Hihintayin

Tinataningan nang kumunoy ng oras
Sinusubok kung hanggang saan ang antas, 
Minsa'y nahahapo ang katawang lupa
Subalit puso'y pigil…ayaw madapa.


Denidelubyo sa paghihintay sa'yo, 
Nasasaksak minsan sa may gawing puso
Amin kong dinar'ma sampo nito mahal, 
'Di na bali pagkat pag-ibig ay bukal.

Ito'y walang saklaw ng pagmamalaki; 
‘Wag ituring na pansar'ling pagtatangi
Winiwika lang itong naging hantungan
Sa pag-irog ko na pakikipaglaban.


Mahal lahat na yata'y halos dinaig, 
Muntik nang binigay sa'yo ang daigdig, 
Sana'y sawing bugna'y ‘di sa'kin mauwi
At ang pag-iro'y tuluyang manatili.

Giliw taos-puso't sadya kitang nais, 
Kailangan ka't ‘di 'to pagmamalabis.
Karangalan ko'ng kita'y hihintayin
Hanggang sa huling buhay nitong damdamin.

Copyright © | Year Posted 2014



Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.

Please Login to post a comment

Be the first to comment on this poem. Encourage this poet.

Get a Premium Membership
Get more exposure for your poetry and more features with a Premium Membership.
Book: Radiant Verses: A Journey Through Inspiring Poetry

Hide Ad