Tanging Poems | Examples


Yaman

Yaman, tanging sa Lumikha lahat nanggaling
Dapat na ipamahagi ng pantay sa mga tao
Kayamanan ng bansa ay ari ng mamamayan
Salapi para ipambili ng kailangan ng mga tao

Pero bakit marami ang nagugutom sa mundo ?
Marami din ang nagtatapon ng mga pagkain
Itinapon ng mayaman na pinulot ng mahirap
Ito ba ang gustong mangyari ng Lumikha ?

May gobyerno para pamahalaan ang yaman
Subalit inaangkin dahil sa kasakiman ng ganid
Iilan lang ang mga bilyonaryo at milyonaryo
Multi milyon naman ang mga salat sa pagkain

Ano ba ang dapat ? Ipamahagi ang mga yaman
Trabaho at kabuhayan ay ibigay para sa lahat
Kulang ba sa kaisipan ang mga namamahala ?
O sadyang ganid at sakim lang sa kayamanan
Categories: tanging, 10th grade, adventure, baby,
Form: Free verse

O Mayumi'T Dalisay Na Dayang

O mayumi at dalisay na dayang,
Nararapat Ka Lang na igalang.
Ikaw ang puno't dulo ng aking hiraya.
Ang hirayang nagiging rason ng aking Ligaya.
O magandang dilag na napaka marilag,
Ika'y tanging diwatang ipinangako ng bathala.
Higit na kagigiliwan ang iyong tinatanging kinaadman,
Lalo na ang angkin mong katapangan.

Batid kong iparating Sa iyo na ikaw lamang ang aking mamahalin,
Buong puso kitang tatanggapin.
Mamahalin kita magpahanggang sa awanggan.
Iyan ang lagi mo dapat tandaan.

Ika'y mas lalo kong minahal dahil ika'y napakatatag,
Daig mo pa ang isang matinding kalasag.
Nails kitang mahalin ng totoo,
Marahil na nararapat lamang Ito.

O binibining iniirog kong palagi,
Isa kang mayuming Bulaklak na aking tinatangi.
Aking dayang na dalisay at mayumi,
Narito ka lamang sa puso ko mamamalagi.

Kaya't bago ko tapusin ang tula ko ngayon,
Nais kong gamitin itong aking pagkakataon,
Na sabihin sa iyong minahal kita mula noon hanggang ngayon,
At nais kong malaman mo na ikaw ang aking padayon na ninanais kong makamit, puhon.
Categories: tanging, love, old,
Form: Rhyme


Buhayin

BUHAYIN

Ang ngiti mo'y bumabagay
Sa hatid ng iyong mga labi
Ika'y nagsisilbing tala sa hating gabi.

Mga munting mata na marikit
Sa akin ay pinapawi ang lahat ng sakit
Tanging nais lang ay sayo'y lumagi

Chorus:
Abangan na lang natin
Bumalik ang bukas
At iwanan ang darating
Kung lahat man ay kumupas
Sa iyo ay mananatiling buhay

Ang diwa mo'y aking gabay
Huwag sanang malayo sa'king tabi
Pighati kong walang ibang pumapawi

Ang kaluluwa'y nananabik
Madampian lang ng iyong halik
Tanging nais lang ay sayo'y lumagi

Chorus:
Abangan na lang natin
Bumalik ang bukas
At iwanan ang darating
Kung lahat man ay kumupas
Sa iyo ay mananatiling buhay (2x)
Mananatiling buhay sa iyo...
Categories: tanging, appreciation, art, beauty, dedication,
Form: Sonnet

Naiwanan

naiwanan ng panahon
dahil sa pagsubok ng pagkakataon
kinapos ng lakas
di matanaw ang bukas

di nagtagumpay sa pagsisikap
sa kabiguan nagwakas
tanging pag-ibig ang buhay
sa pusong nanghihina't nalulumbay

naiwanan ngunit lumalaban
bagama't walang katiyakan
kung mananalo o masasawi
at tuluyang maglalaho ang lahi

lumuluhang naiwanan
dahil sa hirap na nakamtan
ngunit di nawawalan ng pag-asa
na maririnig ng diyos ang mga
panalangin sa tuwina. . .
Categories: tanging, angel, art, body, culture,
Form: ABC

Lumingon Ka Sana

Masakit isipi’t kay hapding lasapin,
 Nang patotoong wala ka sa piling
Puso’y hapo sa luhog ng pagkalumbay,
Tanging gun’ta mo sa utak bumubuhay.

Giliw natutunaw akong nag-iisa,
Kapapangarap kong makapiling ka na.
Hirang ‘tong ‘sidhing nasasapit ngayon,
Nawa’y kahit hindi sadya ay malingon.

‘Ka’y drugang kumikitil sa pagkatao
Siya ring bumubuyo sa abang puso,
Giliw hirap ng kinasadlakan ngayon
Nitong lingkod mong dinig ma’y‘di malingon. 

Hatid mo'y karalitaan nitong puso,
Saka iyak nang utak kong hapung-hapo.
Araw na ‘lang takipsilim wari’ng layo
Sa kahihinatna’y sa’kin maitungo.

“Wala ka!”, Wika nitong katutuhanan,
‘Di sumagi sa’yong puso na magmahal,
Giliw kahit na sadyang  ayaw mo lamang,
Lingon lang ayos na akong sayo’y mangmang.
Categories: tanging, angst, beautiful, conflict, love,
Form: I do not know?


Whispers In the Willows

Close your eyes my love
and let your imagination run wild;
for hear me whisper such beauty
in your ear,
hear the whispers in the willow trees,
as they sway from side to side;
as the rolling, green hill faces
smile at us,
as I kiss you upon the cheek,
as we hold hands my sweet,
as I pick a thousand roses for you
and we go to the willow tree
and rest awhile,
listening to the whispering wind,
sing a sound with the willow trees.

Here the chimes tanging
and listen close to "I love you,"
catch it fast and hold on to it,
close to your heart,
and hear it beat to the sound of a drum
deep in your breast.

Hear me my love,
smell those roses I pick for you,
it shall surpass that my love is true,
listen to the whispers of my heart,
that I direct toward you,
My sweet rose,
my lovely babe,
my darling daisy,
my violet,
my lilac,
my willow tree, which sings a song of love
with the whispers of the wind,
and the soft whispers of my heart.

.12.18.2013.
Categories: tanging, beautiful, for her, heart,
Form: Romanticism

Mahal

Mahal, pag-ibig mo ang tanging lunas
sa lahat ng sakit at paghihirap;
sugat at lungkot sa aking buhay 
tila walang katapusan.

Ikaw ang daan, aking liwanag,
tungo sa bukas na sumisikat;
at kung tulutan ika'y mahalin,
iyong-iyo ang puso ko,
irog, mahal ka sa akin.

Mundo ma'y magunaw,
walang bahid ng takot -
dusa't pait susuungin ko,
basta't kapiling ang mahal - ikaw.

Ikaw ang daan, aking liwanag,
tungo sa bukas na sumisikat;
at kung tulutan ika'y mahalin,
iyong-iyo ang puso ko,
irog, mahal ka sa akin.
Categories: tanging, introspection, life, song-
Form: I do not know?

Bakit Nga Ba?

Bakit nga ba, sinta, ako’y iniwan mo?
o kay lupit naman ng puso mo, hirang.

Magagawa mo bang limutin ang lahat?
araw na nagdaan sa ating dalawa.

Darating din ang araw ika’y malulumbay,
luha sa iyong mata’y tutulo rin.

Init ng pag-ibig ko ay hahanapin mo,
at maiisip mo ang nawala sa iyo.

Ang buhay kong ito tanging laan sa iyo,
wala bang halaga pag-ibig ko sa iyo?

Sinaktan mo ako, ngayo’y nagdurusa,
ikaw ang dahilan ng sawing kapalaran.
Categories: tanging, angst, social,
Form: I do not know?
Get a Premium Membership
Get more exposure for your poetry and more features with a Premium Membership.
Book: Reflection on the Important Things

Member Area

My Admin
Profile and Settings
Edit My Poems
Edit My Quotes
Edit My Short Stories
Edit My Articles
My Comments Inboxes
My Comments Outboxes
Soup Mail
Poetry Contests
Contest Results/Status
Followers
Poems of Poets I Follow
Friend Builder

Soup Social

Poetry Forum
New/Upcoming Features
The Wall
Soup Facebook Page
Who is Online
Link to Us

Member Poems

Poems - Top 100 New
Poems - Top 100 All-Time
Poems - Best
Poems - by Topic
Poems - New (All)
Poems - New (PM)
Poems - New by Poet
Poems - Read
Poems - Unread

Member Poets

Poets - Best New
Poets - New
Poets - Top 100 Most Poems
Poets - Top 100 Most Poems Recent
Poets - Top 100 Community
Poets - Top 100 Contest

Famous Poems

Famous Poems - African American
Famous Poems - Best
Famous Poems - Classical
Famous Poems - English
Famous Poems - Haiku
Famous Poems - Love
Famous Poems - Short
Famous Poems - Top 100

Famous Poets

Famous Poets - Living
Famous Poets - Most Popular
Famous Poets - Top 100
Famous Poets - Best
Famous Poets - Women
Famous Poets - African American
Famous Poets - Beat
Famous Poets - Cinquain
Famous Poets - Classical
Famous Poets - English
Famous Poets - Haiku
Famous Poets - Hindi
Famous Poets - Jewish
Famous Poets - Love
Famous Poets - Metaphysical
Famous Poets - Modern
Famous Poets - Punjabi
Famous Poets - Romantic
Famous Poets - Spanish
Famous Poets - Suicidal
Famous Poets - Urdu
Famous Poets - War

Poetry Resources

Anagrams
Bible
Book Store
Character Counter
Cliché Finder
Poetry Clichés
Common Words
Copyright Information
Grammar
Grammar Checker
Homonym
Homophones
How to Write a Poem
Lyrics
Love Poem Generator
New Poetic Forms
Plagiarism Checker
Poetics
Poetry Art
Publishing
Random Word Generator
Spell Checker
Store
What is Good Poetry?
Word Counter