Nakakaiyak Parin
Kaluluwa ko’y muling sinasariwa
Ang nangagngulatding-talulot ng tuwa
Na bibihira na lamang nadadalaw’t
Nadidiligan nitong abang gunita.
Dito ngayon sa ‘king pagbabalik-sulyap
Sa kahapong tila ‘di malip’rang-uwak;
Kaluluwa ko ay nasubsob sa dawag
Ng damuhan ng gun’tang nasawimpalad.
Dito ay aking pamuling namamalas
Ang mapanglaw’ng kagalakan ng lumipas.
‘tong galing buhat sa nasawing pagkasi
At pagtatangi sa isang binibini.
Saka mga mata ko ngayo’y uma’mbon
Ng luhang dito pala’y nagkukulong.
O ‘yong alaala nasawing pag-ibig…
Kinakamandag parin aking isip.
Copyright © Milbert Salmasan | Year Posted 2014
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment