Get Your Premium Membership

Lumingon Ka Sana

Masakit isipi’t kay hapding lasapin, Nang patotoong wala ka sa piling Puso’y hapo sa luhog ng pagkalumbay, Tanging gun’ta mo sa utak bumubuhay. Giliw natutunaw akong nag-iisa, Kapapangarap kong makapiling ka na. Hirang ‘tong ‘sidhing nasasapit ngayon, Nawa’y kahit hindi sadya ay malingon. ‘Ka’y drugang kumikitil sa pagkatao Siya ring bumubuyo sa abang puso, Giliw hirap ng kinasadlakan ngayon Nitong lingkod mong dinig ma’y‘di malingon. Hatid mo'y karalitaan nitong puso, Saka iyak nang utak kong hapung-hapo. Araw na ‘lang takipsilim wari’ng layo Sa kahihinatna’y sa’kin maitungo. “Wala ka!”, Wika nitong katutuhanan, ‘Di sumagi sa’yong puso na magmahal, Giliw kahit na sadyang ayaw mo lamang, Lingon lang ayos na akong sayo’y mangmang.

Copyright © | Year Posted 2014




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things