Muling Poems | Examples


Stuck

This is where the road forks,
our path long since ended. 

I’m stuck in place, 
caught up in the idea of moving forward.
Constantly muling over retracing my steps,
in hopes of joining you once more.

And I’m torn between wanting to wait for you,
and choosing a new path of travel.
Categories: muling, 10th grade, break up,
Form: Free verse

Imahe

Sa kailaliman ng gabi ang diwa ay muling naliligalig
Sa twina'y nabubusog ang kalooban ng mga di maurirat na sapantaha
Mga tinig na nagmumutawing, "wala kang kalakasan, wala kang puwang"
Makulimlim na mga salita na nagpapabalisa
Kakambal wari mula nang ako ay magkahininga

Hindi ko maipagkukubli marupok kong damdamin
Tindig ko man ay hindi kababakasan ng lakas ng loob
Paano ako titingnan ng dako't paroon
Kahit kakampi ko man ang panalangin
Kung kaniig naman mga palad sa mukha
Habang sa isip laging umuukilkil mga imahe ng kapintasan
Dalisay kung pumapatay sa sariling katinuan
Sadyang kay hirap maigupo habang nabubuhay
Kung batid mong sarili man ay kaaway.
Categories: muling, conflict, deep, emotions, identity,
Form: Free verse


Si Juana Ang Nag-Silang

Sa kanilang mga anino,
Kami’y kanilang itinago
Lagi kami ang sinusuyo
Na manatili lang sarado

Na dating walang pumapanig
Noong kami ay nalulupig
Ngunit ngayon, kami’y titindig
At sana’y kami ay marinig

At bakit naman kami matitinag?
Dahil ba kami ay babae lamang?
At bakit kami pa ang maduduwag,
Sa lupaing kami rin ang nag-silang?

Kailan pa nagging sukatan
Ang aming mga kasarian?
At ang taglay na kakayahan
Na ipagtanggol ang lipunan

Mag-dadamit, mag-hahayag ng malaya
May lakas ng loob at di nahihiya
Dahil di na nila kami madadaya
Sa pag-laban namin ng aming hustisya

Tatayo kami at titingala
Sa pag-tibay ng paniniwala
Ika’y babaeng dinadakila,
Na di na muling maalila.

PM, 2022
Categories: muling, celebration, courage, woman, women,
Form: Other

Nakakaiyak Parin

Kaluluwa ko’y muling sinasariwa
Ang nangagngulatding-talulot ng tuwa
Na bibihira na lamang nadadalaw’t
Nadidiligan nitong abang gunita.

Dito ngayon sa ‘king pagbabalik-sulyap
Sa kahapong tila ‘di malip’rang-uwak;
Kaluluwa ko ay nasubsob sa dawag
Ng damuhan ng gun’tang nasawimpalad.

Dito ay aking pamuling namamalas
Ang mapanglaw’ng kagalakan ng lumipas.
‘tong galing buhat sa nasawing pagkasi
At pagtatangi sa isang binibini.

Saka mga mata ko ngayo’y uma’mbon
Ng luhang dito pala’y nagkukulong.
O ‘yong alaala nasawing pag-ibig…
Kinakamandag parin aking isip.
Categories: muling, love, love hurts,
Form: I do not know?

Muling Tumibok At Nabigo

Narito na naman ako sa isang tabi
Nalilito bawat araw at gabi,
Naguguluhan sa kung anong mararamdaman
Sa bagong pag-ibig na aking natagpuan.

Sinisigaw ng isip na ‘wag nang sumugal
Sapagkat ito ay hindi rin magtatagal,
Pigilan ang damdamin kung kinakailangan
Upang sa huli’y hindi ka masasaktan.

Araw-awar na lang ikaw ang laman nitong puso
Dati rati naman mundo nati’y di magkasuyo,
Paulit-ulit na lang bawat tao ikaw’y nakikita
Dati rati naman hindi tayo magkakakilala.

Ngunit hiyaw ng puso mo ay mahalin siya
‘pagkat mundo mo’y mabubuo tuwing siya’y kasama,
Liliwanag at kikislap ang madilim mong daan
Kung pag-ibig niya ang pipiliin mong madama.

Kaya hiling ko na lang sana ay makalimutan ka
Nang pusong hangal ay hindi na magdurusa,
Sapagkat pag-ibig sayo’y wala nang pag-asa
Nang malaman na may mahal ka na pa lang iba.
Categories: muling, best friend, for him,
Form: Free verse


Panaginip

Sa muling pagpikit ng mga mata, 
Dagling magbubukas ang panaginip, 
Saglit akong mawawala, 
Tungo sa kalawakan ng aking isip. 

Tayo'y muling magtatagpo, 
Sa gitna ng pagkakaidlip, 
Sana'y di na magkalayo, 
Pinipilit ko, pero isa ka lang kathang-isip. 

Doon kung saan ikaw ay parang tunay, 
Doon kung saan hawak ang iyong kamay, 
Sana naman sa totoong buhay, 
Makatagpo nang isang tulad mo. 

Hilumin mo na ang sakit ng pag-iisa, 
Buhay ko, bigyan mo na ng saya, 
Marahil ngayon, isang ilusyon, 
Balang araw mayroong tutugon. 

Hanggang sa muling paglalakbay, 
Makaharap ka na nang tunay...
Categories: muling, dream, love, teen,
Form: Light Verse
Get a Premium Membership
Get more exposure for your poetry and more features with a Premium Membership.
Book: Reflection on the Important Things

Member Area

My Admin
Profile and Settings
Edit My Poems
Edit My Quotes
Edit My Short Stories
Edit My Articles
My Comments Inboxes
My Comments Outboxes
Soup Mail
Poetry Contests
Contest Results/Status
Followers
Poems of Poets I Follow
Friend Builder

Soup Social

Poetry Forum
New/Upcoming Features
The Wall
Soup Facebook Page
Who is Online
Link to Us

Member Poems

Poems - Top 100 New
Poems - Top 100 All-Time
Poems - Best
Poems - by Topic
Poems - New (All)
Poems - New (PM)
Poems - New by Poet
Poems - Read
Poems - Unread

Member Poets

Poets - Best New
Poets - New
Poets - Top 100 Most Poems
Poets - Top 100 Most Poems Recent
Poets - Top 100 Community
Poets - Top 100 Contest

Famous Poems

Famous Poems - African American
Famous Poems - Best
Famous Poems - Classical
Famous Poems - English
Famous Poems - Haiku
Famous Poems - Love
Famous Poems - Short
Famous Poems - Top 100

Famous Poets

Famous Poets - Living
Famous Poets - Most Popular
Famous Poets - Top 100
Famous Poets - Best
Famous Poets - Women
Famous Poets - African American
Famous Poets - Beat
Famous Poets - Cinquain
Famous Poets - Classical
Famous Poets - English
Famous Poets - Haiku
Famous Poets - Hindi
Famous Poets - Jewish
Famous Poets - Love
Famous Poets - Metaphysical
Famous Poets - Modern
Famous Poets - Punjabi
Famous Poets - Romantic
Famous Poets - Spanish
Famous Poets - Suicidal
Famous Poets - Urdu
Famous Poets - War

Poetry Resources

Anagrams
Bible
Book Store
Character Counter
Cliché Finder
Poetry Clichés
Common Words
Copyright Information
Grammar
Grammar Checker
Homonym
Homophones
How to Write a Poem
Lyrics
Love Poem Generator
New Poetic Forms
Plagiarism Checker
Poetics
Poetry Art
Publishing
Random Word Generator
Spell Checker
Store
What is Good Poetry?
Word Counter