Mahalin natin ang sariling wika,
Huwag natin itong ipagpapalit;
Ito'y kayamaman ng ating bayan,
Biyaya ng Diyos mula sa langit.
Ang wikang Filipino ay dakila,
Ginamit ito ng mga bayani
Na lumaban sa mga mananakop
Upang makalaya sa pagka-api.
Kahit tayo'y nasa ibayong dagat,
Itaguyod ang wikang Filipino;
Dala nito ang pambansang kultura,
Na lumalaganap sa buong mundo.
Tumitibay ang pagkakapatiran
Ng lahing Filipino bilang bansa;
Pangungusap na galing sa isipan,
Mula sa puso ang pagsasalita.
Sikapin nating ganap na tumugon
Sa isip, sa salita, at sa gawa;
Mula ngayon hanggang sa katapusan,
Mahalin natin ang sariling wika.
Categories:
nito, language,
Form: Quatrain
Tinataningan nang kumunoy ng oras
Sinusubok kung hanggang saan ang antas,
Minsa'y nahahapo ang katawang lupa
Subalit puso'y pigil…ayaw madapa.
Denidelubyo sa paghihintay sa'yo,
Nasasaksak minsan sa may gawing puso
Amin kong dinar'ma sampo nito mahal,
'Di na bali pagkat pag-ibig ay bukal.
Ito'y walang saklaw ng pagmamalaki;
‘Wag ituring na pansar'ling pagtatangi
Winiwika lang itong naging hantungan
Sa pag-irog ko na pakikipaglaban.
Mahal lahat na yata'y halos dinaig,
Muntik nang binigay sa'yo ang daigdig,
Sana'y sawing bugna'y ‘di sa'kin mauwi
At ang pag-iro'y tuluyang manatili.
Giliw taos-puso't sadya kitang nais,
Kailangan ka't ‘di 'to pagmamalabis.
Karangalan ko'ng kita'y hihintayin
Hanggang sa huling buhay nitong damdamin.
Categories:
nito, first love, for her,
Form: Romanticism
Bakit hindi ko maiwasang umagos aking mga luha
Sa tuwing ako’y iyong binabalewala,
Nalulungkot at nalulumbay buo kong pagkatao
Sa mapait at matabang na sa aki’y pagtrato.
Naluluha at nasasaktan ako sa iyong mga banat
Pagkat mas lalo mo lamang nilalayo ang loob sa lahat,
Ngunit kahit gaano pa ka tulis ang iyong mga salita
Matitiis hindi pagkat ikaw ay namumukod tangi.
Alam mo bang nilalanghap ko bawat samahan natin
Tuwing tayo’y masaya, nagtatawanan at nagkukulitan,
Kaysarap ngang balikan parang nakakawala ng hapdi
Napakagaan sa pakiramdam at lumbay ay napawi.
Alam mo namimis ko ang tunay na ikaw
Hindi ko na kase iyon sa’yo natatanaw,
Noong ngiti mo’y napalitan na nang ngiwi
At ngayo’y halos wala na talagang mahawi.
Kailan ba tayo magkakasundo?
Hanggang kailan magdurugo aking puso?
Na ikaw ay tiisin at laging intindihin.
Kailan mo kaya mauunawaan itong damdamin?
Sana lang alam mo ang laman nitong puso
Sana alam mo ang bawat sugat at kirot nito,
Nang ang paghilom naman ang mamumuo
At liwanang sa isip at puso’y makakamtan ko.
Categories:
nito, love, missing you, sister,
Form: Dramatic Monologue
Gabi...
Dalaw ng pangungulila.
Pilit na ipininta sa kwadro ng gunita...
...makulay...
libo't saring paro-paro...
lipad...lipad...lipad!
samyo ng bulaklak, awit sa pandinig nito.
hamog ng hanging amihan, butil nito'y sumibol
kumislap, umakit...
...naghihintay sa dampi ng halik!
Umaga...
hamog na umusbong...
sa loob ng salaming di matinag
namukadkad...
ahhhh...pilit kumakawala...
sa kulay ay nagliliyab
pag-isahin nawa... hamog niya ay bigyang laya!
Inner Whispers
Categories:
nito, body, longing, metaphor, senses,
Form: Free verse