Ikaw ang nagsimula, kailan ma'y 'di na mamawala
Dahil sayo' y binuo mo ang mundo
Ang ngayon ang bukas, ang pagkadakila
Mula sa isip, hangang sa entablado
Lunan ka maging sa saya at dalita
Pati na sa larawan milyong diwa ang tinuro
Ganyan ka kamakapangyarikan-Wika
Salamin ng kasaysayan, landas ng bukas
Dugong pagkakakilanlan, ang nilikha
Ginto sa lupa, sa tubig ay hiyas
Iyong Pinagyaman silang mga dukha
'Di dahil sa bilang kundi ika' y likas
Pinag-ugnay ang araw at buwan gamit ang pluma
Ganyan ka kamakapangyarikan-Wika.
Categories:
dugong, culture, language, symbolism,
Form: Rhyme
Ihanda ang sarili sa Banal na Hapunan,
Ang pagdalo sa pagsamba ay pagtalagahan;
Itaguyod ang ganap na pagbabagong buhay,
Lubos na isulong ang ikapagtatagumpay.
Tumulong tayo sa gawang pagpapalaganap,
Huwag magsasawang mag-anyaya at maghanap;
Akayin ang tao sa mga dako ng misyon,
Itanyag natin ang pangalan ng Panginoon.
Makipagkaisa tayong lahat sa pagsunod,
Huwag tayong manghihinawa kahit mapagod;
Maging maalab sa kasiglahang espiritwal,
Pagpapalain ang sa Diyos ay nagpapagal.
Sasalo tayo sa dulang ng bugtong na Anak,
Upang kupkupin at huwag tayong mapahamak;
Kakain tayo ng tinapay na s'yang katawan,
Iinom ng ubas na dugong kapatawaran.
Alalahanin nga ang kamatayan ni Cristo,
Na dahil sa Iglesia ay ililigtas tayo;
Tinubos tayo sa ating mga kasalanan,
Ihanda ang sarili sa Banal na Hapunan.
Categories:
dugong, faith,
Form: Couplet