pantubos noong una'y dugo ng hayop,
Kaya ito'y banal, mabuti, at magaling;
Sumunod tayo sa Diyos at magpasakop,
Dugo ng hayop ay anino ng darating.
Tinataningan nang kumunoy ng oras
Sinusubok kung hanggang saan ang antas,
Minsa'y nahahapo ang katawang lupa
Subalit puso'y pigil…ayaw madapa.
Denidelubyo sa paghihintay sa'yo,
Nasasaksak minsan sa may gawing puso
Amin kong dinar'ma sampo nito mahal,
'Di na bali pagkat pag-ibig ay bukal.
Ito'y walang saklaw ng pagmamalaki;
‘Wag ituring na pansar'ling pagtatangi
Winiwika lang itong naging hantungan
Sa pag-irog ko na pakikipaglaban.
Mahal lahat na yata'y halos dinaig,
Muntik nang binigay sa'yo ang daigdig,
Sana'y sawing bugna'y ‘di sa'kin mauwi
At ang pag-iro'y tuluyang manatili.
Giliw taos-puso't sadya kitang nais,
Kailangan ka't ‘di 'to pagmamalabis.
Karangalan ko'ng kita'y hihintayin
Hanggang sa huling buhay nitong damdamin.