Gaya Poems | Examples

List of Member Poems

900 Sa Lahat ng mga Santo at Santa

900.
Sa Lahat ng mga Santo at Santa

(1) Oh mga Santo at Santa
Mga hinirang at pinagpala

(2) Dakila sa langit at lupa
Iginagalang at tinitingala

(3) Kayong mga Alagad ng Dios
Kaagapay ng Manunubos

(4) Sa pagtulong sa mga tao
Sa pamamagitan ng mga milagro

(5) Binigyan kayo ng kapangyarihan
Na tulungan ang mga nangangailangan

(6) Mga nangangailangang gaya ko
Na walang pera at trabaho

(7) Ako ay dumudulog sa inyo
Kailangan ko ang inyong saklolo

(8) Walang wala na ako
Kailangan ko ng trabahong ikawalo

(9) Trabahong bubuhay at susustento
Sa akin at sa pamilya ko

(10) Trabahong tatagal ako
Hanggang sa pagtanda ko

(11) Sa lahat ng mga Santo at Santa
Ako sana ay muling magkatrabaho na!

-11/01/2025
(Dumarao)
*All Saints' Day

886 10 Meron si Jose Radin 6: Talents & Skills

886.
10 Meron si Jose Radin 6:
Talents & Skills

Si Jose Radin ay may "Talents & Skills"
Na kayang pambayad ng bills

Skills sa Communication
Makipag-usap sa bawat person

Pagsulat at Pagsasalita
Sa mga nakakasalamuha

Skills sa Computer
Gaya ng pagiging Encoder

Sa Microsoft at Editing
Salamat sa Dios na magaling.

-10/06/2025
(Dumarao)
*10 Meron si Jose Radin

873 Tula Para sa Bayan 8: Mga Modernong Aktibista

873.
Tula Para sa Bayan 8:
Mga Modernong Aktibista

Isang arao, nabuo ang mga modernong aktibista
Mga kilusan para sa bansa
Kanilang mga miyembro
Mga mag-aaral, manggagawa at iba't ibang grupo

Nabuo noong Pangulo si FEMarcos
Hanggang Martial Law ay ipag-utos
Sinakop ang Maynila
Lumaganap sa buong bansa

Upang labanan ang gobierno
Sa maling pamamalakad nito
Sa pamamagitan ng mga pagkilos
Gaya ng First Quarter Storm na bumatikos

Ngunit nakamit ba ang ipinaglalaban
Na ituwid ang pamahalaan
Pamahalaang halal ng masa
Ngunit nagpapahirap sa kanila?

-09/21/2025
(Dumarao)
*8 Napapanahong Tula
Para sa Bayan (during the 53rd
Martial Law Anniversary
with protests all over the country
like the Trillion Peso March in EDSA,
Baha sa Luneta,
Pray for the Philippines in Davao, etc.)


864 Pag-asa kay San Jose ng Dumarao

864.
Pag-asa kay San Jose ng Dumarao

(1) Noong naghahanap ako
Ng ikapito kong trabaho
Nagnobena ako sa Simbahan ng Dumarao
At humiling kay San Jose dito
Na bigyan ako muli ng trabaho

(2) Nakinig Siya sa panalangin ko
Ako ay muling nakapagtrabaho
Sa aming munisipyo
Kahit noon ay nag-resign ako dito
Pangalawang pagkakataon ko na ito

(3) Oh! Purihin ang Dios ko
Purihin si San Jose ng Dumarao
Salamat sa Inyo
Sa pagdinig ng panalangin ko
Purihin at pasalamatan Kayo

(4) Tulungan Niyo rin po
Ang ibang naging gaya ko
Na walang trabaho
Tulungan Niyo rin ang mga ito
Kapag nagnobena rin sila sa Iyo

(5) Upang ang purihin ay Kayo
Upang ang pasalamatan ay Kayo
Kayo ang pag-asa ng mga ito
Oh! Dios ko patunayan Niyo
Na may "Pag-asa kay San Jose ng Dumarao".

-03/19/2025
(Dumarao)
*Feast Day of San Jose...
4 of 5 "Jubileo ng Pag-asa" poem

862 Pag-asa kay Santo Nino

862.
Pag-asa kay Santo Niño

(1) Noong bata pa ako
Sa bahay namin sa Casimiro
Nang ako'y nasa pang-unang grado
Humiling ako sa aming Santo Niño
Na bigyan ng kapatid ako

(2) Dininig Niya ang hiling ko
Nagkaroon ng kapatid ako
Nung ako'y nasa pangalawang grado
Kahit may edad na Nanay ko
At Caesarian labor pa ito

(3) Oh! Purihin ang Dios ko
Purihin si Santo Niño
Salamat sa Inyo
Sa pagtupad ng dasal ko
Purihin at pasalamatan Kayo

(4) Tulungan Niyo rin po
Ang mga naging gaya ko
Na magkaroon ng kapatid ang gusto
Tulungan Niyo rin po ang mga ito
Kapag dumulog sila sa Inyo

(5) Upang ang purihin ay Kayo
Upang ang pasalamatan ay Kayo
Kayo ang pag-asa ng mga ito
Oh! Dios ko patunayan Niyo
Na may "Pag-asa kay Santo Niño".

-01/19/2025
(Dumarao)
*Feast Day of Santo Niño....
2 of 5 "Jubileo ng Pag-asa" poem

836 Wala Nang Pang-Social Needs

836.
Wala Nang Pang-Social Needs

Nung ako ay tanggalin
Sa CapSU noong 2016
Social Needs ipinagkaila sa'tin

Panggastos sa birthdays wala na
Birthday ko at ng aking pamilya
Wala nang panregalo at panghanda

Panggastos sa anniversary wala na
Anniversary sa kasal ng ama't ina
Wala nang panregalo at panghanda

Panggastos sa mga okasyon wala na
Gaya ng Pasko, piyesta at iba pa
Wala o konti parin ang panghanda

Nang sa CapSU alisin ako
Wala na o
Na Pang-Social Needs tayo!

-11/09/2022
(Dumarao)
*My Losing CapSU


826 Pagmamakaawa kay Prof De Vera

826.
Pagmamakaawa kay Prof. De Vera

Oh Mahal kong Prof. Popoy De Vera
Ako sa iyo ay nagmamakaawa
Ibalik mo po ako
Sa CapSU na pinagmulan ko

Bilang AO sa opisina
Na guro rin sa mga bata
Na nasa kolehiyo
Sa kanila ako hiyang na magturo

Hindi ako hiyang sa Elementarya
Ganundin sa Sekondarya
Sa Fermat at OLSI nasubukan ko
Hindi ako nagtagal sa mga ito

Hindi ko narin po kaya
Na sa DepEd magpa-Ranking pa
Sana sa CapSU nalang po ako
Dati akong History Teacher dito

Nalagpasan ko na Hiring Process nila
Waiting nalang ako sa magiging resulta
Tulungan mo po ako
Na ako ang piliin ng mga ito.

Gaya mo, ako ay UP Graduate din na
Pwedeng mamuno habang nagtuturo.

-10/26/2022
(Dumarao)
*My CapSU Comeback

825 Pagmamakaawa kina BBM-Sara

825.
Pagmamakaawa kina BBM-Sara

Oh Mahal kong BBM-Sara
Ako sa inyo ay nagmamakaawa
Ibalik niyo po ako
Sa CapSU na pinagmulan ko

Bilang AO sa opisina
Na guro rin sa mga bata
Dito ay magagawan ko
Ng mga tula ang ating Pangulo

Gaya ng mga tula
Na aking nagawa
Noon kay Pang. Noynoy Aquino
Sa CapSU ko lang magagawa ito

Hindi ko na yata kaya
Na sa DepEd magparanking pa
Wala na akong panggastos dito
Sana sa CapSU nalang po ako

Mga requirements napasa ko na
Na-interview narin ako nila
Qualified at Eligible po ako
Sa posisyong inaplayan ko

Dito nalang ako sana
Hanggang sa maging Professor ako rito.

-10/25/2022
(Dumarao)
*My CapSU Comeback

823 National ID System ni Pres Duterte

823.
National ID System ni Pres. Duterte

May 8 Magagandang nagawa
Si Pres. Duterte sa Bansa

“National ID System” ay isa na rito
Para sa identification purposes sa bansang ito

Nakasaad dito ang mga datos mo
Gaya ng birthday at address mo

Ito ay para sa mas pinadaling pagproseso
Ng mga transaksiyon sa gobierno.

-03/28/2022
(Dumarao)
*8 Magagandang Nagawa ni Pres. Duterte sa Bansa
(77th Birthday of PDuterte)

Kash!

Main tod leti agar tu gulab hota ??

Main arpan kar deti khudko ,
aagar tu mera hota ??

Jo sath rehena ka wada kiya tha tune, kash woh nibha diya hota??

Kash woh sache pyar ka dekha ,
thoda oor kar diya hota ?

Tera jane ke baad jo tu aapne yaad chod gaya ,
kash woh aapne sath le gaya hota ??

Aagar us din tu mujhe yu chhodke na gaya hota,
toh aaj mera hat tera hato main hota??

Aaj bhi aagar koi tujh jesa dekh jata hai mujhe ,
toh may sochti hu ki kash woh tu hota ??

Main aaj bhi tera galat shikwe bhula du 
 aagar tu mera pass wapas aaya hota ??

797 Ang Alamat ng Buwis-Buhay

797.
Ang Alamat ng Buwis-Buhay

Bakit at paano nga ba
Na ang tawag sa
Kanilang parang nais mamatay
Gawain man o hindi ay “Buwis-Buhay”?

Kapag gawain mo ay delikado
Pauyam nila itong ikokomento
Parang sinasabing walang kwenta
Kahit mamatay ka pa

Gaya ng aking 2014 Social Experiment
Na educational ang intent
Pero andaming nagcomment
Na ipakatay pa rao ako to that extent

Buwis-Buhay nga! (nganga)
Bukambibig ng VICE na maGANDA
Sa mga kalahok na peligroso
Ang mga talent sa show

Kahanga-haNGA NGA pero kalurkey
Parang ung efforts ni Empress Ki
Pa-epal daw kasi kaya impressive
Kapalmuks daw kaya expressive

Matindi ang kapit parang tuko
Kahit 2013 pa ang “Let it go!”…
Ni Elsa sa malamig na kastilyo
Parang 1994 Elsa Castillo

Portrayed by Kris Aquino!
Wag RAo manlaban sa power ng YElLOw
BoomPanis lang… Walang laban
Kahit sumabog pa ang Bulkan…

-07/28/2020
(Dumarao)
*Alamat ng Kanilang mga Expressions

795 Ang Alamat ng Epic Fail

795.
Ang Alamat ng Epic Fail

Bakit at paano nga ba
Na ang tawag sa
Kanilang idiniskarga o idinerail
Tao man o hindi ay “Epic Fail”?

Istrukturang hindi natapos
Dahil budget ay kinapos
O mga taong itinaktak
Dahil itinuring nang kanilang latak

Gaya ni CJR Corona at JRobredo
Aba mga kasabayan ko sa “Epic Year” na ito
Pare-pareho kaming idiniskarga
Taong 2012 sa aming mga opisina

Sabay ang TED Secretary
Sa Secretary ng DILG
Na sa ere naglaho
At si Mar Roxas umupo

Ito ang epiko ng panay pang-aagaw
Gaya ng isang mula sa Mambusao
Na noong 2002 ako sa Top 1 pinaalis
Ngayong 2012, taga-Mambusao pinatugis?!

Tinugis si Labao - #OrasNa ng laglagan!
Parang “Laglag-Bala” sa mga paliparan
Laglagan talaga ang trip ng mga Dilawan
Parang yung sa Drug Trade na “Onsehan”

Oras na talaga ng mga mang-aagaw
Mga Liberal na salimpapaw
Parang yung mga kaaway
Sa Epiko ng Panay.

-07/26/2020
(Dumarao)
*Alamat ng Kanilang mga Expressions

794 Ang Alamat ng Bunggaitan

794.
Ang Alamat ng Bunggaitan

Bakit at paano nga ba
Na ang tawag sa
Kanilang inalagaan
Noong 2010 ay “Bunggaitan”?

Gayong ang salitang ito
Ay nagsimula lamang mauso
Noong 2011 sa isang programa
Na kung tawagin ay “Amaya”

Isang binukot na mahiwaga
Naging guro rin siya
Nagturo rin sa mga bata
Gaya ng Adviser ng “Ang Bunga”

Ito ang tawag nila
Sa babasahin kong nilikha
Tinawag nga rin itong muta
Ng isa sa ating tagapangalaga

Kakulay nga ng dilaw na dumi sa MATA
Ang logo nitong hinog na mangga
Na sa simula palang ay nais nang pitasin
Dahil sa laylayan lamang ito nakabitin

Itong Bunga ng Bunggaitan
Sa wakas ay natikman
Ilang buwan sa pagsisimula
Na mapanood si Amaya

Na kinamuhian din ng mga
Nakatataas sa kanya
Ani Aristotle: “Sa Ed, ang Bunga matamis
Samntalang ang mga ugat ay nakakainis.”

-07/25/2020
(Dumarao)
*Alamat ng Kanilang mga Expressions

784 Ang Bulag sa Siloa at Ang Mga Magsasaka sa Mendiola

784.
Ang Bulag sa Siloa
at Ang Mga Magsasaka sa Mendiola

At dumaan si Hesukristo sa Siloa
Kung saan isang bulag Kanyang nakita
Siya mismo ang lumapit sa bulag na kawawa
Upang hilumin ang kapansanan ng dukha

Ang nilapitan ay di-nakakakita
Kusang hinilom pgkabulag niya
Ito ay gaya ba…
Ng nilapitang seniora?

Ang nilapitang seniora
At ang lumapit na mga magsasaka
Ito ay gaya ba…
Ng lumapit at nilapitan sa Siloa?

13 pinatay na mga magsasaka
74 sugatan sa mga nasabing nagwelga
Daan sa kanila karahasan ang napala
Ito ba ang nakikita ng bulag na hustisya?

-04/04/2020
(Dumarao… based on 3/22/2020 Gospel)
*Ides of March

783 Ang Tubig ng Babae sa Samaria at Ang Luha ng Babae sa Hacienda Luisita

783.
Ang Tubig ng Babae sa Samaria
at Ang Luha ng Babae sa Hacienda Luisita

At napadpad si Hesukristo sa Samaria
Kung saan nakatagpo niya si Photina
Humingi ng tubig ang Panginoon sa kanya
Na parang ayaw Siyang painumin sa una

Ang humingi ay taga-Judea
Ayaw bigyan Siya tila
Ito ay gaya ba…
Ng mga humingi na magsasaka?

Ang hiningan ay taga-Samaria
Ayaw mamigay yata
Ito ay gaya ba…
Ng mga hiningan na panginoong-maylupa?

Ang humingi at hiningan ay parehong Israelita
Sa isa't isa parehong magkababayan sila
Ito ay gaya ba…
Ng mga pinatay at pumatay sa Hacienda Luisita?

7 patay na mga magsasakang nagprotesta
121 sugatan sa kanila kabilang ang mga bata't matatanda
133 pinagdadakip at ikinulong pa
Ito ba ang tugon sa babaeng lumuha?

-03/15/2020
(Dumarao… based on today's Gospel)
*Ides of March

Sub Categories

Looking for the formal definition, structure, and history of this poetry form? Visit the Poetry Dictionary entry below. Then return to explore how PoetrySoup members bring the form to life through their own poems.

Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace